She's my wife
[!!!] Next ud is on June 7
'The chase'
***
Seth's POV
Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang garden mula sa kinauupuan ko dito sa sala. Hindi padin maalis sa isip ko ang panyo ni Shi. Hindi kaya buhay talaga si Shi? Pinagdadasal ko na sana. Sana buhay pa siya. Sana buhay pa ang bestfriend ko. Kahit alam ko naman kung ano yung totoo.
Kinuha ko ang phone ko para i-text sana si Les pero tumatawag na pala siya kaya sinagot ko nalang ang tawag.
["Seth!"] Bungad niya sakin
"Ano? Wag ka namang sumigaw Lester. Hindi ako bingi. Gago" Sagot ko naman sakanya, nakakabingi kasi yung sigaw niya.
["Yung lighter na sinasabi mo, nakuha na namin yung result ng finger-prints! Pumunta ka na dito sa bahay!"] Sabi niya at agad binaba ang linya. Bastos, di manlang ako pinasagot.
Agad ko namang kinuha ang susi ng kotse ko at dumiretso sa garage para kunin ang kotse at umalis na. Nag-drive na ako papunta kila Lester. Eto na, malalaman ko na kung tama ba ang suspetya ko. Kung siya ang gumugulo sa buhay ng kaibigan ko. Kung siya nga ba ang may kagagawan nang lahat..
Gago man kaming magkakaibigan pero samin, walang iwanan.
Nadatnan ko naman sa bahay nila Les, sila Kats. Pati nadin si DJ. Lumabas ako muli ng bahay para tingnan kung may nagmamasid pero tama nga ako. Busy siya, hindi niya inuna to. Wala siya dito. Sinasabi ko na nga ba, tama nga ang sabi sakin.
Pumasok na ako at sinarado ang pinto. Nakatingin lang sakin sila habang ni DJ and folder. Umupo ako sa tapat nila. Binuksan na ni DJ ang folder at nagulat naman siya sa nabasa niya.. Hinablot ko sakanya ang folder at binasa ang result.. Wala pang pangalan pero...
"Putangina, babae." Sambit ni DJ. Natigilan ako. Babae? Pero ayon sa letter 'He'? Hindi kaya?
Kung babae siya- ibig sabihin? Si--
"DJ, nasan si Kath?" Madaling tanong ko kay DJ. Hindi, baka galawin nila si Kath kahit alam kong hindi nila kayang saktan ng sobra si Kath. Lalo nang pisikal. Pero, mabuti nang sigurado. Hindi ko kayang makita si Kath na nasasaktan dahil alam kong doble pa ang mararamdaman ni Din-din kung sakali, napalapit na din naman kasi si Kath samin. Hindi na siya iba samin.
"Nasa bahay namin, hinatid ko muna siya bago ako pumunta dito dahil nga sa text ni Les." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti nalang. Hindi niya kasama.. alam kong hindi pupunta sa bahay ni Kath yun. Dahil alam niya kung gaano kahigpit ang security nila DJ. Kilala ko si DJ, matalino yan lalo na pag-safety ni Kath ang pinaguusapan. Alam ko kung gaano niya kamahal ang asawa niya.
Dahil, hindi naman niya papakasalan si Kath diba? Sa arranged-marriage nila, kayang-kaya niyang humindi pero mahal niya.. kaya um-oo siya.
"Kuya.. tungkol kay Shi. May kailangan kang malaman." Marahang sabi ni JC. Shit, I know where this is going. Hindi pa kasi alam ni DJ na si Shi.. ang nakakabatang kapatid niyang si Suxein. Hindi ko alam kung bakit pinipilit nila Tita Karla'ng itago kay DJ. Pero isa lang ang pwedeng dahilan... ang sakit ni DJ dati. Actually, hindi niya naaalala yung sakit niya dati. Fortunately, hindi na ito bumalik. At sana wag na.
Wala siyang alam na Shianna Suxein Ramirez Padilla ang totoong pangalan ni Shi. Natatakot din si Shi, dahil baka daw pagnalaman ni DJ na siya si Suxein baka kamuhian daw siya nito. Dahil sa mga nagawa niya sakanila ni Kath. At, baka daw bumalik pa ang sakit ni DJ. Ayaw niyang mapahamak ang kuya niya, yan lang ang pinaka-ng dahilan.
"Please, JC. I don't want to hear anything from her. She's dead already, so be it. Leave her alone." Matigas na sabi ni DJ kay JC. Alam kong sinira sila ni Shi dati kaya sobrang laki din ng galit ni DJ sakanya. Pero paano kaya kung malaman niya na ang kapatid niya na si Suxein at si Shi ay iisa? Magiging masaya ba siya na bumalik ang kapatid niya o kamumuhian niya ito dahil sa ginawa nito sakanila ni Kath?
Parang tinanong lang siya na, ang sakit na nagawa ni Shi kay Kath o ang kapatid niya?
Lalo na't si Shi din ang dahilan ng pagkamatay ng pangalawang anak nila, mapapatawad pa kaya niya ang sarili niyang kapatid?
Sineyasan ko nalang si JC na wag nang magsalita pa. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin kay DJ yun. Biglang tumunog ang cellphone ni DJ kaya lahat kami napatingin dun. Binasa niya ang text at tumayo.
"Hinahanap na ako ni Kath, i-text nyo nalang ako." Sabi niya at naglakad na paalis. Pero bago pa siya makaalis ay tinawag siya ni Les kaya napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon.
"Alagaan mo si Kath, baka mawala siya sayo." Sabi ni Les. Naramdaman ko ang pagkagulat ni DJ sa sinabi ni Les.. tuluyan na siyang lumabas at umalis. Tumayo na din ako. At lumapit kay Les.
"Alam mong hindi yan pwede, Les. Kaya hanggang maaga pa, pigilan mo na." Sabi ko kanya at tinapik ang balikat niya bago umalis.
Maling pag-ibig, Les. Mali. Iba nalang, wag na siya..
***
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko and start typing..
'To: Sxn
What's next?
Agad naman siyang nagreply.. napa-ngiti naman ako sa text niya. See you soon, bes.
BINABASA MO ANG
IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]
FanfictionPadilla Series I, First half: (IMP -- COMPLETED) Padilla, a surname that changed my whole life. Arranged Marriage... that made me fall. Love made me fall, and I don't know if it would break me. It was a cliche start but unexpected ending. He said he...