A/N: Sabi ng kuting ko mag update na ko dahil baka huntingin niyo daw siya kaya eto na at dahil na rin aattend ako ng meeting ng kapatid ko bukas eto na yung pang bawi ko sa inyo. Whole day kasi ang meeting nila ang boring nun tsk at isa pa parent needed siya ang bait kasi ng kapatid ko e haha. So eto na sana magustuhan niyo ito vote-comment lang thanks.
-Jujupets.
------------------------------------
Irish
Dahil sa nangyari nagbalik na naman ako sa dating gawi ko. Puro bars inom dito inom duon. Natuto na nga rin akong mag smoke dahil gusto ko talagang mabura kahit saglit yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Iiyak lang naman ako ngayon pero papatawarin ko pa rin si Zancho. Ganun ko siya kamahal pero kailangan ko lang talagang huminga muna malayo sakanya.
Ilang araw pa ang lumipas lagi rin niya akong sinusubukang kausapin pag nasa school kami. Pumupunta din siya sa bahay namin pero lagi ko siyang hindi binibigyan ng pansin kailangan ko kasing makapag-isip. Gusto ko pag tinanggap ko na siya ulit wala na yung sakit ng pagtataksil niya sa akin.
Kahit sobrang miss ko na siya pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto kong subukan kung hanggang saan ang pasensya niya sa akin at syempre gusto kong mag effort siya para makuha niya ulit ako.
Ngayon naglalakad na ako papuntang parking dahil gusto ko ng umuwi at matulog sobrang exhausted ako ngayon. Napahinto lang ako sa paglalakad nung may marinig akong nag strum ng gitara at kumanta.
Pagsuko
Jireh LimMaaari ba muna natin tong pag-usapan
Sa dami rami na ng ating pinagdaanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang lahat
Nang ating pinagsamahan
Masakit sa damdamin
Hinigop ng hangin ang lahat
Pinanghihinaan ng lakas.Nanatili akong nakatalikod mula sakanya yung tibok ng puso ko nag-iiba na naman alam kong siya yung kumakanta. Sobrang namiss ko ang boses niya pero ayoko humarap dahil baka matunaw lahat ng binuo kong lakas.
Pwede bang pag-isipan
Wag ka munang lumiban
Baka sakali na ito ay masalba pa
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng datiiiHindi ko na napigilan ang pagdaloy ng masaganang likido mula sa aking pisngi.
Siya lang talaga ang nakapag paiyak sa akin ng ganito. Sagad hanggang buto yung sakit.May pag-asa pa ba
Kung susuko ka na
Larawan mo ba'y lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa
Tayo ay nagsama damdamin mo tilay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka naLalo akong napaiyak dahil damang dama ko yung pinaparating ng kanta niya. Kung hindi lang siguro malaki ang nagawa niyang kasalanan malamang niyakap ko na siya at hinalikan pero hindi kasi ito simpleng away at tampuhan.
Bawat pangarap na ating pinag usapan
Pupunta na lang ba to sa wala
Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali
Sa mga oras na to alam kong ika'y litoHindi ko na kaya naglakad na lang ako palayo dahil unti-unti ng gumuguho yung pader na nabuo ko pero nagsalita siya.
"Irish mahal ko. Pakinggan mo naman ako.....patawarin mo ako sa mga maling nagawa ko....sayo pa rin ang puso ko bae. Patawad sa nagawa ko. Patawad."
Nanatili pa rin akong nakatalikod pero nagsalita na rin ako. May dila pa pala ako akala ko nawala na e.
"Wag kang mag-alala iiyak lang ako pero papatawarin pa rin kita....just give me time."
"Aantayin ko bae. Aantayin ko pagbalik mo mahal na mahal pa rin kita."
At naglakad na ko papunta sa kotse ko iyak lang ako ng iyak habang binabagtas ko ang pauwi sa bahay namin. I forgive easy. But honestly I NEVER FORGET. Masakit talaga yung naidulot niya sa akin. Sobrang sakit.
Basag basag ang buong pagkatao ko ngayon dahil naniwala ako mahal ko kasi e. Nung una palang tama pala ang hinala ko kung sinabi niya siguro sa akin ang lahat lahat baka hindi nangyari ang ganito sa amin. Edi sana masaya pa rin ang relasyon namin. Yung kami lang parang mag bestfriend. Nag aaway na parang mag asawa at inaalagaan ang isat-isa na parang magkapatid.
Gusto kong buuin namin ni Zancho pareho yung mga sarili namin ng magkalayo para sa susunod na subukin muli ang relasyon namin MAS MATATAG NA KAMI NA HARAPIN ANUMAN YUNG DUMATING.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomansaI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...