Ch. 31

11.1K 242 10
                                    

Zancho

Nung matapos na namin yung presentation namin nagpaalam na rin na uuwi yung ka grupo namin pati si Xylene umuwi na rin at hinatid na siya ni Domeng. Pero babalik pa si Domeng dahil gusto niya i-test drive yung bagong big bike na binili sakanya ng tatay niya.

Habang wala pa si Domeng tinawagan ko na muna ang dyosa ng buhay ko.

Ringgg....

"Maari ko bang makausap ang dyosa ng buhay ko?"

"Hmn? Tapos na ba kayo sa ginagawa niyo bae?"

"Opo. Kakauwi lang nung mga classmates ko."

"Kumaen ka na ba?"

"Tapos na din. Ikaw bae?"

"Tapos na kanina pa. Miss na kita bae."

Sobrang miss ko na din si bae. Walang oras at minuto ang nagdaan na hindi ko siya naiisip.

"Miss na miss na miss na kita bae."

"Ilang tulog na lang magkikita na ulit tayo."

"Oo nga e. Excited na ko sa pagbabalik mo."

"Hihi. Kaya humanda ka sakin dahil whole day kitang paliligayahin."

"Aww gustong gusto ko yan bae."

"Kaya dapat mag ready ka hmn?"

Tumunog yung door bell malamang si Domeng na ito. Istorbo talaga yung unggoy na yun.

"Ayy bae wait lang. Andito na kasi si Domeng."

"Bakit? Akala ko ba umuwi na sila. Ano pa ginagawa niya dyan?"

"E kasi bae ililibot namin yung bago niyang big bike na binigay ng tatay niya kaya andito ulit siya."

"Gabi na bakit ililibot niyo pa? O baka naman mambababae kayo. Nakuu sinasabi ko sayo Zancho sasakalin talaga kita at hinding hindi na kita lilimliman."

Ayan na niratrat na naman ako ng dyosa. Hirap talaga pag spartan yung girlfriend niyo. Bigte na!

"Bae naman alam mo naman na ikaw lang yung mahal ko."

"Wag ka na sumama sakanya."

"E bae naka-oo na kasi ako. Tsaka--"

"BAHALA KA SA BUHAY MO! LECHE KA!"

End call...

Tsk. Pinatayan ako anu ba yan! Binuksan ko na yung pinto dahil walang tigil si Domeng sa pag buzz.

"Parekoy antagal mo naman pagbuksan."

"Kausap ko pa kasi si Irish. Wag na lang kaya tayo tumuloy."

"Leche ka naman parekoy! Napaka under mo naman sa girlfriend mo."

"Nagalit kasi siya sakin."

"Nakakatampo ka talaga Zancho. Sige wag na lang uwi na ko."

Nakonsensya naman ako kay Domeng kaya hinila ko na siya. Lalambingin ko na lang si bae pag-uwi niya dito.

"Wag ka na magtampo hindi bagay sayo. Mukha kang unggoy!"

"Hayup ka talaga. Akala ko matitiis mo na ko e."

"Punyeta ka! Alam mo naman na kahit abnormal ka pa hinding hindi kita matitiis."

"Yiiee iloveyou talaga bespren! Pa kiss nga."

"Sapakin kita gusto mo?!"

Tawa lang siya ng tawa hanggang sa makarating na kami sa parking. Ibinida niya agad yung big bike niya. Ang angas ng dating niya dito pag nakasakay siya. Ang pogi ng big bike niya.

"Parekoy ang pogi ng big bike mo!"

"Syempre pogi may-ari. *smirk*"

"Sabi ko yung big bike yung pogi. Hindi ko sinabi yung may-ari."

"Tsk. Hinayupak ka talaga. Halika na sakaya na. Suotin mo tong helmet."

"Isa lang yung helmet mo?"

"Oo bukas pa kasi ako bibili. Suot mo na yan dali."

"Ikaw na magsuot nito parekoy."

"Ayoko gusto ko safe ka. Dalian mo na isuot mo na yan bibigwasan kita pag di mo yan sinuot."

Wala na kong nagawa dahil mapilit si Domeng. In-start niya na yung engine at sinimulan ng paliparin ang big bike niya. Ang angas talage netong big bike niya astig!

Binabaybay na namin ang kahabaan ng C5 nang malaglag yung bag nung naunang motor sa amin. Kinakabahan na ko kaya hinubad ko yung helmet na suot ko at isinuot ko ito kay Domeng.

"Parekoy bat mo hinubad yung helmet mo?!"

"Ayokong mapahamak ka."

"Parekoy kumapit ka sakin babangga tayoooo!"

Booooooogggggsssshhhhhh

Iniwas ni Domeng pakanan yung big bike pero sa kasamaang palad bumangga kami. Sa sobrang lakas ng impact tumilapon ako sa kalsada at napuno na ng dilim ang buong paligid ko.

-----------------------------

A/N: Vote-comment lang po. Thank you.

-Jujupets.

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon