Ch. 53

11.1K 230 19
                                    

A/N:Hellooooo. Hahaha nakapag update ulit. Alam ko naman gusto niyo na magkabalikan ang ZanRish kaya eto na sana naman magustuhan niyo. May nagrerequest nga pala ng book 2 kayo gusto niyo ba ng book 2. May title na agad akong naisip I'm Married With That Bitch or Life after Marriage. Vote-comment lang kayo kung gusto niyo ng book 2 at kung naniniwala kayo sa forever. Kasi pagkatapos ng FOREVERMORE BRIDGES OF LOVE NAMAN. Ay lechugas! Hahahaha kayo na nga bahala. Maraming salamat. Enjoy!


-Ju.

------------------------------------


Irish

Love me like you do


Lalalove me like you do


Love me like you do


Lalalove me like you do


Touch me like you do


Tatatouch me like you do


Touch me like you do


Tatatouch me like you do

Touch me like you do


WHAT ARE YOU WAITING FOR?


Nakapack na lahat ng gamit ko at ready to go na ako papuntang Puerto Galera ng ako lang mag-isa. Dapat dalawa kami ngayon. Dapat kasama ko siya. Pero nasira lahat ng plano naming dalawa.

Nagpahatid na lang ako aa driver namin dahil tinatamad akong mag drive. Natulog lang ako sa buong byahe. Kailangan ko din ito para may energy ako pero sigurado naman akong hindi ako mag-eenjoy sa bakasyon kong ito dahil wala siya sa piling ko.


Ilang oras lang at andito na rin ako sa Puerto Galera nag rent na ako ng cottage ko at inayos ko na ang mga gamit ko bago ako lumabas para mag swimming. Kaya nga ako nandito para lumangoy ang baduy naman kung magmumukmok lang ako sa cottage ko.


Palabas na sana ako kaya lang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa atensyon ko.

"Irish!"

"Dom? A-anong ginagawa niyo dito?"

"Ahh nagbabakasyon?"

"Ah okay."


Tatalikuran ko na sana sila ni Xylene pero mabilis naman niya akong nahawakan.


"Irish pwede bang sumama ka samin ni Dom?"

"Bakit? Anong kalokohan na naman ba to?"


May ideya na ako kung ano na naman tong pakana nila. Kaya hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Basta sumama ka na lang samin."

At dali-dali akong hinila ni Xylene sa isang lugar na hindi masyadong matao. Merong isang mesa duon na puno ng kung anu-ano. May mga itlog. May mga kamatis. May mga tsinelas. May mga talong at upo. May mga kutsara at tinidor. Anong trip to? Magluluto sila dito? Bakit walang kawali? Tapos may tsinelas pa? Rated K ang peg. Magbibigay ng tsinelas sa mga walang sapin sa paa?

"Hoy kayong dalawa anong trip to?"

"Si Dom ang may pakana niyan. Tinulungan ko lang siya."

"Ahh Irish wag ka munang mainis dyan halika dito.....may isang taong lalabas dyan sa tabi-tabi kaya pag nakita mo siya batuhin mo siya ng kahit anong mahawakan mo dyan sa mesang yan. Sige alis na kami ni Xylene. Bye!"

Hindi ko alam kung anong trip ni Dom. Minsan talaga may sapak yun sa ulo. Napatigil naman ako sa pag-iisip ng kung ano ano ng mag isang pamilyar na tao ang naglalakad papunta sa pwesto ko kaya katukad ng sinabi ni Dom batuhin ko daw siya kaya binato ko naman siya ng itlog at kamatis.


"Ilang beses ng nag-away hanggang sa magkasakitan di na alam ang pinagmulan."


Nakasukbit sakanya yung gitara habang kumakanta siya. Kaya binato ko ulit siya ng itlog kasunod nuon ang talong at tsinelas na nahawakan ko. Palapit na siya sa akin pero huminto siya ng ilang hakbang.


"Pati maliliit na bagay na napag-uusapan bigla na lang pinag-aawayan."


Binato ko siyang muli ng itlog at isa pang tsinelas sinundan ko ito ng upo. Kahit lagi ko siyang nasasapul hindi siya umiilig sa mga pagbato ko.


"Ngunit kahit na ganito."

This time kutsara at tinidor naman ang ibinato ko sakanya. Buti na lang walang ibang tao ang nandito dahil nagkalat ako.


"Madalas na di tayo magkasundo."


Binato ko na naman siya ng itlog at dumaloy na ang luhang pinipigilan kong kumawala. Yung sugat unti-unti na lang nagiging peklat. Sobrang namiss ko siya. Kahit itanggi ko ang sinisigaw ng puso ko ay siya pa rin talaga walang iba.


"Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko."


Lahat na ng mahawakan ko pinagbabato ko na sakanya dahil yun lang yung paraan ko para makawala na ang sakit sa buong sistema ko.

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano. Ikaw pa rin ang gusto ko."


Lumapit na ko sakanya at sinampal ko siya ng paulit ulit hanggang sa mamula na yung mukha niya. Hindi pa ko nakuntento sinapak sapak ko siya sa braso niya.


"Aww... Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo...IKAW PA RIN WALANG IBA ANG GUSTO KONG MAKASAMA.WAG KA NG MAWAWALA."

Hindi ko na mapigilan ang dadamin ko dahil mahal na mahal ko ang taong ito na nagdulot sakin ng kasiyahan sa mundo at nagbigay din ng sakit sa puso ko. Kaya naman niyakap ko na siya ng sobrang higpit.


"Bae.......patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko."


"*sniff* diba sabi ko naman sayo *sniff* iiyak lang ako pero papatawarin pa rin kita. Mahal na mahal kita Zancho higit pa sa iniisip mo."


Kumalas siya sa pagkakayakap ko at hinawakan ang mukha ko. Ngayon ko na lang ulig siya natignan ng ganito kalapit. Kahit ang dungis na niya hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sakanya. Puno man ng itlog ang mukha niya poging maganda pa rin siya.

Hindi ko na matiis kaya naman hinalikan ko na siya. Sabik na sabik kami sa isa't-isa sobrang namiss ko si BAE. Magkahawak kami ng kamay na nagtungo sa cottage ko dahil kailangan niyang maligo. Gusgusing bata kasi siya sa ayos niya ngayon. Akala ko magiging malungkot ang pagpunta ko dito sa Puerto Galera. HINDI PALA.


END


(A/N: Hahahahahaha joke lang hindi pa ito ang ending. Wag niyo ko batuhin ng itlog.)

I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon