III. Fight and Freudian Slip

9.7K 159 4
                                    

“E ano naman kung gwapo sya?! Duh!”pagkausap ni Karla sa sarili habang inihahanda ang mga isusuot niya para sa araw na iyon. Plain lang din ulit ang magiging outfit niya dahil kakausapin naman niya ang mga nasa katabing lupa ni Mang Ernesto. Hindi nya kasi nabalikan yun kahapon dahil tila tumalsik palabas ng utak niya ang misyon niya sa bayan na iyon nang makita niya ang gwapong estranghero sa bukirin.

At iyon, iyon ang ipinagsisintir ng kalooban niya. Pagkatapos kasi sya nitong tuyain na wala sya sa mall kundi nasa bukid ay iniwan na siya nitong..nanlalambot.

Dinedma nito ang beauty niya at parang mas may concern pa sa buntis nitong baka! Samantalang siya, kulang na lang matunaw dahil sa smirk nito!

“Tss..pachicks! Magsasaka naman! Kala mo kung sinong yummy!”umirap-irap pa siya.

‘Yummy nga’sagot naman ng traydor na parte ng pagkatao niya.

“Urghh!”she huffed in frustration. Napahiga na lang siya sa kama at nangalumbaba saglit.

Hindi siya makapaniwala na naliligalig siya ng dahil lang sa isang magbubukid. Noon niya lang kasi naramdaman yung palaging sinasabi ng bestfriend niyang si Dina na ‘kilig petals’.

Oo, kahit first time niyang naramdaman iyon, wala syang duda na iyon nga ang tinutukoy ng bestfriend niya. Dahil sa dami ng nakadate niyang mga pawang professional, may mga nakapalagayan din siya ng loob. At sa tuwina, tatanungin niya ang sarili kung iyon na ba yun? Yun na ba yung ‘kilig petals’ na sinasabi ni Dina?

At ngayon sigurado na siya sa sagot: isang malutong na HINDI.

Dahil never niya pang naramdaman sa mga iyon ang naramdaman niya kahapon nang makita niya yung lalaki na hawig ni Jacob Black. Yung kahit na panunuya lang ang inabot niya dito ay kinilig pa siya.

Imagine, halos insultuhin ka na nung tao pero kinilig ka pa sa huli?

“The hell!”naibulalas niya na lang sa inis.

Tama, inis. Yun dapat ang maramdaman niya. Walang saysay na sayangin niya ang oras sa pag-iisip sa lalaking iyon. Isa pa, kahit naman na napansin siya nito..at..magsimula silang magdate, wala ring patutunguhan iyon. Dahil wala siyang magiging future dito. Anong ipapakain nito sa kanya? Utang?

Tumayo na sya para maligo. Ang kailangan lamang niyang intindihin tungkol sa San Carlos ay ang deal. Nothing more.

“Pero Tiyo, ang tunay na pag-asa ng San Carlos ay nasa agrikultura!”napasandal na lang si Rafael sa hamba ng pintuan ng kaniyang Tiyo Ernesto. Dumating na ang kinatatakutan niya.

Dumating na ang mga capitalista sa bayan nila at balak na nga nitong magtayo ng mall sa San Carlos. Nagpatuloy sa pagkukwento ang tiyo niya tungkol sa pagdating ng isang ahente sa bahay nito kahapon ng umaga.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon