Published under PSICOM Publishing Inc.
Available in Lazada and Shopee. Will be available soon in leading bookstores.
Price: Php 195♂️❤️♀️❤️♂️
Prologue
"Alam mo ba 'yong tungkol sa monster sa ilalim ng kama natin tuwing gabi?" tanong ng batang lalake sa kanyang kaklase.
Namilog ang mga mata niya. Nakapinta sa mukha niya ang takot. "Oo! Ang sabi nila kapag sumapit ang gabi, lalabas sila mula sa ilalim at hihilahin ka sa kama mo!"
Sumimangot si Saturn habang pinapakinggan ang kanyang mga kaklase. Walang imik niyang kinuha ang kanyang bag at lumabas ng room para roon na lang maghintay ng kanyang sundo.
Nasuspinde ang klase dahil sa malakas na ulan. Kasama ang preschool hanggang primary sa mga nasuspinde ang klase. Naghihintay silang lahat ng sundo. Dahil dito, naisipan ng kanyang mga kaklase na magkwentuhan ng nakakatakot.
He never liked horror stuffs. It was his weakness. Kapag nakakadinig siya ng mga nakakatakot na kwento, naiimagine niya ito sa gabi at hindi na siya makakatulog.
"Saturn."
Mas lalo siyang napasimangot. Walang imik siyang lumapit sa taong tumawag sa kanya.
"Hindi ka masusundo nina Mam at Sir. Pinasundo ka na lang nila sa'kin." sabi ng katiwala nila sa bahay.
Hindi pa rin siya nagsasalita. Dere-deretso lamang ang lakad niya at saglit na sumusulyap sa bawat magulang na dumadaan upang sunduin ang mga anak nila.
Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang backpack. Sa sobrang abala ng mga magulang niya sa trabaho ay wala ng oras ang mga ito sa kanya. Naiinggit siya sa mga kaklase niya na palaging nandiyan ang mga magulang sa tuwing kailangan nila ang mga ito.
Pagkadating niya sa kanilang bahay ay dumeretso na siya sa kanyang kwarto. Nagkulong siya roon na palagi niyang ginagawa kapag wala ang mga magulang niya.
Nagtungo siya sa kanyang study table upang magbasa ng paborito niyang komiks kung saan may iba't-ibang superheroes. Dahil dito, nakakatakas siya sa realidad at namumulat ang kanyang mga mata sa mundo ng imahinasyon.
Lumipas ang mga oras hanggang sa hindi na niya namalayan na gabi na pala. Isinara niya ang pang-anim na libro ng komiks na kanyang binabasa niya.
Dumako ang tingin niya sa bintana na unti-unti nang nababasa ng ulan hanggang sa tuluyan nang mabalot ng tubig na nanggagaling sa malakas na ulan.
Napatalon siya sa gulat nang mamatay ang ilaw. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa kanyang kama. Nagtalukbong siya ng kumot at niyakap nang mahigpit ang paborito niyang unan.
Bigla niyang naalala ang mga narinig niya mula sa kanyang mga kaklase tungkol sa halimaw sa ilalim ng kama.
Nanginig siya sa takot. Kahit ano'ng gawin niya'y hindi niya maialis sa kanyang isip ang imahe ng isang nakakatakot na nilalang na unti-unting gumagapang mula sa ilalim ng kanyang kama.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang buhayin sa kanyang isip ang mga superhero mula sa komiks na binabasa niya. Gamit ang mga ito ay inisip niyang tinatalo ng mga ito ang nakakatakot na nilalang sa ilalim ng kama niya. Unti-unti ay nawala ang takot sa kanyang dibdib. Kasabay nito ang pagbalik ng kuryente.
Bumangon siya at muling nagtungo sa study table. Hindi niya maialis ang maliit na ngiti sa kanyang labi nang maisip niya gumuhit ng sarili niyang superhero. Isang superhero na tatalo sa halimaw sa ilalim ng kama at alisin ang takot sa puso ng bawat isa.
Nasa kalagitnaan siya ng pagguhit nang pumasok ang kanyang ina sa kwarto. Nakasuot pa ito ng office attire.
"Saturn, it's time to go to sleep." sabi ng kanyang ina. Tumayo ito sa kanyang tabi at nakatingin sa kanyang ginagawa.
"5 more minutes, Mom." aniya habang patuloy sa pagguhit sa puting papel na nakalatag sa study table niya.
Bumuntong-hininga ang kanyang ina. "Alright. Huwag ka lang magpapahuli sa dad mo na nagdadrawing ng ganitong oras."
Tango lang ang isinagot niya rito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
"I'll show this to dad after I finished it." bulong niya.
He ended up sleeping on his study table after working on the drawing for hours. Nang magising siya'y kaagad niyang kinuha ang papel. Nagmamadali siyang nagtungo sa dinning area kung saan madalas nagkakape ang kanyang ama bago pumasok sa trabaho.
"Dad!" he exclaimed, relieved that he ran down on time.
His dad gave him a blank look. Noong magkaisip si Saturn, napansin na niyang hindi gaanong nagbabago ang ekspresyon ng kanyang ama. Ni hindi man lang ito ngumingiti. Masyado itong strikto pagdating sa bahay. Kapag hindi nasunod ang kanyang gusto ay may nakalaan na parusa.
"Tone down your voice, boy." Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa dyaryo na kanyang binabasa.
"I'm sorry." He mumbled. "May ipapakita ako sa'yo, Dad. I think I found what I want to do in the future."
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ng kanyang ama. Tinitingnan siya nito na para bang sinasayang lang niya ang oras nito. Ganunpaman, nilakasan niya ang kanyang loob at dahan-dahang ipinakita rito ang kanyang pinagpuyatan.
"I drew this last night. I really enjoyed drawing and I think–"
"What nonsense is that?"
Napalunok siya nang madinig ang malamig na tono ng kanyang ama. May disgusto sa mukha nito habang nakatingin sa drawing niya.
"Instead of wasting your time in useless things, you should study more. I've seen your grades in your subjects. I'm not satisfied with it. You're not here to play around. You should keep in mind that you'll be the one to handle our business someday."
Mistulang may nagbara sa kanyang lalamunan habang pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang ama. Ibinaba niya ang hawak niyang papel at napatungo.
"But I wanted to pursue it." He whispered.
"This is not about your choice, kid. I'm laying out the perfect path for you. Don't disappoint me anymore than this."
Naramdaman niya ang pangingilid ng kanyang luha. "Why can't I choose for myself?" Sinalubong niya ang tingin ng kanyang ama. Nanginginig man siya sa takot ay mas nangibabaw sa kanya ang kagustuhang makumbinsi ito.
"You don't get to choose in here, kid, and yes, you can draw but you're not the only one who can do it. How can you be sure that it will give you a good future? I'm here planning for what's best for you and you're saying you want to pursue drawing? Just because you drew something like that?" Itinuro niya ang papel. May pang-uuyam sa bawat salitang binitawan niya. "You'll follow the path I'll lay out for you. Now go back to your room and prepare for school. Spend your time studying instead of drawing stupid things." His father gave him a dismissing look, like he was saying he didn't want him there.
Bumalik siya sa kanyang kwarto na mabigat ang dibdib.
I just wanted him to tell me that my drawing looks nice...
He crumpled the piece of paper and threw it on the floor. Nilapitan niya ang kanyang study table. Kinuha niyang lahat ang kanyang drawing materials at isinilid lahat ito sa basurahan.
Kung sino pa 'yong taong inaasahan niyang susuporta sa gusto niya ay siya pang magpaparamdam sa kanya na wala siyang mapapala kung susundin niya ang gusto niya. Ang tanging gusto niya lang naman ay mapatunayan sa kanyang ama na hindi niya kailangan maging magaling sa lahat ng subjects niya para maipakitang karapat-dapat siya.
Gusto niyang ilaban ang pangarap niya pero parang sirang plaka na umiikot sa isipan niya ang mga sinabi ng kanyang ama. Unti-unti ay nawala ang kumpyansa niya sa sarili. Unti-unti ay napaniwala siya na walang patutunguhan ang pangarap niya.
He used to be scared of the monster under his bed but who would have thought that he will end up being the monster himself.
BINABASA MO ANG
He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM)
RomancePublished under PSICOM Publishing Inc. Available in Shopee and Lazada Price: Php 195 They saying you can never stop yourself from loving someone. It will just happen-no warnings, no precautions. You'll find yourself falling into a trap but you'll l...