Prologue

51 23 19
                                    

"Welcome back bes!"

Bungad na bati sa akin ni Oli. Kakauwi ko lang galing Singapore. Dalawang taon din pala ang nakaraan mula nung huling apak ko sa Lupa ng pinas. Ngayon ko nalang ulit nasisinghot ang polluted air.

Sinundo ako ni Oli sa airport dahil saktong wala siyang pasok ngayon. "Dito ka na for good diba?" Tanong ni Oli sa akin pagka pasok niya sa kotse niya.

Tumango ako. "Yeah, nakakapagod din tumira sa Singapore for 2 years. I missed this country too" sabi ko sa kanya.

Hindi na niya ako dinaldal dahil nagmamaneho siya at okay lang dahil inaantok pa ako.

Natulog ako at nagising nang maramdaman kong huminto ang kotse. Senyales na nasa condo na kami. Nagpatulong ako kay Oli na makahanap ng matitirhan pag uwi ko at mabuti nalang same condo lang kami ni Oli, but different building.

Ang condo kasi na ito ay may tatlong building. At doon ako sa gitnang building. Si Oli naman ang sa dulong building.

Umakyat na kami sa palapag kung saan ang unit na titirhan ko. Binuksan niya ang pinto dahil nasa kanya ang susi at saka kami pumasok.

She helped me bring my things inside my unit. "May libreng kain dapat 'to ah" natatawang sabi niya.

I rolled my eyes and threw my phone into her place. "Go and pick the food that you want. Maliligo lang ako"

I brought my luggages inside the bedroom. Binuksan ko ang maleta para kumuha ng damit at nakita ko dun ang regalo na ibibigay ko kay Oli. And I found a box with a watch inside. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko kaya sinara ko ang box at nilagay sa maleta ulit. I closed my luggage and went inside the bathroom to take my first bath here.

Pagkatapos kong maligo ay agad na ring ako lumabas para tignan ang mga binili ni Oli na pagkain namin for today.

"Hindi ka na bibili ng iba pa?" Tanong ko kay Oli.

Paano ba naman kasi. Sa dami rami ng restaurant sa buong pinas, dalawang chao fan lang ang binili niya at maraming choco pao. May mga nakalagay pa na instructions na lagyan ng maraming carrots ang chao fan.

Tumawa siya. "Hindi, nagda-diet kasi ako" tumango nalang ako at tinignan ang kabuuan ng unit ko. Nasa 15th floor ang unit ko kaya marami rin akong nakikitang mga pasyalan dito. Mahangin din kaya masarap tambayan ang balcony kapag gabi.

Nag usap lang kami ni Oli habang inaantay ang pagkain na dumating. Ngayon ko lang naalala ang iba ko pang mga kaibigan, kaibigan namin ni Oli. Hindi ako sa kanila nag sabing aalis na ako dahil biglaan din naman ang mga nangyari noon.

"Si Alice, may anak na at inimbitahan ako sa binyag ng baby niya. Pwede naman ako magsama, gusto mo ba?"

Bumuntong hininga ako at napaisip kung pupunta ba ako. Feeling ko kasi may tampo siya sa akin dahil umalis ako. Naalala ko pa yung mga memories namin noon.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang pagkaing in-order. Binuksan namin ang tv at nagsimulang kumain habang nanonood ng movie sa netflix.

Sa totoo lang, na-miss ko yung ganito. Lagi rin kasi si Oli sa Apartment ko. Ganito rin kami noon. Kumakain sa sahig, siya yung bibili ng pagkain namin kasi nagtitipid ako sa pera. At ngayon, ako na ang bumibili ng pagkain namin ni Oli.

Pagkatapos din kumain ni Oli ay nagpaalam na siya dahil may pupuntahan pa raw siya. Feeling ko may ka-date na siya pero hindi pa niya sinasabi sa akin. Okay lang naman sa akin yun. Hindi naman dapat lahat ay alam ko.

Nang umalis siya ay nagpasya akong ayusin ang mga gamit ko rito sa unit. Nilagay ko ang mga damit ko sa cabinet at tinabi ko sa gilid ang isang maletang wala nang laman. Tinanggal ko narin ang laman ng isang maleta at nakita ko na naman ang kahon na may mamahaling relos sa loob.

Reaching EliraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon