XVI. Halaga

7.5K 136 4
                                    

"Huy..okay ka na?"masuyong tanong ni Rafael kay Karla habang tahimik silang nagdadawdaw ng mga paa sa batis. Pagkatapos niya magpalam kay Donald at si Rafael naman sa pamilya nito ay inaya siya nito magpunta sa isang batis sa may malapit sa lupain nina Mang Ernesto.


Tumango lamang siya habang iginagala ang paningin sa paligid. Napakasimple at payapa pero napakaganda. Mga huni ng ibon at tunog na likha ng umaagos na tubig lamang ang maririnig. Napapalibutan naman ang lugar ng iba't-ibang taas ng mga halaman tulad ng mga puno, shrubs at damo.


At natigil lang siya nang maramdaman niya ang pagdapo ng likod ng palad ni Rafael sa kanang pisngi niya para pahirin ang mga natuyong luha niya.


Napanguso na lang siya.

'So ganun lang yun? Bati na kami? Shit, sobrang easy ko talaga pagdating sa lalaking 'to'aniya sa isip.

 

Napahalakhak na lang si Rafael nang mapanuod ang expression ng mukha niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Anong iniisip mo?"tanong pa nito.


"Wala"mabilis na tugon niya nang may bigla siyang maalala.


"Asan na nga pala si..H-Hannah?"tanong niya sa pilit na pabalewalang tono. Tumingala pa siya sa langit para mas maconvince si Rafael na cool na cool lang siya pagdating sa babaeng iyon. Kahit na nakairap na siya sa loob-loob niya.


"Bakit mo tinatanong?"balik agad ni Rafael. And then he smirked. Na para bang nakikita nito ang kaloob-looban ng isipan niya at nasesense nito ang pagpapanggap niya.


"Curious lang, bakit"medyo paangil na sagot niya. Wish niya lang hindi siya nagtunog defensive o kung ano man!


Natawa lang ulit si Rafael at saka sumagot.

"Umuwi na sa kanila. Busy yun eh. Bumisita lang saglit. At magkaibigan na lang talaga kami"


"Ah. Okay"pinanatili nya pa rin na blangko ang ekspresyon na mukha kahit sa loob-loob niya ay nagdidiwang na ang mga lamang loob niya. Pero pilit man nyang itago, hindi rin napigilan ang pag-alpas ng isang kontentong ngiti sa sulok ng mga labi niya.


Nice. Wala na ang karibal niya.

 

Pero naputol ang tahimik na pagsasaya niya nang sumaboy sa mukha at damit niya ang iilang patak ng tubig. Winisikan siya ni Rafael ng tubig!

"Are you crazy?! Wala akong pamalit!"sigaw niya dito pero bagkus na tumigil ay humalakhak lamang ito!


"Okay lang yan. May sasakyan naman kaya mas mabilis kang makakabalik sa tinitirahan mo"pagkasabi niyon ay walang anu-anong hinubad nito ang suot na t-shirt.


Nalaglag ang panga ni Karla habang pinapanuod si Rafael na tumayo. Tumambad sa paningin niya ang matipunong braso at malapad na dibdib nito.

"Tara ligo tayo!"masiglang aya nito na may kasama pang mapanuksong ngiti.


"A-ayoko nga!"mabilis na tanggi ni Karla. Instant ang kaba niya at tila parang pinagpapawisan pa yata siya ng malapot!

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon