"Ano ba! Ang gulo nyo talaga!"sigaw ni Note
Nakatingin lamang si Ren kay Angel at Sky. Alam kasi nitong kapag pinigilan nya ang dalawa sa pag-aaway, sya naman ang pagdidiskitahan ng dalawa.
"Sya kaya nagsimula!"sabay na sabi ni Sky at Angel.
"Ikaw kaya!"Angel
"Wag ka ngang magsinungaling, ikaw kaya!"Sky.
Hayz.. ang gulo talaga nitong dalawang to. Kaya imposibleng mangyare yung sinabi ni Angel sakin. Isang malakaing IMPOSSIBLE!
Sabi ni Ren sa isip nya.
"Tumigil na nga kayo. Ang tatanda nyo na tapos pag aawayan nyo pa kung sino ang makakakuha ng chocolate lollipop?!"
Napayuko si Sky at Angel. Bigla naman kinuha ni Sky ang hawak ni Angel na lollipop at tumakbo.
" Sky!!!!!!!"Sigaw ni Angel at hinabol nya si Sky.
"Sky!!! Tumigil ka! Ibalik mo sakin yan!! Lagot ka sakin kapag nahabol kita! AAAaaaargh!"
Naiwan si Ren at Note doon.
"Walang pinagbago."Sabi ni Note habang nakatingin sa dalawang naghahabulan.
"Ok lang ba sayong hindi mapapasayo ang kambal mo?"Dagdag pa nito.
"We're not supposed to be twins Note, alam mo yun. Iisa lang dapat ang ipinapanganak ng mga katulad natin every pregnancy. I love my sister, pero hanggang doon nalang yun. Para ko na ring sinasabing pakakasalan ko ang sarili ko kapag kami ang nagkatuluyan."Ren
"Alam mo ba Ren, marami akong natutunan sa mundo ng mga tao. Hindi katulad sa atin ang mga tao na minimaintain natin ang purity ng ating dugo. Sa mundo nila, they forbid marrying their own relatives."Note
"Piting taon ka rin nasa mundo nila ano?"
"Nope, umuuwi ako dito sa mundo natin kaya lang sobrang busy ko talaga."
"Oh? Ba't mo naisipang bisitahin kami kung sobrang busy mo? Ano ba talagang trabaho mo at hindi ka na nila naantay pang matapos ang training mo?"
"Alam ko kung anong nangyare sa kakambal mo. Nakausap ko na ang parents nyo. I know everything about the two of you since the King have given me the task to protect the two of you. I don't know why pero sabi nya, the two of you are very precious to him."
"Ano bang pinagsasabi mo jan?! At Nakausap mo ang hari? Nakita mo na ang itsura nya?"Napatayo si Ren sa nalaman nya from Note.
"Oo, nakausap ko na sya pero hindi ko pa sya nakikita. Nasa labas lang ako ng pintuan nya nung kinausap nya ako. You're both in danger Ren."
"Who's in danger?"Sabi ni Sky na hingal na hingal sa kakatakbo.
"You are."Note
"Sky!!"Sigaw ni Angel na malapit na kay Sky.
"Ano ba tong babaeng to? Di marunong mapagod?"At tumakbo sya sa likod ni Note.
Nang makalapit na si Angel sa kanila, pinigilan sya ni Ren. Niyakap ni Ren si Angel sa likod nito para mapigilan nya ito.
"Bitawan mo ako Ren! Lagot sakin yang lalakeng yan!"Angel
"Tsss.. mahina, di parin ako mahabol"Sky
"Eh sino kaya ang nagtatago ngayon sa atin?"Sigaw ni Angel.
Binuksan ni Sky ang lollipop na hawak nya at lumapit sya kay Angel.
Nakatingin lamang si Ren at Note kay Sky, naghihintay kung anong susunod nyamg gagawin.
"You want this? You can have it."tapos isinubo ni Sky ang lollipop kay Angel at patted her head.
"Good doggy. Now behave."Dagdag nito. At mabilis na tumakbo palabas ng green house.
"See you around Note!"pahabol pa nito.
Nang makabalik na sila sa loob ng building, dumirecho sila sa center ground nila kung saan nagpapractice ang mga students doon kung paano makipaglaban at gamitin ang mga kapangyarihan nila.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Sky kay Angel.
"Can't you see what I'm doing? Naka-upo."Angel
"Umalis ka jan, akin tong spot na to."Sky
"Ayoko nga, first come first serve. At may nakalagay bang pangalan dito? Wala diba? Ikaw ang umalis"Angel.
Tumabi si Sky sa kanya.
"Hui! Wag kang tumabi sakin!!"Angel
"Ayaw mo umalis eh, magdusa ka!"Sky
Kinuha ni Sky ang iniinom na tubig ni Angel at inubos ito.
Shock naman lahat ng taong nakakita nun, even Angel.
"Thanks sa water. Haha!" Tapos umalis na ito.
Tumabi naman bigla si Ren sa kanya.
"Sis ano yun ha? Share na kayo ng tubig ngayon?! Ganun?! Tapos habang ako eh hindi ka namimigay sakin?!"reklamo ni Ren sa kanya.
Nakatulala parin si Angel at hindi makapaniwala sa nangyare.
What is wrong with him?
Nasa isip ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Black Wings Book 1&2
Fantasía▒Warning: This story is mind blowing. Read at your own risk.▒ Angel Fairchild is being friends with Death himself without even knowing it. Si Angel ay nakaka-iba, having white hair is not normal at all, at doon ay binubully sya sa school nila. Nakak...