Zancho
Sa sobrang dami ng nangyari ngayon nahirapan akong ma-digest yun lahat. Naging bestfriend ko na yung dyosang pinapangarap ko lang mula nuong first year college pa lang kami. Tatlong taon akong nakatanaw lang sakanya mula sa malayo. Ngayon abot kamay ko na siya at hindi lang yun may number niya na rin ako at kinuha niya rin yung number ko. Tapos nahatid ko rin siya sa bahay nila gamit yung kotse niya kaya nag taxi ako pabalik ng school. Pero kahit ganin pa man jackpot to mga dre!
"Bunso ang saya mo ah." - Kuya Zedrick.
"Inlove kaba bunso?" - Kuya Zandro.
"Kuya bestfriend ko na siya."
Ngiting ngiti kong sabi sakanila.
"Sino?"
Sabay pa talaga sila. Si mama nakikinig lang.
"Si Irish."
"Ahh. Sa wakas napansin ka rin niya." - Kuya Zandro.
"Edi ligawan mo na siya bunso." - Kuya Zedrick.
"Tska na kuya. Step by step muna baka bigla niya kong layuan pag humirit ako agad."
"Maghanda na kayo padating na ang papa niyo."
"Dapat kasi ma sinundo na natin si papa sa airport." - Kuya Zandro.
"Ayaw nga magpasundo ng papa niyo e."
Ilang sandali pa yung inantay namin at narinig na namin ang pamilyar na bulto ng tao na papasok sa bahay namin. Si papa!
"Honey kumusta kayo?"
"Mabuti naman kami. Halika na at naghanda ako ng paborito mo."
Isa-isa muna kaming yumakap at humalik sa pisngi ni papa bago kami dumulog sa hapag.
"Zandro. Zedrick kumusta naman ang mga trabaho niyo?"
"Maayos naman po yung takbo ng firm pa." - Kuya Zandro.
"Restday ko ngayon pa kaya wala akong duty sa ospital." - Kuya Zedrick.
"E kumusta naman ang pinaka maganda at malakas kong sperm cell?"
"Papa naman ihh! Mas pogi pa nga ako kila kuya."
"Oo na sige na suko na si papa. May girlfriend ka na ba?"
"Wala pa po."
Masaya lang kaming nagkwentuhan na pamilya. Pagkatapos namin kumaen nag bonding lang saglit at nagpahinga na rin kami. Nakahiga na ko sa kama ko ng mag vibrate yung cellphone ko pagtingin ko si Irish ang nagtext.
From: BAE
Bae. Sunduin mo ko bukas.Reply
Sure bae.From: BAE
Goodnight bae.Kahit ganun lang yung conversation namin masaya na ko. Sobraaaa! Kilig to the bones nanaman ako potek! Hahaha.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...