“HUMANDA KA SAKING BARABAS KA!”noon din ay sumpa ni Karla.
Matapos ang kanyang pag-iyak, pagseself-pity at kung ano pa ay nakabuo siya ng isang desisyon.
Gagantihan niya si Rafael at syempre, sisiguraduhin niya na maisasara na niya rin sa wakas ang San Carlos deal.
Matamlay na pinilit nyang bumangon na sa kama at magbihis. Bukas ay pupunta siya ulit kina Mang Ernesto para tingnan kung naroon na ang mga ito para ilatag ang revised contract na ginawa ni Donald kasama si Mayor Encomienda.
Hiling niya lang ay sana, maabutan niya na ang mag-asawa dahil ayaw niyang sadyain pa ang mga ito kina Rafael.
Parang sinaksak na naman uli si Karla kahit sa isip lang nabanggit ang lalaki. Sa kabila ng kasamaang ginawa nito sa kanya, may parte pa din ng pagkatao niya na nasasabik makita at makasama ito. Pero agad niyang sinupil iyon at itinuon ang isip sa balak gawin.
Wala dapat si Rafael kapag nataong ma-corner niya sina Mang Ernesto. Makakasira na naman kasi ito sa kanyang plano!
Hayan at hindi nga lang palay at kamatis ang naharvest nito kundi pati ang pagkababae niya! Ang harot niya din kasi!
‘URGGGH! Kainis! Bwisit! Hudas!’
Patuloy lang niyang minumura si Rafael sa isip, sa salita, at sa gawa habang itinatapon ang nasira niyang high heels sa basurahan. Aburido niya ring inalis ang bedsheet na namantsahan ng dugo mula sa kaselanan niya.
Iyon ang simbolo ng pagbagsak ng bataan niya! Kaya ang dapat dito ay itapon na din!
At nang sa wakas ay makuntento na sa paglilinis na ginawa, napabaling naman ang tingin ni Karla sa mga munggo na nasa labas ng inuupahang unit.
Sinamaan niya ito ng tingin at para bang tinutunaw ang mga iyon sa galit na nararamdaman niya para kay Rafael. Nilapitan niya ang mga iyon at humawak sa isang maliit na halamang munggo.
Maigi pang bunutin niya na ang mga ito!
Akmang hihilahin na sana ni Karla mula sa lupa ang walang malay na munggo nang matigilan siya.
Wala nga naman kasing kamalay-malay yung halaman sa galit niya.
‘NO!’Pinilit niyang ialis iyon sa isip at sinimulang higitin ito pero muli na naman siyang natigilan.
Kawawa talaga ang mga ito!
Napanguso na lang si Karla at napaupo sa harap ng mga alagang halaman. Hindi niya talaga kaya.
Wala naman kasing kasalanan ang mga ito sa kanya. Si Rafael, oo. Meron. MALAKI!
Pero hindi naman ibig sabihin non ay kailangan pang madamay ng mga anak nila..
“WHAT.THE.FUCK.DID I JUST SAID?!”Halos mapukpok na ni Karla ang sarili sa nasabi..o mas tamang naisip.
BINABASA MO ANG
The San Carlos Deal
ChickLitAng akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss...