“Er..bakit ka may dala kang plant sis?”nagtatakang tanong ni Kaye, ang fraternal twin ni Karla. Nagbabasa ito ng latest issue ng vogue sa may patio nila nang mapansin nyang nag-ayos at nagdidilig ng halaman ang kambal nya ng umagang iyon.
“Ah..wala naman. Naisipan ko lang na magtry na magtanim?”halos patanong din na sagot ni Karla. Napangiti si Karla dahil bumuka na ang mga dahon ng mga munggo at humahaba na din ang stem nito. Naaaliw siyang makita ang development nito mula sa pagiging buto hanggang sa paglaki!
“Oh..don’t tell me magveventure ka sa farming? Sabi ko sayo sis, mas madali sa D.C. Feeling ko malapit ka na ipromote ni Donald eh”komento nito habang pinapanuod siyang iposisyon ang halaman sa natatapatan ng araw.
Napaismid na lang si Karla sa pakikialam na naman ng kakambal niya sa ginagawa niya. May tanim lang na halaman, balak na agad magfarming? Hindi ba pwede na hobby lang talaga or part of a deal?!
Kaya mas gusto niyang kasama ang kunsintidora nyang bestfriend na si Dina. Sa lahat kasi ng bagay ay game ito at hindi siya nito pinakikialaman sa gusto niya. Alam nito kung kailan talaga dapat makialam. Hindi tulad ng kambal niya na lahat yata ng aspeto sa buhay niya ay pinupuna.
“Good morning!”masayang bati ng kanilang ama na kalalabas lang para saluhan sila mag-almusal.
“Good morning dad”bati niya.
“Good morning daddy!”masayang bati din ni Kaye. Bumeso ito sa kanilang ama atsaka nagpatuloy sa pagbabasa.
“Kamusta naman ang mga anak ko?”wika nito habang paupo.
“Okay naman Dad. Ang dami pa ding projects na nakalinya!”agad na sagot ni Kaye. Engineer ito at part-time designer ng mga damit sa isang clothing line. In fact, kagagaling lang din nito sa isang fashion show sa abroad.
“Magbakasyon ka naman Kaye. Baka wala ka ng time sa sarili mo. Ikaw Karla? How’s the project in San Carlos? Naayos mo na ba?”untag naman nito kay Karla na ikinangiwi ng huli.
Bumuntong-hininga muna si Karla bago sumagot.
“Di pa po Dad eh. M-may problema kasi dun sa isang owner ng lupa. Medyo nahihirapan akong kumbinsihin siya eh”
“Huh? Edi lakihan nyo yung offer. Madali lang naman kumbinsihin ang mga farmers na igive up ang lupa nila eh. Hindi rin naman kasi sila halos kumikita sa farming. And from what I’ve heard, ganoon na ganoon ang sitwasyon sa San Carlos”nagsimula na din itong magbuklat ng bagong deliver na diyaryo.
“May ano kasi e..t-there’s this guy..and his sort of an environmentalist at pinipigilan niya yung owner..eh pamangkin po kasi sya non kaya malakas yung influence niya dun sa owner..”paliwanag niya. Naupo na rin siya sa tabi ng mga ito at nagsimulang kumain. Naalala niya tuloy si Rafael at ang lahat ng nangyari simula ng dumating siya sa San Carlos. Kamusta kaya ito? Nagtataka kaya ito kung bakit siya biglang nawala?
“Ano ka ba sis, madali lang gawan ng paraan yan. Wag mo na patagalin dahil baka mapurnada pa. Malaking project pa naman yan!”sabad na naman ni Kaye.
BINABASA MO ANG
The San Carlos Deal
ChickLitAng akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss...