Anong masasabe nyo sa ginawa kong cover ng IMP? :)
ENJOY. VOTE. COMMENT.
DEDICATION LIST: OPEN.Kath's POV
"Tumayo ka dyan. Maglinis ka na." Matigas na sabi ko kay DJ.
Kaya mo 'to Kath. Hindi pwedeng pairalin mo ang pagmamahal mo kay DJ. Sila ang dahilan kung bakit nawala si baby.
"K-kath?" Napatingin naman sya sakin. Lumapit sya at yayakapin ako pero agad akong umiwas.
He stiffened.
"Maglinis ka na Daniel. Kami nang bahala ni yaya'ng maglinis ng kwarto mo. May damit ka dyan sa cabinet..." aalis na sana ko nang may maalala ako.
"Ipapatanggal ko na ang lahat ng alak sa bahay na'to. Bawal ka nang uminom ng alak. At.. kelan ka pa natutong manigarilyo?!" Pagbabaling ko sakanya.
"Ka-kasi sabi nila nakakagaan daw sa pakiramdam, kaya triny ko. P-pero hindi ko naman tinuloy." Nakayukong sabi nya.
I sighed
Aalis na talaga sana ko ng bigla akong niyakap ni DJ mula sa likod. Back-hug kumbaga.
"Th-thankyou for coming back."
Hindi sya sinagot. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin at umalis.
Pinuntahan ko si yaya para samahan na 'ko sa paglilinis.
Pumunta na kami sa kwarto ni DJ at naglinis.
"Ya, hindi ba pumasok si DJ nung wala ako?" Tanong ko sakanya habang naglilinis kami.
Hindi din kasi ako pumasok kaya hindi ko alam. Hindi ko pa kaya.
"Hindi po ma'am e. Nung sunday ho, nung umuwi sya dito. Lasing na lasing ho. Puro pasa pa. Hindi ko naman ho makausap kasi dirediretso sa kwarto nya. Makikita ko lang ho syang lalabas pagkukuha ng alak o kaya pupunta sa kwarto mo." Sabi nya.
"Hindi ba sya kumakain?"uli kong tanong.
Ano ba, Kathryn! Ano ba yang ginagawa mo? Bakit parang naawa ka na agad?! Hush.
"Hindi ho e. Sige lalabas na po ako. Ako na po magtatapon ng mga kalat." Umalis na sya at naiwan ako sa kwarto ni DJ.
Napaupo ako sa kama ni DJ. Nakita ko yung frame na may picture namin. Wedding picture.
Bakit hindi ko kayang iwan o paghigantihan ka?
BINABASA MO ANG
IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]
FanfictionPadilla Series I, First half: (IMP -- COMPLETED) Padilla, a surname that changed my whole life. Arranged Marriage... that made me fall. Love made me fall, and I don't know if it would break me. It was a cliche start but unexpected ending. He said he...