SMW 7

6.5K 119 7
                                    

She's my wife


'Back on track'

~

JC's POV


Nakangiti lang kaming nagmamasid sa dalawang naglalambingan sa bench. SI kuya at si Ate Kath. After all this tragedies, masaya na sila. Pero hanggang kelan kaya tatagal ang sayang meron sila ngayon. Napatingin naman ako bigla sa isang puno sa side nila Kuya. Parang may nanunuod. Tumayo ako at dahang dahang lumapit dun.




Bigla namang tumakbo yung babae, sino yun? Hahabuli ko pa sana nang bigla akong tawagin ni Kuya.




"JC, may problema ba?" Tanong niya sakin, napatngin naman si Ate Kath sakin. Umiling nalang ako sakanila at sumagot na "Wala kuya, may napansin lang." Tinanguan naman nila ako at bumalik na sa paglalambingan. Marahan akong napangiti sakanilang dalawa.




Nagulat naman ako nang may maapakan ako, isang panyo.. napaka-pamilyar na panyo. Agad ko naman itong kinuha at pinagmasdan. Imposible.. bakit nandito ito? Sigurado ako kung sino ang may-ari neto. Pero paano napunta ito dito? Hindi kaya siya yung babae?




Pero, patay na diba si Shi? Paano mapupunta dito ang panyo niya. Siya kaya yung tumakbong babae?



***


Nakatingin lang ako sa bintana ng kotse habang hawak hawak ang panyong nakuha ko, hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kug paano napunta ang panyo'ng ito dun. Hindi kaya buhay si Shi? Sana, sana nga. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong na meron kami.




Nagulat ako ng may bglang humablot sa panyong hawak ko. Napatingin naman ako, Si Seth pala.




"Paano napunta 'to sa'yo?" Tanong niya, halatang gulat din siya sa nakikita niya.. Dahil siya. Alam na alam niyang kay Shi yun. Dahil, hindi lang siya bestfriend ni Din-din. Bestfriend niya din si Shi. Kaibigan naming lahat si Shi pero nagbago ang ikot ng mundo ng iwasan niya kami sa hindi malamang dahilan. Pero, alam kong may tumatakot sakanya. Dahil, hindi naman siya makikipag-break sakin ng walang dahilan.. at bigla ko na lag malalaman na Si Kuya na ang mahal niya. Yes, naging kami ni Shi.




"May nakita akong nakamasid kanina, sa may puno. Pero bigla nalang itong tumakbo.. nalaglag niya yata yan." Lalo siyang nagulat sa sinabi ko. Lahat kami, gulung-gulo na.




Nasaan ka na ba Shi? Bakit ayaw mong magpakita samin. Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa ng pants ko.




'From: 09*********


I still love you. I really do, jayce.




Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa nabasa ko, no...




Sht, JC. Hindi, hindi pwede. Paano na si Nathalie?



Hindi pwedeng bumalik ang nararamdaman ko sa'yo, Shianna Suxein Ramirez Padilla... dahil kapatid kita.

***


Kath's POV


Nakangiti lang akong nakaupo sa shotgun seat habang tinititigan ang kamay naming magkahawak habang nagdrdrive siya. Relationship goals, huh.




"Spaced out?" Natatawang sambit ni DJ habang nakatingin padin sa kalsada, syempre baka ma-aksidente kami.




"Loko, nakakainis ka. Kinabahan kaya ako kanina nung parang kinidnap ako." Sabi ko sakanya. He chuckled at sumulyap sakin at binalik na ulit ang tingin sa kalsada.




"Atleast, I made you happy in the end right?" Napangiti nalang ako sakanya at hindi na umimik. He's right. Atleast I'm happy. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko kaya lalo pa akong napangiti.




I love this kind of forever.


IM MRS PADILLA -- SHE'S MY WIFE [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon