Chapter 8

67.3K 1.6K 82
                                    

Chapter 8

I spent half of my weekend editing our advertisement. Tumutulong na lang sina Shellie through chat kaya naman mas lalong napadali ang paggagawa. Hindi ko rin ineexpect na kahit papaano ay tutulong din sina Saturn at Jonas.

I really wanted to ask Saturn who was the girl yesterday. Ayoko lang na mag-away lang kami. Baka naman sabihin niya pakealamera ako.

It was Sunday and since I don't have any school-related stuff to think about, I decided to cook. Napag-alaman ko kina Kuya na dadating sina Mommy at Daddy ngayon.

Excited na akong makita sila dahil may pakiramdam akong pagpaplanuhan na nila ang dadating kong 18th birthday.

Pinangako nila sa'king sa pagkakataong ito, makakadalo na sila. Palagi kasi silang wala sa birthday ko dahil sa sobrang abala nila sa trabaho.

I spent my time inside the kitchen, cooking their favorite food. Nasanay akong magluto dahil nina Kuya. Naisip ko kasing ipagluto sila para kahit papaano ay maibsan ang pagod nila sa trabaho. It worked. Everytime na nakakatikim sila ng luto ko ay parang narerestore ang energy nila.

Habang hinihintay kong kumulo ang karne ay kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa. Tinawagan ko si Kuya Justin. Sina Kuya Harris at Kuya Steff kasi ay nasa trabaho pa. Si Kuya Justin naman ay day off ngayon. Siya ang susundo kina Mommy at Daddy sa airport.

"Kuya, dumating na sila?" Humalumbaba ako. Nakaloud speaker ang phone habang nakalapag sa counter.

"The plane just landed." Nadidinig ko mula sa background ang bawat pag-anunsyo. "What are you doing?"

"Cooking." Tumayo ako para tingnan ang kalagayan ng niluluto ko. "They haven't tasted my dishes yet so I want to surprise them."

He chuckled. "I'm sure they'll love it." He paused. "They're already here. Hintayin mo na lang kami riyan."

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Alright."

Inabala ko na ang aking sarili sa pagluluto. I arranged the table after I'm done with the cooking.

Minsan lang umuwi sina Mommy at Daddy. Bata pa lamang ako, abala na sila sa trabaho. Dahil halos magkakalapit ang edad nina Kuya, nagsikap sina Mommy at Daddy na mapalago ang business namin. Nang maisilang ako, hindi na kami nahihirapan sa pera kaya naman naiibigay nila ang gusto ko kaya ngayon kahit sa simpleng paraan man lang ay makabawi ako.

After the preparation, I waited for them in the living room. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko dahil ilang minuto lang ang lumipas ay nadinig ko na ang boses nila habang papalapit sa pinto.

Sinalubong ko sina Mommy at Daddy pagkapasok nila sa pinto.

"Hi!" masiglang bati ko sa kanila.

They both smiled widely at me.

Niyakap ko silang pareho. God, I missed them so much. Halos isang taon din silang hindi umuuwi.

"How's our princess?" Daddy asked while patting my head. Isa na itong habit niya na hindi na niya naialis simula noong bata pa ako.

Yumakap ako sa magkabila nilang braso at dinala sila sa living room. Si Kuya Justin ay abala sa pagbubuhat ng mga bagahe nila.

"I'm fine like always." Ito palagi ang isinasagot ko sa kanila kahit sa mga oras na hindi naman talaga ako okay. Ayoko kasing dumagdag pa sa alalahanin nila. "And I have a surprise!"

Mommy chuckled. Kinurot niya ang aking ilong. "Energetic as always."

"So what's the surprise you're talking about?"

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon