Zancho
Walang Irish na umuwi sa condo inantay ko yung pag uwi niya pero wala talaga. Pumasok na lang akong sabog kakaisip sakanya. Wala akong tulog dahil inaabanagan ko siya pero hindi rin siya umuwi.
Inaantay ko ang pagdating niya dito sa bench at matyaga akong nag antay. Hindi naman nasayang ang paghihintay ko dahil nakita ko na siyang naglalakad. Tumayo na ako at lumapit sakanya pero tinitigan niya lang ako.
"Bae saan ka ba nagpunta? Bakit mo ko iniwa kagabi?"
"Wala akong time makipag usap sayo."
Lalagpasan niya na sana ako pero pinigilan ko yung kamay niya. Mag humawak naman sa kabila niyang kamay kaya tinignan ko yun. Si Ivann yung ex niya. Bakit magkasama sila?
"Sabi ni Irish wala daw siyang time makipag usap sayo kaya bitawan mo na siya."
"Wag kang makialam dito gusto kong makausap ang girlfriend ko."
"Last time ang sabi mo sakin dapat tinuturing na prisesa si Irish. Pero bakit hinayaan mo siyang umiiyak mag-isa kagabi?"
"Wala kang alam. Kaya please wag ka makialam."
"Tama na! Let's go Ivann."
Hinawakan naman niya yung kamay ni Ivann. Ano ba nangyayari?
"Bae mag-usap naman tayo oh please."
"Mag break na tayo. Magsama kayo ng Ariele mo."
"Bae wait! Hindi mo naiintindihan."
Hindi na niya ko pinakinggan at naglakad na siya ng tuluyan palayo sa akin.
Tatlong linggo na din ang lumipas mula ng huli naming pag-uusap. Ilang beses akong nagtangka na kausapin siya pero mailap talaga siya at ang nakakainis pa lagi niya ng kasama yung Ivann na yun. Para akong tanga na palihim siyang sinusundan pinakuha na rin nya sa katulong nila lahat ng gamit niya sa condo kaya mag isa na lang ako. Nasabi ko na rin kila mama yung nangyari sa aming dalawa.
"Babe tulaley ka na naman dyan. Tska mo na lang siya kausapin pag medyo okay na siya."
"Babe tatlong linggo na pero hindi niya ko kinakausap. Ano yun? Ayaw niya na talaga sakin dahil lang sa maling akala?"
"Parekoy. Dapat kasi sinundan mo siya agad alam mo naman na napaka selosa nung girlfriend mo."
Tahimik lang ako. Siguro may kasalanan nga din ako kung sinundan ko lang sana siya edi dapat hindi kami nagkakaganito.
Tumayo ako at pinuntahan ko si Irish naasayang nakikipag usap kay Ivann. Nasasaktan na kasi ako.
"Bae..ah I mean Irish pwede bang mag-usap tayo?"
"Ayaw ka na nga kausapin ni Irish kaya pabayaan mo na siya."
Singhal sakin ni Ivann. Epal to masasapak ko na to e.
"Kailangan ko siya makausap please wag ka na umepal."
"Manliligaw ako ni Irish at ikaw ang umeepal sa aming dalawa kaya pabayaan mo na nga kami."
"Ivann mag-uusap lang kami."
Sa wakas nagsalita na din siya. Umalis naman siya kaya namayani muna samin ang saglit na katahimikan bago ako magsalita.
"Totoo bang nanliligaw sayo si Ivann?"
"Oo."
"Pumayag ka naman?!"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...