IMP 13
--
Kath's POV
"Please Kath. Give DJ another chance." Pagmamakaawa sakin ni Mommy Karla. Sinabi ko na kasi sakanila yung about sa annulment.
"Mommy. Hindi ho ako isang computer game na pagnatalo may second chance/life pa bago mag-game over talaga. Im sorry but I can give DJ another chance. Nanay po kayo alam nyo ang nararamdaman ko dahil may anak kayo." Sabi ko.
"Anak naman. Last chance na para kay DJ. Kami na yung nagmamakaawa sayo. At hindi ako papayag na maghiwalay kayo ni DJ" Sabi naman ni Mommy
I sighed.
"One last chance." Mahinang sambit ko.
"Payag ka na, anak?" Sabi ni Daddy Rommel.
Tumango na lang ako. Lahat naman sila niyakap ako at nagpasalamat.
"Babalik ka na sa bahay nyo?" tanong naman ni Mommy.
Tatlong araw na simula ng insidenteng yun. Dito muna ako tumuloy kila mommy.
"Opo. Aalis na po ako" Nagpaalam na ko sakanila at umalis.
One last chance. Last chance, or else. I'll make you suffer. Pag hindi maganda ang kinalabasan neto, pagnasaktan ako ulit. Sinisigurado ko, ipaghihiganti ko ang pagkawala ng baby ko.
Nagdrive na ko papunta sa bahay namin. Pagkadating ko dun pinark ko na sa garage ang kotse at pumasok sa bahay.
sinalubong naman ako ni yaya.
"Ma'am. buti naman at nakabalik ka na. Kailangan ka po ni Sir. Tatlong araw na po syang hindi lumalabas ng kwarto nya. Hindi din po kumakain. Tapos lalabas lang po sya para kumuha ng alak." Sabi ni Yaya.
Agad naman akong tumaas at pumunta sa kwarto nya. Pinihit ko yung doorknob. Hindi naman naka-lock. Pagbukas ko, hindi ko nakita si DJ. Pero sobrang kalat. Mga bote ng alak at wine. Pati na din box ng sigarilyo.
At Kelan pa sya natutong mag-sigarilyo?
Nakarinig naman ako ng isang pag-iyak.
DJ.
Dalawa lang ang kwarto dito. Ang kwarto namin na ginagamit ni DJ at ang guestroom na ginagamit kong kwarto.
Kaya pumunta na ko sa kwarto ko. Hindi pa ko nakakapasok nakita ko na agad si DJ. Nakabukas kasi ang pinto ng kwarto.
He looks devasted.
Miserable.
Yung puting t-shirt nya hindi mo na alam kung ano ba talagang kulay. May mga bloodstains din. Ang mga mata na. Mugto na. Na halatang ilang araw nang umiiyak.
"Baby, ba't mo iniwan si Daddy? Bakit ka bumitaw? Hindi pa nga tayo nag lalaro e. Alam mo, nakapagisip na ko ng ipapangalan ko sayo. Wag ka na lang maingay sa mommy mo ha? Alam mo naman yun mainit pa din ang dugo sakin. Pero, mahal na mahal ko yung mommy mo. Sobra. Dane Kadee sana pangalan mo kung boy ka at Kandria Johanna kung girl ka. Sunod sa pangalan namin ng mommy mo. Pero iniwan mo kasi kami agad. Baby, tulungan mo sana ako ha? Tulungan mo ko sa mommy mo. Mahal na mahal ka ni Daddy." At yumuko sya. narinig ko ang paghikbi nya.
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang mga paghikbi ko.
"Mahal na mahal ka din ni mommy, baby. at mahal na mahal ko din ang daddy mo. Pero masyadong masakit." Sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]
FanfictionPadilla Series I, First half: (IMP -- COMPLETED) Padilla, a surname that changed my whole life. Arranged Marriage... that made me fall. Love made me fall, and I don't know if it would break me. It was a cliche start but unexpected ending. He said he...