Chapter 12
Seraphino climbed up the wall at the back of the school. I watched him do it with ease like he had done it several times before.
He looked back at me and smiled. "Cover-up for me. I have to go see my girlfriend."
I just stood at the ground as I watched him go down the other side.
At that moment, I don't know why as he fell down, I felt my heart was falling down with him too.
I sighed when I read the last part. Isinarado ko na ang application at itinigil ang pagbabasa. Nawawalan ako ng gana sa lahat. Pakiramdam ko'y wala akong pisikal na lakas.
Naramdaman ko na lang na may kumukulbit sa akin. Dinaig ko pa ang taong tumakbo ng ilang kilometro dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang lumingon ako.
Humawak siya sa kanyang batok at umiwas ng tingin. "Can we talk?"
"Bakit? Para saan?"
Para saan pa?
"I just want to say something important."
Tumingin siya sa mga mata ko nang seryoso at hindi ko alam kung bakit "okay" na lang ang nasabi ko.
—
Nandito kami sa rooftop. This place holds too much memories. Imbis na matuwang naaalala ko ang lahat ng iyon ay parang kinukurot lang ang puso ko.
"Gusto ko lang na magkaayos tayo." panimula niya.
Umiwas ako nang tingin. Hindi ako nagsalita.
"Rick told me everything. I'm sorry."
"Sorry for what?"
Hindi ko basta-basta matatanggap ang sorry ng isang tao kung hindi niya sinasabi kung bakit siya nagsosorry. Ang pointless kasi kung basta 'I'm sorry' lang ang sasabihin niya. Paano kung nagsosorry siya pero hindi naman niya talaga alam kung ano'ng ginawa niya? Nagsosorry lang pala siya sa'yo for the sake of making it up to you. Walang patutunguhan ang ganoon.
"I'm sorry for saying harsh things to you. I just can't imagine that she can do that to you."
"Ano ngayon ang gusto mong palabasin? Na ako ang may kayang gawin ang bagay na 'yon sa kanya?"
Hindi ko na mapigilang mapataas ang boses ko kasi naiinis na talaga ako, 'no! May pinagsamahan naman kami kahit papaano tapos pinag-isipan niya ako nang ganoon?
Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa balikat. Ni-level niya ang mukha niya sa mukha ko. Galit ako pero ang bwisit na puso ko, napakatraydor! Kung makatibok nang mabilis, wagas!
"Look, I'm really sorry. I just couldn't bear seeing her cry."
Kahinaan niya ang luha mo, anak. I remembered my dad telling me that. It was a lie now.
"She wanted me to say sorry for her, too."
Hindi na lang ako nagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Paano ko papaniwalaan ang sorry ng Kath na 'yon, e, hindi nga niya magawang magsorry sa personal?
BINABASA MO ANG
He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM)
RomantikPublished under PSICOM Publishing Inc. Available in Shopee and Lazada Price: Php 195 They saying you can never stop yourself from loving someone. It will just happen-no warnings, no precautions. You'll find yourself falling into a trap but you'll l...
