A/N: Dahil duon sa mga nabitin kagabi eto na hahaha pasensya na nagloloko kasi yung watty kagabi kaya pinutol ko na lang yung. Sana magustuhan niyo. Vote-comment na lang kayo ha. Maraming salamat. Enjoy!
-Ju.
-----------------------------------
Zancho
Nauna akong nag shower kay bae para madali kong maisaayos yung susuotin niya. Isang simpleng dress na kulay puti ang napili ko at inilapag ko sa tapat ng kama yung binili kong couple slippers na pina customize ko pa. Syempre suot ko na yung sa akin. Nag iwan na lamang ako ng note para pumunta na lang si bae sa lugar na na sila Domeng at Xylene ang nag-ayos.
Lumabas na ako at pumunta na kung nasaan sila. Pagdating ko kumpleto na silang lahat si Irish na lang ang kulang para mabuo ang gabing ito para sa aming dalawa.
"Anak all set na lahat. Magtatago na kami duon ha."
"Pa kinakabahan po ako..."
Totoo yung sinabi ko na kinakabahan ako. Hindi ko maiwasang kabahan at panlamigan ang aking mga kamay.
"Zarell wag kang kabahan. Andito kaming lahat para suportahan ka."
Habang sinasabi yan ni mama inaayos niya yung buhok ko at yung kilay ko dinilaan niya pa. Naku si mama talaga.
"Zancho mahal na mahal ka ng anak ko kaya wag ka ng kabahan dyan..."
"Oo nga naman Zancho...galingan mi yung pagkanta mo para lalong ma inlove sayo ang baby namin."
Dahil sa sinabi nila tito at tita sa akin kahit papano nawala din yung kaba na namumuo sa aking dibdib sa mga sandaling ito.
"Maraming salamat po tito tita."
"Parekoy parating na si Irish keriboom boom mo yan mars!"
"Gunggong ka talaga parekoy nababading ka na."
"Hahaha para mawala yung kaba mo. Sige na go...mga tito mga tita tara na po duon inaantay na po tayo nila kuya Zandro at kuya Zedrick."
"Goodluck Zancho!"
Sabay sabay nilang sabi bago sila pumunta sa tagong pwesto nila. Humakbang na ako papasok sa hugis pusong napapalibutan ng mga kandila at pulang talulot ng rosas. Pinaghandaan kong mabuti ang gabing ito kaya sana hindi ako pumalpak sa pagkakataong ito.
Nakita ko ng papalapit sa direksyon ko ang dyosang nagpabago sa aking buhay. Ang dyosang sinamba ko mula simula hanggang ngayon. Ang dyosang pinag alayan ko ng buong pusong pagmamahal ko. Ang dyosang bumubuo sa buhay ko. Ang dyosang kumumpleto sa buong pagkatao ko. Ang dyosang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Ang natatanging dyosa ng buhay ko.
Sa bawat paglakad niya palapit sa direksyon ko ay nag umpisa na ding tumugtog ang malamyos na musika na ako mismo ang kakanta para sakanya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...