Zancho
Pagkatapos ng klase namin pumunta na ko sa building nila Irish. Ihahatid ko na muna siya sa bahay nila bago kami magkita ni Domeng. Si Xylene naman ang hinatd niya. Ilang beses niya ng niligawan si Xylene pero laging basted. Hindi daw siya susuko.
"Hi bae kanina ka pa?"
"Hindi kararating ko lang bae. Tara uwi na tayo."
"Let's go."
"Ang saya mo ngayon bae. Share mo naman."
"Andyan ka kasi."
Oh shet! Pakshet! AKO AY KINIKILIG! Masaya daw siya kasi andito ko. Yiiee!
Nginitian ko lang siya at tahimik na nag drive na ko. 30 minutes lang naman ang byahe pauwi sakanila pag naka kotse.
"Bae samahan mo naman ako. Movie marathon tayo."
"Sorry bae sasamahan ko pa kasi si Dom mag bar. Bukas na lang ha?"
"Edi sama na lang ako sa inyo mag bar."
"E? Sige na nga magbihis ka na balikan kita dito mag aayos lang din ako."
"Mmm kay."
Pagkapasok niya sa gate nila pinaandar ko na yung kotse pauwi sa bahay. Mabilisan na ti brad! Nakakahiya kasi kay Irish kung pag-aantayin ko siya ng matagal.
"Ma. Pa. Samahan ko lang po magbar si Domeng."
"Osige basta wag ka magpakalasing Zarell."
"Opo ma!"
"Anak maraming chix dun galingan mo ha?!"
"Aye Captain! Gotta go. Loveyou."
Hindi ko pa nasasabi sakanila yung plano kong pagtira sa condo na bigay ni papa. Alam ko naman na papayagan din nila ko pero syempre kailangan ko pa rin ipaalam sakanila yung desisyon ko.
"Bae tara na."
"Bakit nag-aya si Dom mag bar?"
"Dun daw kasi sila magkikita nung ex niya."
"Ahh okay."
Pagdating namin sa bar hinanap ko agad si Domeng. At yung unggoy andun sa bar counter mag-isang tumutungga.
"Parekoy!"
"Pakshet ka! Bakit ngayon ka lang parekoy?"
"Wag ka na mainis sinama ko pa kasi si Irish."
"Oh! Hi Irish."
"Hi Dom!"
"Sige shot kayo. Ako bahala sagot ko."
Tinabihan naman siya ni Irish at nag order ng tequila. Wow hard! Hindi ako iinom walang magddrive sakanila pauwi.
"Parekoy ang hirap talaga magmahal nuh?"
Nakupo! Bangenge na si Domeng nagddrama na kasi e. Senyales na yan.
"Alam mo Dom. Ayan yung pinakamahirap na makuha sa mundo. Ang magmahal ng hindi nasasaktan."
Hala! Bumanat na si Irish nakaka limang shot pa lang naman siya e.
"Yun na nga Irish kahit magmahal ka ng totoo masasaktan ka pa rin. Yung tipong binigay mo na yung lahat mo pero kulang pa rin para sakanya. Yung tipong ikaw na lang ang lumalaban."
Boom peyns! May hugot si Domeng mga brad! Nakikinig lang ako sa usapan nila. Pareho silang may hugot e.
"Hindi talaga lahat ng gusto natin ay makukuha natin. Kung may natutunan man ako sa buhay yun ay ang maglaro. Fuck feelings be a bitch."
Tumayo naman siya at pumunta sa dance floor. Ang hot niya sumayaw lahat napapatingin sakanya karamihan lalaki kaya naiinis ako. May isang lalaki ang dumikit sakanya sobrang dikit potek yan manyak ampota! Hindi ko na kaya to kaya nilapitan ko na siya.
"Bae halika na. May tama ka na e."
"Hindi pa ko lasing bae. Tara sayaw tayo."
Kumapit naman siya sa batok ko kaya sobrang lapit na namin dalawa.
"Bumalik na tayo dun bae."
"Hayaan mo muna siya miss. Nag eenjoy pa nga siya e."
"Wag ka nga makialam."
"Sakin siya sasama. Diba baby? Halika papaligayahin kita."
Hinawakan niya yung kamay ni Irish at hinila palapit sakanya.
"Hindi siya sasama sayo."
Hinila ko naman palabas ng bar si Irish. Hinayaan ko na lang si Domeng dahil nag-uusap sila ng masinsinan ng ex niya at isa pa kaya niya na rin yung sarili niya.
"Ang KJ mo bae. Balik tayo dun hindi pa nga ko lasing e."
"Uuwi na tayo."
"Nakakainis ka hindi pa nga ako nag-eenjoy!"
"Enjoy? Dafuq Irish binabastos ka na nung gagong yun. Ano gusto mong gawin ko titigan ka lang?"
"Gusto niya lang makipag laro sakin."
"Wow! Ayos yun ah. Irish ayusin mo naman yung sarili mo. Ang isang katulad mo dapat ginagalang. Minamahal at inaalagaan. Pero ikaw pa ang nagtutulak sakanila na bastusin ka."
"Bakit?"
(-__-)?
"Anong bakit?"
"Bakit sinasabi mo sakin yan?"
"Kasi mahalaga ka sakin. Nung sinabi mo sakin na magiging bestfriend mo ko nagkaron na ko ng obligasyon sayo. Obligasyon kong protektahan ka sa mga taong hindi maintindihan ang nararamdaman mo. Obligasyon kong alagaan ka. At obligasyon kong yakapin ka sa bawat pag-iyak mo."
Niyakap niya ko ng sobrang higpit at umiyak siya ng umiyak sa dibdib ko. Nakakaiyak na ba yung sinabi ko? O na-touch lang talaga siya. Tsk. Hayaan na lang natin.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...