Epilogue

11.1K 185 16
                                    

Note: I can say I'm done editing for now and I've decided to post an epilogue as a part of it. Feeling ko kasi ay lame yung una kong pagkasulat at halatang minadali. I'm so sorry. And I hope makabawi ako somehow through this . Huhu. Sana po magcomment kayo. Salamat ! :D





"Ano ngang gusto mong sayawin?"nakangiting untag ni Karla kay Rafael. Nasa may kubo silang dalawa ngayon, sa dulo ng taniman ng mga ito, kung saan nya ito minasahe noon. Naisipan nya kasing magcamping doon bilang pagtatapos ng araw na iyon. Kanina lang ay sinamahan siya nitong mag-ikot sa mga kalapit na bayan pang maghanap ng trabaho at masasabi nyang naging produktibo naman iyon. Ilang establishments din ang napag-iwanan nya ng kanyang resumé at medyo kampante sya na higit sa isa sa mga yon ang tatawag sa kanya.

At hindi lamang iyon! Nagsimula na din silang magtanung-tanong ng pwesto sa kabihasnan na pwedeng pagtayuan ng simpleng dance gymnasium at kung sino ang mga interesado. Kaya naman naeexcite na sya sa mga mangyayari.

Heto at binibigyan na nga niya ng sample si Rafael e!

Nung una ay nanunood lamang ito sa kanya habang sumasayaw siya sa Nicki Minaj, Katy Perry, Justin Timberlake, Jay Sean, Usher at Chris Brown songs. At hindi na sya nagulat na isa man sa mga iyon ay hindi kilala ni Rafael. Puro OPM or ballad kasi ang mga pinapakinggan nito.

Panaka-naka lamang itong natatawa sa kanya at muling tumatahimik, nakatitig lamang sa kanya. At halos matunaw na sya sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya lalo na nang sayawin niya ang Love, Sex and Magic ni Justin Timberlake at Ciara.

"Wag na wag mong sasayawin yan sa klase mo ha. Sakin mo lang pwedeng sayawin yan.."he said huskily na nagpatigil sa puso nya. Nanatili itong prente sa pagkakaupo sa bangko sa kabila ng alab sa mga mata nito.

Nang sa wakas ay nahamig nya na ang sarili nya at ang panty niya (JOKE!), ay inirapan niya lamang ito at nagpatuloy sa mas wholesome na routine.

At iyon na nga, ilang sandali pa nga ay naisipan nya na itong yayain.

"K-Karla! Di nga ako sumasayaw!"nahihiyang bulalas nito habang hila-hila niya patayo.

"E hindi naman tayo maghihiphop e! Slow dance lang as in sway, sway!"pamimilit nya pa.

"Anong gusto mong song? Parang nasa prom lang tayo, relax.."hinalikan niya pa ito sa pisngi bago ipaikot ang mga kamay sa leeg nito. At parang automatiko namang pumalibot din ang mga kamay nito sa beywang niya.

"Ah..Huling El Bimbo?"patanong na sagot nito. Napanguso siya. Maganda naman ang kantang iyon kaya lang ay ayaw nya ng lyrics nun sa ngayon.

"Ayoko, tragic yun e. First dance natin tapos tragic yung kanta?" Tumango na lamang ito at muling nag-isip.

"Ah..Someday We'll Know!"natutuwang sambit pa ni Rafael.

Muling napakunot ang noo niya sa suhestiyon nito.

"Someday we'll know, why I wasn't meant for you.."hindi nya namalayang nakanta niya pala ng malakas ang lyrics. At ayun si Rafael, nagsimula na magsway-sway, ang akala ay start na.

"Eh! Ayoko nun!"tinigasan niya ang pagkakatayo para di sya maisayaw nito.

"Bakit na naman?! Akala ko ba ako pipili?"naguguluhan na na tanong ng boyfriend niya.

"Tragic din yun e! Para yata sa inyo ni Hannah yun eh!"nagtatampong wika niya.

"Ha? Hindi ah!"matigas na pagtanggi nito na halatang nagulat sa akusasyon niya.

"E di isip ka ng bago. Yung hindi na tragic ha!"napahugot na lamang si Rafael ng hininga at kakamot-kamot na muling nag-isip. Ilang segundo lang ay napapitik pa ito sa ere at sinabi ang bagong suhestiyon.

"Binibini!" And for the third time, nalaglag ang balikat niya.

"Huh? Pero luma na yon diba? Wala ako nun sa phone"nakangusong tugon niya.

"Meron ako!"excited na sagot ni Rafael na saglit na ikinatigil ni Karla. Para kasing bata si Rafael habang natutuwang hinugot ang phone sa bulsa at hinanap ang kanta.

"Eto"wika pa nito bago iplay ang kanta at isinilid sa breast pocket ng polo niya ang tumutugtog na phone.

Napangiti na lamang si Karla at hinalikan ito.

"Ang cute cute naman ng boyfriend ko.."

Laking gulat nya nang mamula ito sa papuri nya. Tila first time yata iyon dahil mula nang magkakilala sila ay siya lang ang palaging namumula at nags-swoon dito. Medyo naninibago talaga siya ngayong mas nakikilala niya ang lighter side ni Rafael.

At ang weirdo lang dahil nabaliktad ang sitwasyon. Diba'y ang kadalasan ay mas nauunang makilala ang lighter side ng isang tao bago ang deeper na aspeto ng pagkatao nito?

Pero ipinaalala nya rin sa sarili na hindi naman pangkaraniwang lalaki si Rafael.


"O kay ganda

O kay gandang mag-alay sa 'yo

Hooh..."mahinang kanta pa nito na nakapagpangiti ng wagas sa kanya.

Sa isang banda, may ipinagpapasalamat siya kay Donald. Kasi, kung hindi siya nito ipinadala sa San Carlos ay hindi niya makikilala itong si Rafael..

"Anong iniisip mo?"tanong nito nang mapansing lumilipad na ang utak niya. Iniikot pa siya nito sa bisig at saka muling iniharap para pakinggan ang sagot niya.

"Uhmm, wala naman. Thankful lang kay Donald kasi kahit papano, may magandang narating yung ginawa nya.."nagkibit-balikat siya habang nakikipagsayaw pa rin dito.

"Ano?"waring di pa nagustuhan nito ang pagbabanggit niya tungkol sa pinsan.

"You. It led me to you"malambing na saad niya.

"Hm"iyon lamang ang naging reaksyon nito dahil di man matanggap ni Rafael ay totoo naman ang sinabi ni Karla. Maya-maya pa ay muli itong ngumiti at muntik na syang atakihin sa puso nang i-dip sya nito.

"Aaaaaaah!"tili niya na ikinahalakhak nito.

"Bwisit!"hampas niya sa dibdib nito. Ngunit mas lalo lamang syang hinapit nito hanggang sa halos gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila. At bagama't ganoon ay wala sa mga iyon ang atensiyon nila kundi nasa mga mata ng isa't-isa.

Muling kumanta si Rafael ng marahan..

"Paraluman, ikaw ay akin

Sa bisang lakas ng purong pag-ibig..

O kay ganda,

O kay gandang mag-alay sa 'yo.."


Nakagat na lamang niya ang labi para pigilan ang ngiting nagkukumawala sa kanyang bibig.


"I love you.."bulong nito.

"I love you too"she mouthed back.

And they continued dancing until the song was over.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon