Zancho
Maaga akong nagising dahil kailangan kong ipagluto ang dyosa ng buhay ko. Hindi talaga ko marunong magluto promise. Nagprito na ko ng hotdog at nuggets. Nakikipaglaban pa nga ako sa mantika pumapalag kasi e. Wala talaga kong silbi sa kusina. Tsk!
Nung matapos na ko sa pakikidigma sa kalaban inayos ko na yung mesa bumuo din ako ng 'sorry' sa plato ni Irish gamit yung mga nuggets na niluto ko. Nilagay ko din yung boiled egg na hiniwa ko pa sa kasamaang palad nahiwa naman ako. Minsan tanga lang talaga yung kutsilyo e. Pumitas din ako ng gumamela sa labas buti na lang hindi ako nahuli ng may-ari kundi yari.
Paglabas ni Irish ang taray agad ng aura niya nung makita ako. Galit pa rin siya sakin anubayan!
Tinignan niya yung ginawa ko sana naman nagustuhan niya ang dami kong napagdaanan para lang ma please siya.
"Bae goodmorning peace offering ko. Sorry na."
Nginitian niya ko kaya napangiti na din ako. Yahoo! Success men.
"Apology accepted!"
"Thank you bae. Grabe akala ko hindi mo magugustuhan."
"Bakit mo naman naisipan magluto?"
"Gusto ko kasing malaman mo na sincere ako sa paghingi ng sorry sayo."
"At talagang may gumamela ka pa ha?!"
Kinuha ko yung gumamela at nilagay ko yun sa kanang tenga niya. Isa talaga siyang dyosa.
"Pinitas ko yan para sayo."
"Napano naman yang daliri mo?"
"Ahh hehe. Nahiwa kasi ako. Ang hirap talaga magluto bae. Nakipaglaban pa ko sa mantika. Pero kahit mahirap at masakit yung napagdaanan ko sa kusina basta para sayo gagawin ko."
"Aww ang sweet naman ng bae ko."
Kumaen na kami at nag asikaso na para sa pagpasok. Ang tagal lang talaga mag asikaso ni bae. Almost one hour na siya sa banyo. Juice colored! Plano niya na yata matulog sa loob.
After ilang years natapos na din siya at inaya niya na ko pumasok. Yung kotse ko naman yung gamit namin at ako pa rin anv driver asa naman siya magdrive.
"Wag mo na ko antayin bae. May date uli kami nung boyfriend ko."
Tsk. Plano niya bang saktan ako tuwing umaga ang sakit nanaman e.
"Ganun ba osige. Ingat sa date niyo."
"Kailangan pag-uwi ko mamaya andun kana. Subukan mo ulit abuti ng alas dose malilintikan ka sakin."
Aww nakakatakot siya.
"Opo boss! Ang scary mo talaga."
"Sige na pasok na. Bye."
Wala man lang kiss. Pumasok na rin ako wala naman bago sa mga classmates ko maingay pa rin sila sa umaga. Maaga kaming nadismiss dahil may meeting dae yung prof namin. Nagtext naman sakin si Ariele na mag date naman daw kami kaya um-oo na lang ako. Magkikita kami sa mall kaya nagpaalam na ko kila Xylene at Domeng.
"Hi pretty."
"Mambobola ka pa rin."
Hinalikan niya ko sa pisngi at humawak na siya sa braso ko. Hindi pa rin siya nagbabago ang clingy niya pa rin.
"So dating gawi Ariele."
"Of course."
Nagpunta na kami sa paborito naming restaurant. At sa kamalas malasan talaga nagkita pa kami ni Irish dito kasama niya yung boyfriend niya grabe ang sakit lang sa mata.
"Zancho hindi mo sinabi sakin na andito ka rin pala."
Tinaasan nanaman niya po ako ng kilay. Ano nanama bang ginawa kong kasalanan?
"May date kasi kami ngayon ni Zancho."
At lalong napataas nanaman yung kilay niya. Pinanlisikan pa ko ng mata juskopo! Lagot nanaman ako pag-uwi.
"Baby sino sila?"
Epal nung boyfriend niya. Saktan ko na kaya to. Leche!
"Si Zancho bestfriend ko si Ariele friend niya."
"Hi girls. I'm Emman boyfriend of this gorgeous lady beside me."
Okay ikaw na proud! Alam ko naman gorgeous si Irish.
"Nice to meet you Emman. Sige dito na kami ni Zancho."
Hinila naman ako ni Ariele dun sa palagi naming inuokopang pwesto dito.
Kung ano-anong kabarubalan lang yung pinag-uusapan namin habang nakain.
"So may girlfriend ka na ba?"
"Wala pa."
"Edi tayo na lang uli."
"Ariele talaga ang kulit mo."
"Nagbago na ko Zancho. Hindi na ko katulad ng dati. At pinapangako ko sayo na hindi ka na masasakal sa piling ko."
"Ariele diba sabi ko sayo mas magtatagal tayo kung magkaibigan na lang tayo? Kasi ang bestfriend walanv break up at isa pa hindi tayo magkakasakitan."
"Hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal ko sayo Zancho. Alam mo naman ikaw lang yung una kong minahal."
"Ang kulit mo pa rin talaga."
Napapailing na lang ako sakanya. Hindi naman ako naiilang kasi sanay na ko sakanya at kabisado ko na yung ugali niya.
Pagtapos namin kumaen nanuod kami ng sine at nag shopping siya. Tulad ng dati ako yung tiga bitbit lahat ng pinamili niya. Inabot na kami ng 8pm kaya hinatid ko na siya sa bahay nila. Dun na din ako nag dinner sakanila dahil mapilit pa rin talaga si tita.
Pagkauwi ko nadatnan kong nakapamewang si Irish at nakataas ang kilay. Mabebengga nanaman ako mga dude!
"Hi bae."
"Nag enjoy ka ba kasama ng ex mo?"
"Ahm bae."
"Sana pala hindi na ko nagluto ng dinner kung late ka din naman uuwi."
"Bae sorry."
"Puro ka na lang sorry. Naiinis na ko sayo!"
Nag walk out siya at binalibag nanaman niya yung pinto ng kwarto niya. Ano ba yan lagi na lang siya nagagalit sakin. Pano ko nanaman susuyuin yun? Tsk.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...