XI. Gusto mo ng kape?

6.6K 141 4
                                    

Pakiramdam ni Karla ay may nagbago sa kanya sa bawat sandali na magkasama sila ni Rafael. She’s beginning to..see more about life? Mas tumitimo na sa isipan niya ang sense ng mga sinasabi ni Rafael simula pa lang nang magkakilala sila.

“Kakatapos lang din naming mag-ani nung isang araw ng kamatis”komento ni Rafael habang hinahaplos ang dahon ng isang tomato plant na nakadisplay. Si Karla naman ay hindi magkamayaw sa pagpipicture at paghanga sa mga nasa exhibit lalong-lalo na ang mga orchids at iba pang ornamentals. Kasalukuyan kasi silang nasa Garden Show na nagaganap sa loob din mismo ng campus.

Sari-saring mga halaman at produktong gawa sa mga local na materyales ang andoon. Katunayan niyan, bumili na nga si Karla ng isang bag na gawa sa abaca fibers.

“Oo nga pala! Alam mo ba, ang laki na ng mga munggo naten—I mean yung mga alaga kong munggo pala”nakagat ni Karla ang pang-ibabang labi ng madulas siya. Baka isipin pa ni Rafael, feel na feel naman niya na anak nga nila yung mga munggo niya. Di naman kaya!

“Talaga? Hmm..so ano na’ng mga naoobserbahan mo sa kanila?”nakangiting tanong ni Rafael.

“Wala naman. Super haba lang ng stems nila tapos madami na din namang leaves” Nagkuwentuhan pa sila ng kaunti tungkol sa mga munggong alaga ni Karla hanggang sa nauwi sa asaran ang lahat ng mabanggit ni Karla ang isang alaala.

“Nakakainis ka!”pinaghahampas niya si Rafael nang pagtawanan siya nito. Sinabi niya kasi dito na hinimatay siya noong bata pa siya dahil sa takot nang makita niya ang isang napakatabang caterpillar na nasa damit niya. Napasiksik kasi siya noon sa halamanan nang magtagu-taguan sila.

Tumatawa pa din si Rafael habang sinasangga ang mga hampas ni Karla.

“Ano ba yan? Hampas na ba tawag mo dyan? E lakas langaw ka pala eh!”dagdag kantyaw pa nito sa kanya.

“Che! Hudas!”nakangusong wika na lang ni Karla.

Maya-maya pa ay nakarating na rin sila sa Agronomy Building. May mga binati pang ilang may edad na kalalakihan si Rafael pagdating doon.

“Sino sila?”usisa ni Karla.

“Sila ang mga technician dito. Grabe, nakakamiss sila! Nakakamiss mag-aral..”naipahayag na lang ni Rafael habang nakatingin sa mga iilang estudyante na nagkalat sa lobby.

“Eeer..parang hindi naman..Saan na pala yung prof mo?”bulong naman ni Karla sa gilid. 

“Paparating na daw eh. Manggagaling pa kasi siya sa isang meeting”sagot ni Rafael na may binabasa na ngayon sa screen ng kanyang phone.

‘Biruin mo yon? Uso pala sa kanya ang magcellphone!’ani Karla sa isip-isip niya. And infairness, maganda naman ang model ng phone though luma ng maituturing dahil sa bilis at dami ng mga narerelease na unit every year.

Ilang sandali pa ay may dumating na na sasakyan at iniluwa niyon ang isang payat at may katandaan na ding babae. At bagamat pinatanda na ng panahon ang mukha at pangangatawan nito ay bakas pa rin ang taglay nitong kagandahan. At ewan ni karla kung bakit ang una niyang naisip nang makita niya ito ay ang salitang weird.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon