IV. Santong dasalan

7.9K 159 1
                                    

Nagpalipas muna si Karla ng isang araw bago muling pumunta kina Mang Ernesto. Ang ginawa na lamang niya nang araw na iyon ay balikan si Mang Ilio at ginawa rin ang gagawin niya sana kina Mang Ernesto nung isang araw. She bonded with them.

Okay naman ang kinalabasan niyon kahit na naiilang sya sa mga titig ng panganay nitong anak. Para kasing gandang-ganda ito sa kanya. Kahit ano ngang gawin niya ay puring-puri sya sa bahay nila Mang Ilio. Talagang pinaluguran siya doon ng husto.

Pero bakit kina Mang Ernesto ay hindi ganoon ang nangyari?

At alam na ni Karla ang sagot sa sarili nyang tanong.

Si Rafael.

Ikinonsulta niya na din kay Donald kung anong adjustments ang maaari nilang gawin sa mga nauna na nilang proposals. And they came up with two steps.

Nilakihan nila ang shares na mapapasakamay ng mga Sampang once na pumirma na ito. Ngayon, kapag hindi pa rin niya napapayag ang mga ito dahil sa interference in Rafael, may inihanda na din silang proposal para sa lalaki.

Donald specifically instructed her na huwag hayaan na maimpluwensiyahan ni Rafael ng tuluyan si Mang Ernesto, pati na rin ang ibang tao sa San Carlos. Ang kailangan lang na makabago ng isip nito ay ang anak na nagngangalang Brenda.

At ang sabi ni Donald ay kailangan niyang unahang makausap si Brenda para mabilis niyang makumbinsi ito na kumbinsihin naman ang mga magulang.

Pero wala pa daw definite na date ang pag-uwi nito sa San Carlos ayon kay Donald kaya ang dapat niya nang asikasuhin ay ang mapigilan muna si Rafael.

“Magkano po itong mga napaprint ko?”tanong ni Karla sa bantay ng computer shop na pinagpaprint-an niya ng mga nirevise na documents.

“Seventy-five po” Mabilis na dumukot si Karla ng isang daan sa wallet at iniabot iyon sa babae.

“Keep the change”wika niya pa sabay alis. Parang donation na din iyon dahil naawa kasi siya sa nagbabantay na buntis pa man din.

“Mang Ernesto! Pasensiya na po kayo nung isang araw ha. Medyo, napikon po kasi ako k-kay Rafael”atubiling paliwanag niya sabay abot ng dala niyang spaghetti na iniluto nya sa inuupahang unit.

“Ay salamat hija. Pasensiya ka na din sa pamangkin ko ha..ganoon kasi talaga ang isang iyon kapag naiinis. Masyadong agresibo”napakamot ito sa ulo at naupo sa tapat niya.

“Si Aling Antonia po?”tanong niya habang iginagala ang paningin sa loob ng kubo. Ngayon nya lang kasi napagtuunan iyon ng pansin.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon