T.h.i.r.t.y.e.i.g.h.t

232 7 1
                                    

Sejun POV

"Justin hingin mo kay Carl yung papeles para ilipat kay Mark ang pwesto ko sa pagiging hard to kill mafia" saad ko "Kayo naman Stell at Ken, pumunta kayo sa black market para kumuha ng ibang armas, kay Tyron kayo bumili mas maganda ang quality ng baril nila" dagdag ko

"Anong klaseng armas bibilhin namin?" Tanong ni Stell.

"Syempre yung kadalasang binibili natin pag may laban tayo"-Sejun "Card nyo na muna ang gamitin nyo babayaran ko nalang kayo pag tapos na ang gulong toh" dagdag ko. Tumango sila at umalis, lumapit naman saakin si Justin.

"Talaga bang ililipat mo na sakanya ang pwesto mo?"-Justin napangisi nalang ako.

"Wag kang magalala, may plano ako, sasabihin ko nalang sayo mamaya basta gawin mo nalang muna ang pinapagawa ko" saad ko, aalis na sana sya kaso may nakalimutan ako.

"Kumuha ka na rin ng sampung milyon sa bank account ko, alam mo naman kung saan tayo kumukuha ng pera para sa laban at alam mo din naman kung sino ang mapagkakatiwalaan dun" Tumango sya at umalis. Gumagawa na ako ng plano, mahirap kalabanin si Mark kaya kailangan may plano ako.

Maxine POV

Nagising ako sa kalabog na narinig ko, idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako ng nasaisang magandang kwarto ko pero nakatali ang mga paa at kamay ko.

"May tao ba dyan?! Tulong!" Sigaw ko, may mga naririnig akong sigaw ngunit parang papalayo ang hakbang nya dahil pahina ng pahina ito.

"Naririnjg ko mba yapak mo, Tulungan mo ko!" Sigaw ko pero wala akong naririnig na kahit isang yapak. Hindi ko naman yun guni-guni, di ba?

Nakarinig ulit ako ng yapak ngunit sa pagkakataong ito mukhang madami sila.

"Tulong! Tulungan nyo ako!" Pilit kong sigaw, nagbabasakali akong matulungan nila ako. Nakarinig ako ng tunog ng susi at bumukas na ang pinto, nawalan ako ako ng pagasa na makawala dito ng makita ko ang nasa pinto. Si Mark.

"Gising ka na pala Mahal ko"-Mark

"Wag mo kong tawaging ganyan dahil wala naman tayong relasyon" saad ko na hindi nakatingin sakaniya.

"Hindi ngahon pero malapit na, ilang araw nalang magiging akin ka na, mawawala na sa landas natin si Sejun, ikaw at ako nalang" saad nya at hinawakan ang mukha ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kahit kailangan hinding-hindi kita magugustuhan, mas mabuti nang mamatay ako ng makasama!" Sigaw ko sakaniya.

"Ano bang pagkakaiba namin ni Sejun?"-Mark

"Ang dami, isa kang mamamatay tao, yung attitude mo, masamang tao ka. Ang laki ng pagkakaiba nyo sobrang laki" saad ko.

"Mamamatay tao ako?" Tanong nya sabay turo sa sarili nya.

"Oo" Maikli kong sagot.

"Mukhang napaniwalaan ka ni Sejun na isa syang mabait na tao" Sabi nya at ngumisi.

"At bakit mo naman na sabi na napaniwalaan nya ako?" Tanong ko at mas lalong lumapad ang ngisi nya.

"Mukhang wala ka pang nalalaman" sabi nya "Isang hard to kill Mafia si Sejun" dugtong nya.

"Hard to kill mafia?"-Maxine

"Mhmm, ibig sabihin isa sya sa mga mamamatay tao katulad ko ngunit mas mamamatay tao sya, mas madami narin ang napatay nya kesa saakin"-Mark. Nagalit ako sa sinabi nya.

"Sinungaling ka, hinding-hindi magagawa ni Sejun yun!" Sigaw ko sakanya.

"Alam ko namang hindi ka maniniwala saakin kaya naghanda ako ng video para malaman mo kung gaano sya kasama" saad nya at naglabas ng cellphone. May ipinlay syang video at ipi akita saakin.

Makikita sa video ang mukha ni Sejun na may hawak na baril kasama nya si Ken, Stell at Justin may hawak na baril. Nasa likod ni Sejun sila Justin at may isang lalaki ang nakaluhod sa harapan ni Sejun na nagmamakaawa.

Nagulat ako ng ipinutok ni Sejun at baril sa ulo ng lalaki at napapikit ako.

"Naniniwala ka na ba?"-Mark

"Hindi, pano kung gawa-gawa mo lang yang mga yan? Pano kung edit lang naman yan?"-Maxine

"Ikaw ang bahala, pero sa oras na transaksyon na tanungin mo sya para malinawan ka na kung sino nga talaga sya" saad nya "tatanggalin ko na muna tong posas sa mga kamay at paa mo para di ka na mahirapan" dugtong nya.

Kinuha nya ang susi at tinanggal ang posas ko sa kamay at paa. Sisipain ko na sana sya sa likod nya ng mahawakan nya ang ankle ko.

"Wag mo na ulit gagawin yun baka anong mangyari sayo" pagbabanta nya at binitawan ang paa ko. Umalis sya at isinarado ang pinto.

May tatlong maliliit na bintana dito nabubuksan sya pero paano ako makakalabas kung gango kaliit halos isang dangkal lang ang taas at isang dangkal lang din ang haba pag pahalang.

Tumingin ako sa bintana at medyo madilim na siguro mga alasais na ng gabi, hindi pa naman ako gutom. Tumayo ako sa kama kung saan kanina pa ako nakahiga, pinagisipan kong gumala-gala muna sa loob baka sakaling makahanap ako ng bagay na magagamit ko para makawala dito.

Habang naglalakad ako nakakita ako ng dalawang chalk kinuha ko at sinubukang isulat sa pader at gumagana naman. Siguro gagamitin muna kita pang libangan, tumayo ako at inilapag ang nakuhang chalk sa kama.

Naglalakad ulit ako, tumingin ako sa ilalim ng kama at nakakita ako ng flashlight.

"Sana naman may laman pa yung battery" saad ako, inusog ko ang higaan at kinuha ang flashlight ibinalik ko na rin sa dating pwesto yung kama.

*KNOCK, KNOCK*

Nakarinig ako ng katok.

"Busit" saad ko agad kong itinago ang flashlight at agad namang pumasok ang kumatok. Si Mark.

"Kakain na. Ano yan?" Tanong nya at ikinunot nya ang kilay nya.

"Wala" saad ko

"Halika ka na, kakain na tayo atsaka mamaya ililipat na kita ng kwarto, mas maganda, mas malaki at hindi boring di tulad neto" saad nya

"Susunod nalang ako" sabi ko

"Bakit may gagawin ka pa ba?" Tanong nya

"Anong gagawin ko sa kwartong toh eh walang ka laman-laman kundi kama lang" masungit kong sabi

"Edi tara na kung wala ka palang nagagawa dito" sabi nya, kainis. Sumunod nalang ako sakanya.

AFTER DINNER

Naglalakad kami ngayon sa hallway ng bahay nya, malaki-laki ang bahay nya pero mas malaki ang kay Sejun. Huminto sya sa isang kwarto.

"Dito, dito ang kwarto mo" saad nya at binuksan ang kwarto.

Blue, blue ang kulay ng kwarto.

"Sorry wala na kasi akong time ipapintura yan ng pink" saad nya.

"Di naman din gusto ang pink pdro ayks lang" walang gana kong saad. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng may tumatakbo na lalaki ang dumating at lumapit kay Mark.

"Pumasok ka na" sabi nya kaya pumasok na ako. Ano kaya yun?

Mark POV

"Ano yun?" Tanong ko sa isang tauhan ko

"Kumpleto na daw po ang lahat ng kailangan ninyo para daw kapalit kay Ms. Maxine" napangisi ako "Bukas daw 1 ng tanghali daw po" dagdag nya.

"Oh sige bukas 1 ng tanghali" saad ko at agad syang umalis.

Mukhang gusto mong mapaaga ang pagpunta sa impyerno Sejun, magkita nalang tayo doon pero di pa sa ngayon.

The Cold hearted mafia turn into a good guyWhere stories live. Discover now