Chapter 6
Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa kama. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Hindi ba kagabi sa couch ako natulog? Ibig sabihin ba nito binuhat ako ni Saturn?
Lumabas na ako ng kwarto at saktong nakasalubong ko naman siya na may bitbit na pagkain. Pagkakita niya sa akin ay 'agad siyang sumimangot. Ang aga-aga ang sungit niya, a!
"Oh? Saan ka pupunta? Kakain na."
Hindi na lang ako nagsalita. Ang ganda-ganda ng umaga ko, e. Ayokong masira dahil magtatalo na naman kaming dalawa. Sumunod na lang ako sa kanya papasok muli sa loob ng kwarto. Dumeretso kami sa kusina at pinanood ko lang siya habang naghahanda ng pagkain.
Kumain na lang kami nang tahimik pero hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya ng isang tanong na kanina ko pa gustong makuha ang sagot.
"Paano nga pala ako napunta sa kama?"
Muntik na niyang maibuga ang kinakain niya. Mabuti na lamang ay naitakip niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Nakakagulat ba 'yong tinanong ko?
Umiwas siya ng tingin. "M-malamang binuhat kita! Common sense nga!" sigaw niya. "Ang likot-likot mo kasing matulog. Bigla na lang may lalagabag at makikita na lang kitang nakahiga sa sahig. Grabe kang matulog. Nahulog ka na't lahat, hindi ka man lang nagising."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-peace sign. "Sorry?"
Nakakahiya pala ako kagabi. I want to dig my own grave now.
♂️♥♀♥♂
Nandito pa rin kami sa Batangas pero umalis na kami sa beach resort para lumipat sa ibang lugar. Nakuha na namin lahat ng impormasyon at litrato na kailangan namin kaya tanging ang paggawa na lang ng mismong advertisment ang kailangan.
Naisipan naming tumigil sa isang malawak na parangan kung saan may burol na hindi kalayuan sa kalsada.
Sobrang lawak ng parangan at fresh na fresh pa ang hangin. Umakyat kami sa burol sa gitna ng parangan at nagsimula na akong kumuha ng picture. Hindi naman kataasan itong burol pero mas kita rito ang kabuuan ng lupain. May malaking puno sa tabi nito na pwedeng pagsilungan kaya roon kami umupo sa ilalim nito para hindi kami mainitan.
"Ang ganda rito." nakangiting sabi ko.
"Yeah." expressionless niyang sabi.
Napanguso na lang ako. Ano ba 'yan? Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Kundi mapanlokong ngiti, ngisi lang ang madalas kong nakikita na ginagawa niya. Hindi ko pa nakikita ang natural na ngiti niya. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?
Naka-cross legs akong humarap sa kanya.
"Bakit ABM ang pinili mo?"
Wala kasi sa hitsura niya ang kukuha ng Business related na course. Bagay siya sa mga kursong katulad ng Engineering o kaya kursong may kinalaman sa medicine.
"I didn't choose it. My father did."
Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga.
"But if you were to choose, what will you choose?"
Hindi siya nagsalita at hindi na rin ako namilit. Pakiramdam ko'y napakasensitibo nitong topic ngunit laking gulat ko nang madinig ko siyang magsalita.
"Probably something related to arts."
"Wow." I whispered. I'm a bit shocked. Sabi nga nila, huwag i-judge ang tao sa panglabas nilang anyo. I didn't expect he was aiming for arts. "So, like drawing? Writing? Or music and dance related?"
BINABASA MO ANG
He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM)
RomancePublished under PSICOM Publishing Inc. Available in Shopee and Lazada Price: Php 195 They saying you can never stop yourself from loving someone. It will just happen-no warnings, no precautions. You'll find yourself falling into a trap but you'll l...
