SMW 3

8.9K 191 28
                                    

She's my wife.


Thankyou for your support, everyone xx. Dedicated to her, she never fails to thank me for updating.


'Father's cry.'


***

Kath's POV


Dumating na sila Mommy Karla pati si Daddy Rommel kanina. Iniwan muna nila ako dito para asikasuhin ang mga bills at iba pa. Itatanong din daw nila kung kelan pwedeng maka-labas si DJ. Gusto na din kasi ni DJ na lumabas na, iba daw kasi ang naiisip niya. Alam kong si Brae ang iniisip niya.




Umalis na din muna sila Les para makapagpahinga si DJ, na natutulog ngayon. Pinakain ko na siya kanina kahit ayaw niya. Ang pinagtataka ko ay hindi padin bumabalik si Ate at Light. Hindi ko din naman sila ma-text dahil empty batt na ko.





Marahan kong hinahaplos ang buhok ni DJ habang natutulog siya. Para siyang anghel tuwing tulog. Hindi ko aakalain na makakasama ko pa siya. Buong akala ko talaga ay mawawala na din siya sakin. Marahan kong binuksan ang drawer sa tabi niya at kinuha ang isang sobre na may mga bahid pa ng dugo.





Ang sulat ni Brae para sa Daddy niya.





Hindi ko alam kung nabasa na ba niya 'to o ano. Hindi ko namalayang umaagos na pala ang mga luha mula sa mata ko. S-sabi pa nga sakin ni Mommy Karla, kaya daw may mga bahid ng dugo ang sulat na 'to... kasi yakap yakap daw to ni DJ nung mangyare ang aksidente. Kung aksidente man yon.





Hindi ko ito binasa o binuksan dahil gusto ko si DJ muna ang makabasa nito lalo na't hindi ko alam kung nabasa na ba niya to. Tinakpan ko ang bibig ko para maibsan ang ingay mula sa mga paghikbi ko.





Maingat kong binalik sa drawer ang sobre. Hinawakan ko ang kamay ni DJ at marahang hinalikan yun. 'I love him, so much.'


***

Seth's POV


"Pero pare, sa tingin ko tama talaga si Kath. Hindi talaga aksidente yung kay DJ." Sabi ni Kats kila Les at JC. Naguusap sila tungkol dun sa nangyare kay DJ. Hindi naman ako nakikisali dahil nag-iisip ako ng mabuti. Naalala ko yung sinabi ni Kath tungkol sa tuping papel sa puting rosas.





IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon