“You’re really passionate about your field noh?” Maya-maya ay pagbubukas ni Karla ng usapan nang hindi na niya matiis ang hindi pagkibo ni Rafael. Tumagilid pa siya ng bahagya para panuorin ang pagsagot nito.
Saglit na lumingon si Rafael sa kanya at ngumiti bago sumagot.
“Sobra”Parang may bumalot na init sa puso ni Karla ng muli pa ay masilayan niya ang rare genuine smile ni Rafael kapag kausap siya. Ito kasi yung tipo ng ngiti na parang ibinibigay lamang sa isang bagay o tao na talagang mahalaga at mahal mo.
Parang gusto niya tuloy mainggit sa profession na napili nito..Para kasing biglang natunaw nun ang inis ni Rafael sa kanya at the mere mention of it.
“Bakit mo pala nabuksan yong topic na ‘yon?”balik tanong naman ni Rafael.
“Eh kasi talagang nagtatravel ka pa talaga para makibalita tungkol sa agriculture..” Malayo-layo din kasi talaga ang byahe at nakakapagod magdrive lalo pa’t mainit na ang panahon. Papatapos na ang buwan ng Marso at nagsisimula na ang summer.
Bahagyang natigilan si Rafael dahil sa pagkalala sa isa pa nyang motibo sa pagpunta ng Laguna. Tumikhim ito para iwala iyon at muling sumagot.
“Ganon talaga. Kapag gusto ko, ginagawan ko ng paraan”pagkatapos ay saglit na tinapunan ulit nito ng tingin si Karla habang nagmamaneho.
“Bakit, ikaw? E diba dumayo ka pa nga samin..”balik naman niya kay Karla.
Bahagyang natigilan si Karla at napatulala sa mga dinadaanan nilang lugar. Napanguso siya at parang hindi alam na sinasabi na niya pala ang nasa isip.
“No..Ginawa ko yun dahil iyon ang trabaho ko..hindi ang gusto ko..”
Napalingon tuloy si Rafael sa kanya at napakunot ang noo.
“O? E ano bang gusto mo?”
Pero nagkibit lang ng balikat si Karla.
“Ewan. Buti ka pa nga e. Alam mo ang gusto mo sa buhay..ako hindi” Totoo iyon. Hindi talaga alam ni Karla ang gusto nyang mangyari sa buhay o future niya. Sumasabay lang siya sa agos ng mga pangyayari, most of the time. Kaya tuloy minsan, may mga point sa buhay niya na nakakaramdam siya ng emptiness.
At hindi niya alam kung bakit. Sinusubukan naman nyang maging masaya palagi eh..pero bakit ganon? Pakiramdam niya talaga ay laging may kulang sa buhay niya.
May kulang kahit na may decent job naman siya at madami siyang kaibigan.. Inisa-isa niya pa ang mga magagandang bagay sa buhay niya at naisip niya, ayos naman ang mga aspetong iyon. Kaya ano ba talaga ang kulang?
“Halata naman eh..”komento ni Rafael at natawa pa ng bahagya.
“HMP! Alam mo para kang kakambal ko! Parang laging alam ang lahat! Annoying na kaya minsan”naiinis na turan ni Karla. Bakit kasi parang lagi na lang alam ni Rafael ang lahat? Wala yatang tanong ang hindi nito masasagot. Parang si Kaye! Para tuloy gusto nyang manliit pag ganon ang nangyayari.
“May kakambal ka?”manghang tanong ni Rafael.
BINABASA MO ANG
The San Carlos Deal
ChickLitAng akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss...