Irish
Nang masiguro na ni kuya Zedrick na ayos naman ang pakiramdam ni bae nagpaalam na din siya sa amin dahil may pasyente pa daw siyang aasikasuhin. Kami naman ni tita todo asikaso kay bae samantalang si tito ay nagkwento na ng mga bagay bagay.
"Zarell anak. Ubusin mo tong pagkaen mo para bumalik yung lakas mo."
"Busog na po ako."
"Ahh tita...ako na lang po ang magpapakaen kay bae."
"Osige hija ipaubos mo sakanya ito."
Inabot sakin ni tita yung plate na may lamang pagkaen. Alam kong tinitignan ako ni bae habang hinihimay ko yung pagkaen niya.
"You like the view?"
Lantaran kong sabi sakanya habang naghihimay pa rin.
"Huh?"
Tinignan ko na siya at sinubuan. Kahit papano masaya na rin ako na napagsisilbihan ko na ulit si bae. Kahit hindi ako maalala ng isip niya. :(
"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"
"Na girlfriend mo ko?"
Tumango lang siya at nakipagtitigan na naman sa akin sinisipat niya siguro kung nagsasabi ako ng totoo sakanya. Sila tito at tita namab ay tahimik lang na nakikinig sa amin.
"Wag mo na munang isipin yung mga bagay na yun. Baka makasama lang sayo."
"Ayoko na busog na talaga ko."
"Konti na lang ubusin mo na to."
Nakinig naman siya sakin kaya natuwa ako dahil naubos niya rin yung pagkaen niya.
Gustong gusto ko ng maalala ako ni bae pero ayoko siyang madaliin dahil baka makasama yun sa kalagayan niya. Kaya uunti-untiin ko ang lahat. Babalik kami sa dati kung kinakailangan yung time na hindi ko pa siya kilala hanggang sa naging mag bestfriend at humantong sa pagiging magkasintahan naming dalawa.
Ipaparamdam ko kay bae ng dahan-dahan yung pagmamahal ko at ako na rin mismo ang magpapaalala sakanya na ako yung mahal niya.
Biglang may kumatok kaya naman pinagbuksan na ito ni tita. Si Dom at Xyelene pala kaya pinapasok na sila ni tita matapos silang magbeso. Naka antenna pa yung binti ni Dom dahil nabali nga yung buto niya at naka wheel chair pa rin siya.
"Parekoy!"
Niyakap ng sobrang higpit ni Dom si bae pero yung mukha ni bae nababalot na naman ng pagtataka kaya ipinakilala na lang ni tito si Dom sakanya.
"Anak si DomDom yung bestfriend mo."
"Parekoy. Ako si Dominador Agoncillo IV. Domeng ang lagi mong tinatawag sakin. Ako yung pinaka pogi mong bestfriend......parekoy namiss kita leche ka nakakaiyak potek yan."
Niyakap ulit ni Dom si bae pero kumalas din sa yakap si bae at nagsalita.
"Ahhm wag kang umiyak pumapangit ka kasi. =___="
"Waaaaaahhh parekoy iloveyou sobrang namiss kita."
"Dom tama ka na ako naman."
Biglang singit naman ni Xylene sa madramang eksena ni Dom.
"Hi babe. Ako si Xylene bestfriend mo din ako. ^___^"
"Babe? (-__-)?"
"Yep! Ako ang babe mo yun ang tawagan nating dalawa."
Hinayaan ko na lang si Xylene tutal yun naman talaga ang tawagan nila bae. Nagtagak din ng ilanf oras sila Dom at Xylene pero nung nag 9pm na nagpaalam na din sila dahil kailangan na rin daw umuwi ni Xylene.
"Ahhm matutulog po muna ko."
"Sige anak sleepwell."
Kiniss nila tito at tita si bae. Ako din lumapit para ikiss siya.
"Goodnight bae. Pag gising mo mahal pa rin kita."
Kiniss ko na siya sa forehead niya at hinimas ko yung buhok niya para makatulog siya. Alam kong medyo nailang siya sa sinabi ko pero hindi ko na mapigilan sana lang talaga bumalik na ang alaala ni bae.
-----------------------------
A/N: Nagustuhan niyo ba? Pasensya na may pinagdadaanan kasi yung lovelife ko e. Yung mahal ko hindi ako mahal nakakaiyak lang hahaha. Btw maraming salamat talaga sa mga walang sawa na nag vote at comment sa story ko na ito. Thanks din sa mga nag follow. Pinapasaya niyo ko. Vote-comment lang po. Lovelots. Para dun naman sa mahal ko pag gising mo bukas mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na.t
-Jujupets.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...