II. Holy Cow!
"Haaa.."
Habol-habol ni Karla ang hininga pagkatapos ilagay ang huling bagahe niya sa likod ng kotse. Apat na maleta ang dala niya para sa magiging two weeks na stay niya sa San Carlos.
Naghanda siya ng iba't-ibang tops, pants, skirt, shorts and shoes pati mga toiletries para madami syang pagpipilian. Pagkatapos icheck kung kompleto na ang mga gamit na maaari nyang kailanganin, sumakay na sya ng kanyang pick-up at nagdrive papunta sa bayan ng San Carlos.
"Oh my gosh..napag-iwanan talaga ng panahon..mabuti naman at mukhang uso na ang cemented road dito.."naikomento na lang niya habang tinatahak na ng sasakyan niya ang main road ng San Carlos pagkatapos ng halos apat na oras na byahe.
Kung ipapadescribe sa kanya ang San Carlos in three words, iyon ay isang malaking bukid.
Hekta-hektaryang lupain lamang ang natatanaw niya mula sa malayo. Hindi niya sigurado kung mga palay o mais ba ang mga ito dahil hindi naman siya mahilig sa mga halaman. Ang alam lang niya ay pananim ang mga iyon.
Nasa gilid siya ng isang area na binansagan niyang 'kabihasnan'. Andoon kasi ang munisipyo, elementary at high school, computer shop, at ilang mga maliliit na grocery, hardware, at tiangge, pati palengke at gas station. Nagtanong siya kung saan pwedeng umupa ng matutuluyan at doon lang din sa kalapit na establishment siya itinuro.
Noong una ay medyo diskumpyado siya sa itsura noon dahil parang isang compound lang talaga iyon na naisipang paupahan pero iyon na lang ang pinili niya dahil nang icheck niya ang kabilang 'hotel', madumi ang banyo niyon at lumang-luma na ang mga gamit. May nanakbo ding daga mula sa sulok niyon na muntik na niyang ikadulas.
'Seriously?! This bad? Ganito kalala ang mayor ng bayan na ito?'napailing na lang siya sa sarili. Oh well, talagang malala nga ang mayor doon dahil ayon kay Donald ay mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag ito sa proposal nila kapalit ng share sa ipapatayo nilang mall.
Minsan ay di mo na lang alam kung maiinis o mapapahanga sa galing ng mga kurakot na politiko. Nareelect pa daw kasi ito sa kabila ng matinding kurapsyon sa ilalim ng pamumuno nito! Muling napailing si Karla sa isiping iyon.
Kumain muna siya at nagpahinga dahil nakakatagtag din ang byahe papunta ng San Carlos.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising para maghanda. Kailangan niyang makipagkita saglit kay Mayor Encomienda para muling linawin ang usapan nito sa D.C at pagkatapos niyon ay agad na niyang sisimulan ang panunuyo sa mga may-ari ng lupa. Ayaw niyang magsayang ng oras dahil importante ang project na iyon.
At hindi lamang iyon para matulungan niya si Donald at ang D.C. kundi para na rin patunayan ang sarili niya sa mga nangmamaliit sa kanya.
"Good morning Miss Cariño!"magiliw na bati ni Mayor Encomienda kay Karla.
BINABASA MO ANG
The San Carlos Deal
ChickLitAng akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss...