A/N: @zmochi3 para sayo ang chapter na to gaya ng pangako ko.
-Jujuming.
----------------------------------
Irish
Bawat araw na kasama ko si Zancho pinaparamdam niya sakin yung halaga ko bilang isang babae. Ngayon ko na lang uli naramdaman yung pagpapahalaga na nagmumula sa ibang tao. At bukod dun masaya ako pag andyan siya.
Ngayon naka schedule yung pagpunta ko sa bahay nila Zancho.
"Hi dyosa ng buhay ko."
Yan na yung tinatawag niya sakin pag kami nalang dalawa. Ang swerte niya daw kasi naging bestfriend niya ko.
"Hello bae. Nasabi ko na pala kila dad yung tungkol sa paglipat ko sa condo mo."
"Anong sabi?"
Sumulyap lang siya sakin at tumutok na uli sa pagddrive.
"Pumayag sila! Kaya sa ayaw at sa gusto mo magsasama na tayo bukas."
"Haha oo na po. Nasabi ko na rin naman kila mama at pumayag din sila."
"Susunduin mo ba ko?"
"Oo naman."
Pagkaraan ng ilang sandali narating na namin yung bahay nila at sinalubong kami ng isang matangkad at gwapong nilalang.
"Bae. Kuya ko nga pala si kuya Zedrick. Pogi si Irish bestfriend ko."
"Hello po."
Bigla na lang niya kong hinalikan sa pisngi at niyakap.
"Hi Irish. Totoo nga yung sinabi ni bunso maganda ka nga."
"Naku thank you po."
"Tara pasok sa loob excited si mama na makilala ka."
Pagpasok pa lang namin sa pinto hinalikan at niyakap ako agad ng isa pang gwapong nilalang. Tapos ganun din si tito at yung babae na katabi niya. I guess ito na yung mama ni Zancho. So ganto sila mag welcome ng bisita? Pinupog ako ng halik sa pisngi e parang nalamog yung pisngi ko.
"Salamat at nakapunta ka hija. By the way ako yung mama ni Zarell. Call me tita Sandy. K?"
"Wala po yun tita Sandy."
"Tara at kumain na tayo. Niluto ng tita mo yung mga paborito mo."
"Wow thank you po."
Hinila na ako ni tito sa dining area habang inaalalayan niya din si tita. Ang sweet niya. Si tito yung nakaupo sa kabisera then sa left side ni si tita katabi naman ni tita si Kuya Zedrick then si Kuya Zandro. Si Zancho yung nasa right side at ako.
Pinagsandok pa ko ni tita ng food pati si tito. Napaka maasikaso niya. Kaya naman ganado ako sa pagkaen dahil bukod sa paborito ko masarap siya.
"Mamaya pagkatapos natin kumaen. Kakanta ka Irish."
Napalunok ako ng de oras nung sinabi yun ni Kuya Zandro. Matagal na rin kasi nung huli akong kumanta. Nung buhay pa si Jerome.
"Mahilig kasi kami kumanta dito hija pero wala talaga kaming talent sa pagkanta. Si Zancho lang at ang mama niya yung pambato namin."
Nakakatuwa si tito andami niyang kwento. Ganun din si tita binuking yung mga anak niya sakin.
Nung matapos kami mag lunch hinila naman ako ni Kuya Zandro. Ang hilig nila manghila promise!
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...