Chapter 11

62.2K 1.7K 153
                                        

Chapter 11

Natulala ako sa aking kinatatayuan. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Hinihintay kong sabihin niyang biro lamang ang kanyang sinabi ngunit wala akong nadinig mula sa kanya.

Hindi ko alam ang aking sasabihin. Nagstuck sa'king isipan ang kanyang sinabi.

Mayamaya ay naramdaman ko na lang na may bumatok sa akin. Masama ko siyang tiningnan at hinampas ko ng full force ang balikat niya. Madaming nagsasabi sa akin na ang bigat daw ng kamay ko. 'Yon bang feeling ko ang hina lang ng hampas ko pero ang totoo ay malakas pala na hindi ko man lang namamalayan.

"Aray! Ano ba?!" reklamo niya habang hinihimas-himas ang balikat niya.

"Bakit ka ba kasi nangbabatok?!" bulyaw ko sa kanya.

"Kanina ka pa kasi nakatulala riyan, e!" Masama ang tingin niya sa'kin. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ano? Tara na?" sunod-sunod na tanong niya.

Kung makatanong naman 'to! Teka, mahina ang kalaban!

"Saan naman tayo pupunta?!"

He gave me his infamous poker face. "You're so slow," he said. "Hindi ba kasasabi ko lang kanina? Mag-date tayo!"

Napaiwas naman ako ng tingin. "E-e, bakit k-kasi ako ang ide-date mo? Madami namang iba riyan?!" frustrated at nahihiyang sabi ko sa kanya na halos nautal-utal na ako. Bakit ba kasi ako pa? Sa daming babae na nagkakandarapa sa kanya riyan, bakit hindi na lang siya pumili sa mga 'yon?

"E, sinong gusto mong i-date ko? Si Xander? Bwisit! Kung ayaw mo, e, 'di 'wag!"

Lumakad na siya para lumabas ng pinto. Hala? Nagalit na yata. Bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto, humarang na ako sa dinadaanan niya.

"Fine! Payag na ako!"

He smiled widely. Para siyang bata na nabigyan ng regalo. Nakakasilaw ang mga ngiti niya!

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang makitang naglalakad ako patungo sa classroom.

"Sa room. May klase pa tayo. 'Wag mong sabihin na balak mong magcutting?"

He clicked his tongue. Sumunod na siya sa'kin sa paglalakad.

Ang bagal ng oras. Kapag may hinihintay ka, parang mas lalo lang itong bumabagal. Bawat pagtapos ng isang klase ay napapatingin ako sa wall clock.

Sa wakas ay natapos na ang klase. Walang imik na hinawakan ni Saturn ang aking kamay at hinila palabas ng classroom. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa mga kaibigan ko.

Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse niya. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hinayaan na lamang siyang mag-drive. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa paroroonan namin. Nagtaka naman ako nang makita kong nasa pier kami.

"Bakit tayo nandito?"

Ngumiti lang siya at lumabas ng kotse. Lumabas na rin ako at sinundan siya. Kinausap niya 'yong manong na nandoon at naglakad muli papunta roon sa mga motor boat. 

"Sasakay tayo riyan."

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. "H-huh? S-seryoso ka ba?"

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon