IX. Byaheng..

6.7K 116 2
                                    

Hindi maintindihan ni Karla kung bakit bigla siyang kinabahan sa nalaman niya. Si Mayor Encomienda ang tutulong sa D.C. na makuha ang lupa nina Mang Ernesto.

Pero paano?

Napapikit siya ng mariin sa sari-saring imaheng pumasok sa isip niya ng sandali ding iyon. Hindi kasi maganda ang kutob niya sa ‘tulong’ na magmumula kay Mayor.

Hindi niya alam kung nasosobrahan lang ba sya sa panunuod ng mga teleserye kaya naiisip niya na dadaanin nito sa maduming paraan ang pagpapapirma sa mga Sampang.

At kay Rafael. Natatakot siya para kay Rafael. Dahil nararamdaman niyang walang balak sumuko ito. Tingin niya ay kahit ang Mayor ng San Carlos, hindi ito masisindak.

Tuloy, magulo ang utak niya habang tinatahak ang mahabang byahe pabalik ng San Carlos. Nakasimangot pa siya habang ibinababa ang alagang munggo sa dating pwesto nito sa compound.

Isa pa kasi yun sa mga pinoproblema niya! Humaba na kasi ang stems ng mga ito at mga nahihiga dahil sa tingin niya ay hindi kaya ng payat na katawan ng mga munggo ang lumalaking mga dahon nito!

They should be standing straight, right? Pero para silang gumagapang dahil sa pagkakahilig nila.

“AHA!”naibulalas na lang niya nang may maisip siyang paraan.

Agad siyang lumabas sa kabihasnan at naghanap ng nagbebenta ng barbecue sticks at yarn. Pagkatapos ay bumalik siya sa mga alaga at isa-isang itinuhog ang sticks sa tabi ng bawat halaman. Sunod ay itinali siya ang mga ito gamit ang yarn para maging suporta nito ang mga stick, and voila! Problem solved!

Napangiti si Karla ng malawak habang pinagmamasdan ang gawa niya. Ang cute cute kasi ng mga alaga niya! Bagay sa mga ito ang purple yarn na nabili niya.

Dali-dali niyang kinuhaan ang mga ito ng picture para maipost sa Instagram. Iniiscan niya ang mga kuha niya ng tumunog ang phone niya.

Walang pangalan ang number na nagflash siya screen.

“Hello? Sino ‘to?”tanong niya matapos sagutin ang tawag.

“Hello? Miss Cariño? Si Mayor Encomienda ‘to”pakilala ng nasa kabilang linya.

“Oh! Uhm..Good morning po Sir. Nabanggit na nga po sa akin ni Donald na may naging agreement na daw po kayo tungkol sa mga S-Sampang..”atubiling sabi niya.

“Yes, yes. Iyon nga ang dahilan kung bakit napatawag ako. Nakipag-usap na ako sa kanila..and well..tingin ko maganda naman ang kakahinatnan non”humalakhak pa ang matandang lalaki nang maalala ang mukha nina Mang Ernesto kaninang binisita niya ang mga ito para kausapin.

“At ang gusto ko lang sabihin sana, Karla—ok lang ba sa iyo kung tawagin kita by your first name?”

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon