“Sige na..ituloy mo na. Masarap nga eh..”pakiusap pa ni Rafael. Ngayon ay sinadya na niya talagang gawing mas husky pa ang voice.
“E-eh!”di malaman ni Karla kung ano ang dapat maging reaksyon. Para tuloy siyang may tililing. E kasi nga naman, kapag pumayag siya, iisipin nitong gustong-gusto niya ang ginagawa! Pero kapag hindi naman siya pumayag, iisipin naman nito na apektado siya sa mga pinaggagagawa nito kaya umuurong siya.
Saan ba sya ngayon lulugar?
‘Huhuhu’napanguso na lang siya dahil tila nagkandabuhol-buhol na ang utak niya dahil sa kagagawan ng magsasakang ito na nagngangalang Rafael.
“Huy..”untag nito na bahagya ng iniangat ang katawan para ikiling ang ulo sa kanya.
Agad siyang sinamsam ang nagkakagulong pagkatao at muling sinimulan ang pagmamasahe kay Rafael.
“Ayan..ibaba mo pa..”marahang utos nito sa kanya. Muli naman niyang ibinaba ang haplos sa bandang beywang nito.
Huminga siya ng malalim at napalunok.
‘Kaya mo yan, Karla! Ikaw ang nang-aakit dito diba?! Bakit parang ikaw pa yata ang umuurong???!’piping kausap niya sa sarili.
“Ayan! Diinan mo dyan please…”sambit pa nito nang madako na ang mga palad niya sa bandang tagiliran nito.
Biglang nagsimulang umalog-alog ang balikat nito tanda ng natatawa na ito.
“Nakikiliti ako..yung balikat ko na lang..”maya-maya ay utos na naman nito sa kanya. Hindi na sya umimik at sinunod na lamang ito.
“Ayan! Ayan! Sige diinan mo pa. Ah..”ungol na naman nito.
Hindi na sya nakatiis at sinapok na nya ito!
“Aray!”Maging si Karla ay nabigla sa ginawa niya. Hindi nya alam kung anong sumapi sa kanya para gawin yun pero kasi..kapag hindi pa ito tumigil..baka..tuluyan na syang manlambot.
Gosh. Hindi na nya maintindihan ang sarili. Dahil sa kabila ng embarrassment na dumadaloy sa katawan niya, may kapackage itong..excitement.
At natakot siya doon. Tinatablan na kasi talaga siya ng kalandiang taglay ni Rafael!
‘Gggrrr!’
Biglang tumihaya si Rafael ngunit hindi pa rin ito bumangon. Hindi rin ito mukhang galit. Bagkus ay tinitigan lang siya nito na para bang naaaliw.
Nagsasasayaw ang kapilyuhan sa mga mata nito na tinambalan pa ng mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi.
“Dito sa harap ko naman kaya? Dito sa dibdib pababa sa abs?”alok nito at ibinaba ang tingin sa nakahaing katawan sa harap niya. At siya namang loka-loka, daig nya pa ang anino dahil sumabay agad ang mga mata niya sa tinitingnan nito.
“Che! B-bahala ka na nga dyan!”halos nagpapanic nyang sabi at pagkatapos ay kumaripas na ng takbo palabas ng kubong pahingahan.
BINABASA MO ANG
The San Carlos Deal
ChickLitAng akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss...