~
Kath's POV
-After Class-
Napatingin naman ako kay DJ. Nakatingin din sya sakin. Ansama ng tingin nya. Yung tipong parang mangangain! Huhuhu.
Inalis ko na tingin 'ko sakanya.
"Montes, Mall tayo!" Aya 'ko kay Julia. Gusto ko lang makalusot. Huhuhu.
Nag-iisip pa sya. Jusko! Napaka-bagal naman nito mag-isip!
"Ililibre kita! Dala mo ba car mo?" Tanong ko sakanya sabay higit palabas ng room.
"Libre mo? Sige! Yup! Nasa parking lot si baby pink ko." Si Baby Pink. Ang car nya. Corny diba? Pero teka? Parking lot?! NO WAY.
"Oo libre 'ko. Mauuna na 'ko dun sa may gate. kita dun ha!" Sabi 'ko sabay takbo. Para hindi na sya maka-angal. Pumunta na 'ko sa may gate. Buti nalang may medyo taguan dito. Hindi ako pwedeng matagpuan ni DJ! Ayoko munang mag-misa! Sa bahay na lang mamaya. Huhuhu.
Nagvibrate naman ang phone 'ko.
From: Padilla
Isa, Kathryn. Nasan 'ka na?
Ayan na nga. Patay na 'ko. Kailangan 'ko tong malusutan.
To: Padilla
May gagawin lang ako sa bahay nila Fye. Yung vice president natin. May tatapusin lang kami. Baka gabihin ako, sorry.
Sent! At pinatay ko ang phone 'ko. Cancelled muna ang sermon time nya hoho. Bibili pa 'ko head phones. Joke.
Nakarinig naman ako ng busina. Napatingin naman ako sa kotse sa harapan ko. Gino? Kotse 'to ni DJ ah. Patay.
Binaba nya ang window nya.. ansama na naman ng tingin nya. Ngumiti na lang ako ng parang inosente.
"Wag mo 'kong ngiti-ngitian Kathryn ah. Sumakay ka na." Sabi nya.
"Hinihintay 'ko pa si Fye. May tatapusin pa kami." Sabi 'ko sakanya.
"Nakausap 'ko si Montes. Inaya mo syang mag-mall? Para ano? Para takasan ako? Sumakay ka na." Sabi nya. Pahamak talaga yung Montes na yun! Hindi 'ko alam kung bestfriend 'ko ba talaga yun e.
"Huh? Hindi nga." Painosente 'kong sagot at hindi padin ako sumakay sa kotse.
"Kathryn." Using his warning tone. I sighed at sumakay na sa kotse. Wala na talaga akong kawala huhuhu.
Habang nagdrdrive pauwi, hindi umiimik si DJ.
"Gusto 'ko ng ice cream." Sambit 'ko.
"May ice cream sa bahay." Sabi nya with his cold voice. I sighed. Kakain na lang ako nun mamaya.
Pagkadating namin sa bahay. Agad nya 'kong dinala sa kwarto. At sumigaw na sya.
"ANO YUN KATHRYN? DIBA SINABI KO NA SAYO NA WAG KANG MANGINGIELAM!" Sigaw sakin ni DJ. Huhuhu. Sabi na nga ba e. Pero di ako papatalo.
"AT ANONG GUSTO MO? HAYAAN KONG HALIKAN KA NG HALIPAROT NA YUN?!"
"AT ANO NAMANG PAKIELAM MO DUN HA?!" Sigaw nya pabalik.
"ASAWA KITA PUTANGINA NAMAN OO." Sigaw ko sakanya.
"BAKIT MAHAL MO BA KO?!"
I frozed. Hindi ko na alam ang sasabihin. Mahal ko ba sya? Ewan.
~
[EDITED/REVISED: 4/7/15]
BINABASA MO ANG
IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]
FanfictionPadilla Series I, First half: (IMP -- COMPLETED) Padilla, a surname that changed my whole life. Arranged Marriage... that made me fall. Love made me fall, and I don't know if it would break me. It was a cliche start but unexpected ending. He said he...