V. Santong paspasan

8.8K 169 4
                                    

“Uhmm..sunflower seeds ‘to diba?”tanong ni Karla habang kinakalikot ang mga gamit  na nakalagay sa isang kit ni Rafael. May kasama itong ilang libro at isa pang kit na may test tubes at bote ng chemicals.

“Oo..gusto mo magtanim?”nakangiting tanong ni Rafael sa kanya. Pakiramdam ni Karla ay parang tumigil saglit ang puso niya sa ngiting iyon. Ngayon lang kasi siya binigyan ng genuine na ngiti ni Rafael.

“A-ok lang. Pero mainit e. Pwede bang dito na lang?”ngunit agad na nalukot ang mukha nito sa sinabi niya.

“Ano ka ba? Kaya nga tinawag yan na sunflower e. Kase gustong-gusto nyan ng araw. Pano tutubo yan kung dito ka magtatanim sa lilim?”napanguso siya sa tinuran nito. Ayaw kasi nyang maexpose pa sa araw ulit! Sigurado syang nangitim na ang mukha niya sa ginawa nitong pagbilad sa kanya kanina sa pilapil at ayaw niya na umulit dahil hindi sa kanya bagay ang tan!

“E di wag na lang”mabilis na desisyon niya. Itinuon niya ang pansin sa iilang manok na nakakulong sa isang pahabang mga maliliit na parang cubicles. May iisang maliit na opening lamang ito para hayaan ang mga manok na kumain o umiom kapa nauuhaw ang mga ito.

“Mamayang hapon, kapag wala ng araw?”pagooffer ni Rafael. Napakunot ang noo ni Karla dahil tila yata determinado itong turuan siya ng pagtatanim. E ginawa naman na nila iyon nung elementary at high school at madali lang naman ang mga iyon.

Doon na siya nananghalian kina Mang Ernesto at ang inulam nila ay sinampalukang manok. Sarap na sarap si Karla dahil ngayon niya lamang nalaman ang putaheng iyon!

“Grabe ang sarap po talaga! Salamat po!”ngiting-ngiting sabi niya kina Mang Ernesto at Aling Antonia.

“Walang anuman Karla! Sa isang araw ay anihan na namin..g-gusto mo bang manuod?”atubiling tanong ni Aling Antonia. Tinatantiya niya ang magiging reaksiyon ni Karla. Ang sabi kasi ni Rafael ay certified city girl daw ito at paniguradong walang amor sa pagtatanim. Pero kasi, nangungulila na siya sa kaisa-isang anak na babae kaya naman talagang magiliw siya kay Karla.

“Opo opo!”sunud-sunod na tango ni Karla. Sa isip-isip niya, magsasun block na talaga siya at magbabaon ng boots, long sleeves, at sombrero.

Kinahapunan ay tinupad nga ni Rafael ang sinabi na tuturuan siyang magtanim ng sunflower. May dala din itong isa pang maliit na paso na may laman ng lupa at iilang buto ng munggo at sunflower.

Agad siya nitong niyaya sa bandang gilid ng pilapil at dahil doon daw sila magtatanim ng sunflower.

“O, maghukay ka ng kaunti. Mga at least 2-3 centimeters”utos nito sa kanya.

“Trowel? I need a trowel diba? Para maghukay?”maang na tanong niya rito. Inilahad niya pa ang kamay habang nag-aantay sa pag-abot nito sa kanya ng maliit na panghukay.

Ngunit imbis na trowel ang iabot nito sa kanya ay mga buto ng sunflower ang natanggap niya.

“Hindi. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? At least 2-3 cm! Sa babaw non, isang kahig lang niyang nakaFrench tips na kuko mo, tapos na ang problema!”humalakhak pa ito habang nakatingin sa manicured niyang kuko.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon