Wala na si Sky, wala na din si Ren. Sobrang sakit ang nararamdaman ni Angel ngayon.
Naisip nya si Skylar sa tabi nya, kung wala na si Sky, mawawala na din sa kanya ang anak nya.
Napahigpit ang yakap nya kay Ren at iyak ito ng iyak.. Hindi nya alam ang gagawin nya.
"A-angel.. I-i c-can't breath."
Napatigil sa pag iyak si Angel at napatayo ito bigla, dahil sa ginawa nya, nabitawan nya si Ren.
"A-aray.. Papatayin mo ba ako Angel?"
"B-buhay ka?"
Pinilit ni Ren na maka-upo pero nahirapan ito kaya nman tinulungan sya nina Angel at Skylar.
"Oo naman, gusto mo ba akong mawala na? I was so exhausted dahil sa laban namin at kinuha nya ang konting lakas ko. Itinapon nya pa ako. Kaya naman kahit anong gising mo sa akin hindi ako gigising."
Niyakap ulit ni Angel si Ren, pero napa aray ulit ito dahil sa sakit ng katawan nya.
"I was so scared.. A-akala ko pati ikaw mawawala na rin sa akin." napayukong sabi ni Angel.
"I-i'm sorry about Sky."
Napakuyom ng kamao si Skylar. At nagsimula na namang umiyak si Angel.
Hindi pa rin sya makapaniwala sa mga nangyayare sa kanya. Natanong ni Angel sa sarili nya kung bakit sa kanya nangyayare ang mga bagay na ito.
Napagdesisyonan nilang pumunta sa isang lugar kung saan si Ren lang, Sky at Angel ang nakakaalam. Sa gubat, may isang talon doon na silang tatlo lang ang nakakaalam, at sa kabilang banda ng tubig na dumadaloy sa talon ay isang kweba, at sa dulo ng kwebang ito ay isang lugar na punung-puno ng fairies, elves, giants, dwarfs at halos lahat ng mystical creatures.
Nung panahong iyon kasi, nag aaway sina Sky at Angel habang si Ren naman ay nakatingin lang sa kanila at nakasunod sa paglalakad. Nag aaway sila dahil nawawala na sila sa loob ng gubat.
"Bawal nga raw natin gamitin ang mga pakpak natin eh!"Angel
"Sige, isa pa! Ikaw na nga ang dahilan kung bakit nawawala na tayo, turo ka ng turo hindi mo naman pala alam yung daan! May lugar pa naman dito na bawal puntahan dahil wala pang nakakalabas sa lugar na iyon ng buhay!"Sky
"Kasalanan mo din naman dahil nakinig ka sa akin!"
"Argh! Ako pa may kasalanan ngayon? Ikaw yung may hawak ng mapa ah!"sabi nito habang naghahanap ng tamang daan. "Kung di lang kita mdhss"dagdag nito sa mahinang boses.
"Anong sabi mo?"
"S-sabi k-ko, ang pangit mo"
Biglang namula ang buong mukha ni Angel.
"Argh! I hate you!"sabi nito at dere-derechong naglakad.
"I love you too!"
Natigilan si Angel sa pagwawalk out nya at napatingin kay Sky.
"A-ano?"
"N-naniwala ka naman! Tss!"
"Argh!!!!"
"Hui! Ano ba Angel! Nawawala na.nga tayo kung saan-saan ka pa pupunta!"
"Shut up!"
Natatawa lang mi si Ren sa bangayan ng dalawa at nakasunod lamang ito sa dalawa.
Palakad-lakad lang sila hanggang sa nakarating sila sa isang talon.
"Dito na muna tayo. Gumagabi na kasi."Sabi ni Ren.
Naglakad si Angel papunta sa may talon.
"Angel! Saan ka nanaman ba pupunta. 'tong babaeng 'to talaga!"
Sinundan ni Sky si Angel dahil pumasok ito sa likod ng umaagos na tubig. Napatayo narin si Ren at sinundan silang dalawa hanggang sa marating nila ang dulo ng kweba.
Isang lugar kung saan may maraming mystical creatures.
Sa lugar na yun, ginawan sila ng bahay ng mga mystical creatures dahil napalapit na ang mga ito sa kanila.
Ginamit ni Angel ang kapangyarihan nya upang pahilumin ang mga sugat ni Ren, si Skylar naman ay hindi parin makapaniwala sa nakikita nya. Manghang-mangha sya sa palibot at sa mga creatures. Hindi nya lubos maisip na may ganung lugar palang nag eexist.
"Hindi ka pa pala namin nadadala dito?"tanong ni Ren sa kanya nang mapansin nya ang pagkamangha ni Skylar.
Napailing ito. "Busy ka kasi tapos si daddy naman parating nasa mundo ng mga mortal, at si mommy naman 2years ago ko pa sya nakilala."
Nagkatinginan sina Ren at Angel. Hindi parin makapaniwala si Angel na nasa harap nya ngayon ang magiging anak nya. Si Ren naman ay parang nasasanay na sa mga nangyayare dahil sa kapangyarihan ng kambal nya. Kahit dati pa, napagbilinan na sya ng mga magulang nya na dadating ang araw na gugulo ang mga bagay-bagay dahil sa kapangyarihan ng kapatid nya.
Napatingin si Skylar sa labas ng bintana. Alam nyang mawawala sya matapos ang lahat ng kaguluhang nagaganap. Hindi nya matanggap na wala na ang ama nya. Kahit naman kasi busy ito parati dahil sa pagbabantay nito sa kanyang ina sa mundo ng mga tao, alam nyang mahal sya nito. Nalulungkot sya at hindi nya matanggap ito dahil hindi sya nagkaroon ng pagkakataong ipadama dito na mahal nya ito.
"Kailan mo pala natutunang manggamot gamit ang kapangyarihan mo?"tanong ni Ren sa kambal nya. Naisip din nya kung ano pang nakatagong kapangyarihan ang meron dito.
"Nung busy ka sa pag tetraining, nagtetraining din ako. May araw kasi na nilapitan ko ang isang kunihong sugatan, hinawakan ko lang ito at biglang umilaw ang kamay ko, matapos nun ay biglang nawala ang sugat nito."
"Hindi ba natin pwedeng puntahan ang hari at humingi ng tulong doon?"napatingin ulit ang kambal kay Skylar dahil sa tanong nito.
"Hindi pwede, naagaw na ni Note ang trono. Habang naglalaban kami, sinabi nyang wala nang tutulong sa atin dahil napasakanya na ang trono ng hari."
"Ibabalik ko na sayo ang kapangyarihan mo Ren." napatango na lamang si Ren.
Sumapit ang gabi at tulog na si Ren, si Skylar naman ay nasa balkonahe. Lumapit si Angel sa anak nya.
"Hindi ka rin ba makatulog?"
Napatango lamang si Skylar habang nakatingin sa malawak na lupain.
"Alam kong alam ng dad mo na mahal mo sya."
Napatingin si Skylar sa ina nya. Alam nyang nasasktan din ito sa mga nangyayare. Lumapit ito sa kanya at niyakap sya.
Hindi nito mapigilan ang pagtulo ng luha nya. Alam nyang hindi sya dapat umiyak, sabi nga ng dad nya noon, ang mga lalake, hindi nagpapakita ng kahinaan. At sa tingin nya, ang pag-iyak nya ngayon ay simbulo ng pagiging mahina.
"Malakas ka, hindi ka natatakot ipakita ang mga luha mo." napaharap ang ina nya sa kanya. "Alam mo, ikaw ang pinaka-unang lalakeng nakita kong umiyak. Iiyak mo lang ang sakit na nararamdaman mo, nandito lang ako para sayo."
Kinaumagahan, maagang nagising si Ren at Skylar. Nag uusap silang dalawa tungkol sa plano nila sa parating na labanan nang biglang napasigaw si Angel.
Agad namang napatakbo ang dalawang kalalakihan papunta sa silid ni Angel. Nadatnan nilang takot na takot si Angel.
"Bakit? Anong nangyare?"
Nakaturo lamang ang kamay ni Angel sa may bintana.
Bigla ding nanigas sa Skylar sa kinatatayuan nya.
Nangtignan nya kung nasaan nakatingin ang mag-ina, biglang nanlamig ang buong katawan nya sa nakikita nya ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
a.n://
Sorry. Sorry..
Sobrang busy ko lang talaga with all the requirements and stuffs..
Thank you for reading my story.
BINABASA MO ANG
Black Wings Book 1&2
Fantasy▒Warning: This story is mind blowing. Read at your own risk.▒ Angel Fairchild is being friends with Death himself without even knowing it. Si Angel ay nakaka-iba, having white hair is not normal at all, at doon ay binubully sya sa school nila. Nakak...