Walang na yatang mas lalalim pa sa buntong-hininga ni Donald ng mga sandaling iyon. Napahimas na lamang ito sa may bandang puno ng ilong at napapikit sa dismaya.
“Karla..Karla, come on. Please don’t do this. Alam mo namang ikaw na lang ang napapagkatiwalaan ko dito diba?”mahinang sambit pa nito.
“I-I’m sorry, D. Alam ko naman..k-kaya lang nahihirapan na talaga ko eh..”nakayukong tugon na lang ni Karla. Nahihiya man ay pilit nyang tinatatagan ang loob sa pagpapaalam na ginagawa.
Matapos mag-impake ay bumiyahe at dumiretso na kaagad sya sa office ng D.C. Halos nakanganga lang si Donald mula nang makita siya hanggang sa matapos siyang magpaliwanag dito. Sinabi nya na hindi na nya kaya pang ipagpatuloy ang paghawak sa San Carlos Deal dahil kay Rafael, pero sa ibang rason. Nananatiling walang alam si Donald sa mga naganap sa pagitan nila ni Rafael. Ang alam nito ay masyado lang syang naiintimidate ni Rafael at hindi niya ito kayang talunin.
“Fuck that bastard! Ang dami nya ng damage na nagagawa sa D.C. Every minute na nadedelay ang pagpirma ng mga Sampang sa kontrata, nababawasan ang kompiyansa satin ng mga potential investors!” Muntik ng mapatalon si Karla nang bumagsak ang kamao ni Donald sa table nito habang nagpupuyos sa galit.
Ngayon lang niya nakitang ganon kagalit ang pinsan niya. Halos mabalasik na ang anyo nito at halatang nagpipigil lamang na isabog ang galit sa harapan niya.
Pero sino ba naman ang hindi magwawala sa galit kung iiwan ka sa gitna ng isang malaking deal ng tanging taong pinagkakatiwalaan mo at nangangamba pang hindi maisara iyon ng pabor sa kompanya dahil sa pagkontra ng isang taong…
Napangiwi na lang si Karla dahil hindi nya alam kung pano idedescribe si Rafael ng isang phrase lang.
‘Basta he’s manipulative! And hot, and weird! Kontrolado niya ngayon ang situation dahil I can’t be brave enough to face him! Pero di ko talaga kaya..’
Ayaw man niyang maging talunan, ay siguro hahayaan na lamang din niya na ganon ang mangyari. Ano ba ang punto ng pagganti? Para iligtas ang pride niya? Matalinong tao si Rafael. He’d definitely see through that. Baka pagtawanan pa nga siya nito dahil napaka-stupid na gawain na naman non. Kaya para saan pa?
Naputol mula sa pag-iisip si Karla ng muling magsalita si Donald.
“Fine, Karla. Wala naman akong magagawa kung ayaw mo na talaga. Pero..”ibinitin pa nito ang sasabihin.
“Ano?”untag naman ni Karla.
“I need you to do one last thing for me”
“Mga kabababayan! Salamat po sa pagdalo ninyo sa munting programang hatid sa atin ng D.C.! Again, ang D.C. po ay isang kompanyang nagmamay-ari ng mga supermarkets at malls na matatagpuan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. At isang magandang balita po ang hatid nila sa ating mga taga-San Carlos! Natitipuhan po nila ang ating pinakamamahal na bayan upang pagtayuan ng kanilang susunod na branch! Aba, pag nagkataon po ay magkakaroon na tayong mabibilhan ng mga iba pa nating mga pangangailangan! Pati na rin lugar-pasyalan. Magiging isang malaking bagay po ito tungo sa pag-unlad ng San Carlos!”masiglang-masiglang pahayag ni Mayor Encomienda sa mikropono habang hindi magkamayaw ang mga mamamayan ng San Carlos sa pagbisita ng iba’t-ibang booths na pansamantalang itinayo ng D.C.
BINABASA MO ANG
The San Carlos Deal
ChickLitAng akala ni Karla ay iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. Binigay niya ang virginity niya kay Rafael, ang agriculturist na anak ng isa sa mga kilalang magsasaka sa bayan ng San Carlos, ang kasalukuyang project niya. Inatasan siya ng boss...