XVII. Ang Plano....

7.1K 143 0
                                    

"Pakiexplain nga ulit kung bakit sabi mo mautak na ideya yung sa program last time.."tanong ni Karla habang hinahaplos ang buhok ni Rafael. Gabi na at naayos na nilang muli ang loob ng bahay. Kapwa pagod ang bawat miyembro ng pamilya ng lalaki. Physically and emotionally. Kaya naman bukas na lang nila muling haharapin ang lahat.


At kasama na doon ang hakbang na gagawin nila para makuha ang hustisya sa pagkasira ng taniman ng mga Lopez.

 

"False reality? Hindi ako sigurado kung tama yung term na iyon. Pero pinapakain ng pinsan mo at ni Encomienda sa mga tao ang ideolohiya na iyon ang pinakamabilis at mabisang paraan para umunlad. Magtayo ng mall na tiyak na dadayuhin ng mga tao sa pamamagitan ng pagconvert ng mga agricultural lands..sunud-sunod na yon pag nagkataon..factory, subdivisions.. Ilang taon pa at tiyak matutulad ang San Carlos sa ibang mga bayan. Mausok, sobrang populated..tapos tsaka nila marerealize kung ano talaga ang susi sa pag-unlad..kung kailan huli na ang lahat"mahaba at mahinahong paliwanag ni Rafael. Nakahilig pa din ito sa bandang leeg niya at nakahiga na sila sa papag sa loob ng kwarto nito. Doon na kasi sya magpapalipas ng gabi.


At kahit na alam niya malungkot pa din si Rafael ay hindi niya mapigilan ang kakaibang saya habang nakahilig ito sa kanya. Capable din pala kasi ito na maging vulnerable at natutuwa sya dahil naging bukas itong ibahagi sa kanya ang side nitong iyon..


Kaya naman gusto niya sanang pigilan ang pag-alpas ng isang tanong sa bibig niya na maaaring makapagpabago sa timpla nito.

"Sabihin mo na, sige na. Alam kong may gusto ka pang itanong eh. Itanong mo na kasi baka sumabog ka dyan"udyok ni Rafael.


Natigilan si Karla dahil sa gulat. Bakit ganon? Kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay nabasa pa rin nito ang iniisip niya?! UNFAIR!


Napanguso na lang siya at iyon ang nahuli ng lalaki nang mag-angat ito ng tingin. Nangingiti na lang ito habang nakatitig sa kanya.


"Tama ako di ba?"nakangisi nang saad nito.


Umismid na lang siya at naghintay ng ilang segundo bago ibato ang tanong na nasa isip.

"W-Well, kaya naman tinatayo ang subdivisions ay para iaccomodate ang lumalaking population diba?"


But he just smirked.

"Sa tingin mo talaga ginagawa nila yon para sa isang makabayang adhikain? No."matigas na wika nito sabay iling.


"They are supplying the demand simply because with that, comes the price. Pera. Hindi iisiping magtayo ng mga iyan ng subdivisions kung wala naman silang mahihitang malaking pera mula nga sa lumolobong populasyon, Karla"


"A-ah.."maang na sambit na lang niya.


"E alam naman ng lahat na basic need ang shelter. Hindi maitatanggi yon. Pero ano bang mas basic pa sa tahanan?"nakataas ang isang kilay na tanong ni Rafael.


At hindi niya lang mapigilan ang sarili na matigilan para iadmire kung gaano ka-sexy ang kaharap niya habang nakataas ang kilay nito at may naglalarong ngisi sa gilid ng labi.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon