Alam kong alam nya na kung nasaan kami. Nasa.isip ni Sky.
"Pupunta tayo ngayon sa palasyo."Biglang sabi ni Sky habang kumakain sila ng tanghali-an.
Natigilan ang tatlo sa pagsubo ng pagkain at napatingin kay Sky.
Napatingin si Sky kay Angel, at ngumiti dito, sanhi ng pamumula ni Angel.
Tumayo si Sky bigla at umalis.
Napayuko naman si Angel. Hindi nya alam kung paano kakausapin si Sky. Oo nga, masaya sya dahil sa sudden revelation ni Sky, pero hindi nya alam kung paano kakausapin si Sky na walang awkwardness. Hindi nya mapigilan ang puso nyang tumibok ng pagkabilis-bilis. At parang natutunaw sya sa ngiti pa lamang ng binata.
Hindi nila ginamit ang pakpak nila patungong palasyo dahil alam nilang malalaman agad ni Note na pupunta sila doon kapag ginamit nila ito.
Nakasunod lamang ang tatlo kay Sky dahil mukhang alam nito ang pasikot-sikot sa palasyo.
"Sky, anak ka ba ng hari?"biglang tanong ni Ren.
Natigilan saglit sa paglalakad si Sky at nagpatuloy naman agad ito.
"I can't tell you anything right now, I'll explain everything pagkatapos ng labanan."sagot nito.
Napangiti na lamang si Angel, alam nyang ibig sabihin ng mga salitang iyon, we must not die.
Narating nila ang loob ng palasyo at nagtatago sila sa likod ng isang malaking statwa. Nawalan na ng buhay ang palasyo hindi gaya ng dati.
Biglang dumilim ang loob nito at maraming dark shadows ang palakad-lakad sa loob at labas ng palasyo. Patay ang mga halaman at wala masyadomg ilaw sa loob ng palasyo. The curtains are closed at ang mga torches lamang ang nagbibigay ng liwanag.
"Dito tayo dadaan."sabi ni Sky at may hinawakan ito sa statwa. Biglang bumukas ang isang passage way sa likod ng statwa.
Unang pumasok si Ren, sumunod si Angel, tapos ay si Skylar at huling pumasok si Sky.
May hinawakan ulit ito at nagsara naman ang pintuan ng passage way. Biglang umilaw ang torches at naglakad ulit sila.
"Saan ba to papunta?"Tanong ni Ren
"Sa royal court"sabay namang sabi ng mag ama.
Natigilan silang apat sa paglalakad at nagkatinginan si Skylar at Sky. Biglang nagtago si Skylar sa likod ni Angel dahil natatakot ito kay Sky at ramdam na ramdam nila ang killing intent nito.
"Sino ka ba talaga?! Lumayo ka sa kanila!"sigaw ni Sky.
Napailing lamang si Skylar na ngayon ay nakayakap na sa likod ni Angel.
Dahil dito, mas nagalit si Sky.
"S-sky teka, let him explain. Kumalma ka muna."Angel
Mas humigpit ang yakap ni Skylar kay Angel dahil kahit nuon pa man, may takot na talaga s'ya sa ama nya. Nirerespeto nya ito at mahal nya ito pero may takot parin syang nadarama.
Lalapit na sana si Sky sa kanila pero umatras si Angel.
"Ano ba Angel! Are you crazy?! Ba't mo ba s'ya pinagtatanggol?!"Sky
Lumapit si Ren kay Sky harangan ito para hindi makalapit kay Skylar.
"Pati ba naman ikaw Ren?!"Sky
"H-hindi mo s'ya pwedeng saktan Sky."sabi ni Angel na ngayon ay nakayakap na rin kay Skylar.
Hindi na nakapagsalita si Sky dahil sa nakikita nya. Pakiramdam nya, parang dinudurog ang puso nya. Hindi nya alam kung anong gagawin nya, at hindi nya namalayang may tumutulong luha na pala sa mga mata nya.
"I-ito ba ang sagot mo sakin Angel"sabi ni Sky habang nakayuko.
Napabitaw si Angel at Skylar sa pagkayakap nila. Lalapitan na sana ni Skylar si Sky pero pinigilan ito ni Angel.
Naglakad si Sky habang nakayuko patungo sa kanila.
"Sky-"simula ni Angel pero hindi na nito napatuloy ang sasabihin dahil naglakad lamang ito palayo sa kanila.
Lumapit si Ren kay Angel at Skylar.
"S-sorry po. N-nag a-away kayo dahil sa akin."simula ni Skylar na ngayon ay parang paiyak na.
Hinawakan ni Angel ang mukha nito at ang buhok nito. "wala kang kasalanan."
"Tara na"sabi ni Ren at sumunod na sila kung saan pumunta si Sky.
Pakiramdam ni Angel, sobrang tagal na nilang naglalakad. Napatingin sya sa maliit na bag na dala nya at binuksan ito. Nasa loob nito ay isang kahon at dalawang susi na ginawa nyang kwintas. Otomatikong pumapasok ang kopya ng memorya nya sa kahon na ito, pakiramdam nya kasi, kakailanganin nya ito sa hinaharap.
Napatigil si Sky sa paglalakad kaya tumigil na rin ang tatlo.
"Nandito na tayo."sabi nito ng walang ka emosyon-emosyon.
Lumapit si Angel kay Sky at hinawakan ang balikat nito kaya naman napaharap si Sky kay Angel.
"Anong kailangan mo?"Sky
Kinuha ni Angel ang isang susi at isinuot ito kay Sky.
At dahil matangkad si Sky, kailangan pa nyang mas lumapit para isuot ito sa leeg ni Sky. Kailangan kasi na sya mismo ang maglock sa kwintas para hindi ito makuha ng iba at sya lamang ang makakakuha nito.
Hindi mapigilan ni Angel ang pamumula nya at si Sky naman ay hindi nya maitago ang pagkabigla nya.
Napa ngiti si Ren at Skylar pero napayuko naman agad ang dalawa matapos i.lock ni Angel ang kwintas.
Tumalikod si Sky kay Angel at napangiti ito, isang bitter smile.
May hinawakan ulit si Sky at may biglang bumukas ang dingding. Dumaan sila doon palabas.
Nang makalabas na sila, nagtago ulit sila sa likod ng isang malaking statwa.
"Dito na muna kayo."sabi ni Sky at umalis ito patungo sa likod ng trono kung nasaan si Note naka-upo.
Kinuha ni Angel ang natirang susi at kagaya ng ginawa nya kay Sky kanina, ganoon din ang ginawa nya kay Ren.
"Para saan to?"bulong ni Ren.
"Yan yung susi ng kahon kung nasaan ang kopya ng memorya ni mommy"bulong naman Skylar.
Ibinigay naman ni Angel ang kahon kay Skylar. "Alam mo na kung anong gagawin dito. Kapag mawala ulit ang memorya ko dahil sa pag gamit ko ng kapangyarihan ko, hindi natin magagamit ang buong kapangyarihan natin at hindi lalabas ang mga pakpak natin dahil lahat ng iyon ay mapupunta sa kahon na ito."
"P-pero A-angel.."Ren
"kapag nawala na si Note, babalik na ang lahat sa dati. Ren, binago ni Note ang nakaraan, may posibilidad na gumunaw ang mundo dahil dito. Ito lamang ang naisip kong paraan para maibalik ang lahat sa dati. Makakalimutan nnyo ang mga nangyare at ang mga maaalala nyo ay ang mga dapat mangyare, at ang tanging makakaalala lamang ng lahat ng ito ay ako at si Skylar."
Nang maitago na ni Skylar ang kahon, hindi napansin ng tatlo na may dark shadows sa likuran nila.
Gagamitin na sana ni Ren at Skylar ang mga kapangyarihan nila pero walang nangyayare.
Hinalikan ni Sky ang singsing nya at lumabas ang familiar nya na dala-dala ang armas nya.
Itinutok ni Sky ang armas nya sa likod ni Note nang mapansin nya ang nangyayare kina Angel.
"Sky, it's been awhile. And before I forget, hindi nyo magagamit ang kapangyarihan nyo dahil sa tali, kung gagamitin nyo man ang kapangyarihan nyo, i.aabsorb ng taling yan ang kapangyarihan nyo at mapapasaakin na ito." sabi ni Note habang tumatawa.
Napatingin si Sky sa mga kasama nya na ngayon ay nkaluhod na at nakatali ang mga kamay.
"Pakawalan mo sila."
"Sorry brother, no can do. Puputok ang tali kapag pinutol ito."sabi ni Note habang unti-unting nagbabago ang mukha nito at nagiging kamukha ni Sky.
BINABASA MO ANG
Black Wings Book 1&2
Fantasy▒Warning: This story is mind blowing. Read at your own risk.▒ Angel Fairchild is being friends with Death himself without even knowing it. Si Angel ay nakaka-iba, having white hair is not normal at all, at doon ay binubully sya sa school nila. Nakak...