SMW 2

9.1K 162 10
                                    

She's my wife.

Happy 35.5K Everyone!
'Awake'
***

Kath's POV

Agad naman akong napatingin kay DJ, na naka-mulat na. Omygosh! Tatayo na sana ako para tumawag ng nurse at ipaalam na gising na si DJ pero bigla naman niya akong hinawakan sa kamay kaya napatigil ako. Muli akong humarap sakanya, patuloy lang ang pag-agos ng luha ko sa pisngi ko. Akala ko.. akala ko hindi na siya gigising. Akala ko... iiwan na din niya ako katulad ni Brae. Pero gumising siya.. gumising siya para sakin. Nakita ko naman ang pag-agos din ng luha mula sa mata niya. I smiled. Namiss ko sya, sobra.

"Akala ko, iiwan mo na. Akala ko, sasama ka na kay Brae." Sabi ko between my sobs. Hindi ko lang talaga mapigilang umiyak. He smiled at me at dahan dahang hinila papalapit sakanya at pinaupo ako sa side ng kama and he hugged me.

"Ofcourse, not. Iiwan ko ba naman ang isa kong reyna? Tsaka, ayaw din akong pasamahin ni Brae. Kailangan mo daw ako." Sabi niya habang nakayakap padin sakin. Napapikit ako ng mariin. Talagang sasama pa talaga siya kay Brae ha?

Thankyou, baby. Kasi alam mong kailangan ko ang Daddy mo. Alam kong gustung-gusto mo siya makasama pero mas pinili mo pa din hindi siya makasama para sakin. I love you baby.

"Sobra, sobra kitang kailangan." Sabi ko sakanya at niyakap na din siya. Kumalas naman agad siya and he pouted.

"Oh? Sagwa mo." Natatawang sabi ko sakanya. Pero, seryoso. Ang cute nyang mag-pout. Hahaha! Parang bakla!

"Kiss ko?" Sabi nya habang naka-pout padin. I chuckled. Pagbibigyan ko na sana siya ng may biglang nagbukas ng pinto.

"Ay jusko!" Hiyaw ni Ate Roanna. Agad naman kaming napatingin sakanila, nag-peace sign naman si Ate Roanna na ikinatawa ko.

"Uy, gising ka na pala, DJ!" Sabi naman ni Ate.

"Lakas maka-feeling Sleeping Beauty tol." Natatawang sabi ni Light habang papalapit sila ni Ate samin. Natawa naman ako sa sinabi ni Light.

"Sleeping handsome kamo." Balik ni DJ kay Light. Habang nagkukulitan sila, kinuha ko na ang phone ko at tinawagan si Mommy Karla.

["Napatawag ka, Kathryn?"] Bungad nya.

"Ah, Mommy. Good news! Si DJ, gising na po siya!" Masayang sabi ko. Nakarinig naman ako ng sigaw mula sa kabilang linya.

[Hay, jusko! Salamat naman. Sige, pupunta kami dyan agad. Sasabihin ko na din sa Daddy Rommel mo.]

"Sige po." At in-end ko na ang tawag.

Bigla naman akong hinalikan ni DJ sa pisngi at bumulong.

"Sobrang namiss kita." Sabi niya habang nakapulupot padin ang kamay sa bewang ko. Jusko, hindi na siya nahiya kila Ate. Ramdam ko naman ang titig samin ni Light.

"Baby, mag-eexplain  na ko. Yung tungkol sa nakita mo sa ano.. sa condo." Napangiti naman ako sa sinabi nya. Sinasabi ko na nga ba, alam kong wala siyang kinalaman dun.

"Ano ka ba.. Kagigising mo lang. Saka na tayo mag-usap tungkol dun. Nagugutom ka ba?" Tanong ko sakanya habang nakahawak sa dalawa nyang pisngi.

"Sigurado ka?" Tanong muli niya. Napa-kulit talaga nito, oo. Tumango nalang ako sakanya.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko naman sakanya. Aba, syempre.. two weeks syang tulog. Oo naka-dextrose siya pero iba padin ang pagkain 'no. Umiling nalang siya.

"Ikaw ang kumain muna, Kath. Kahapon ka pa hindi kumakain e." Sabi ni Ate. Ay, kailangan pa ba nyang sabihin ngayon yan? Ramdam ko naman ang masamang tingin ni DJ at niluwagan ang kamay nyang nakapulupot sakin.

IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon