Irish
One week na rin simula ng maaksidente si bae. Bukas lalabaa na si Dom pero si bae hindi pa rin gumigising. Papasok lang ako ng school tapos balik na agad dito sa hospital. Kahit ayokong iwan si bae kailangan ko rin pumasok dahil malapit na nga yung graduation namin at isa pa lagi rin akong pinapaalalahanan nila tito at tita.
Kagabi bumisita dito sila mommy at daddy pero saglit lang din naman sila chineck lang kung ayos lang ba ako at kinumusta na rin ang lagay ni bae.
Sa bawat pagtakbo ng araw oras minuto at segundo pinipiga ang puso ko habang tinitignan si bae na mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Sobrang miss ko na siya.
Nagpaalan muna sila tito na bibili ng pagkaen namin kaya solo ko si bae. Malaya akong gawin kung anuman ang gusto kong gawin sakanya. Kaya tulad ng ginagawa ko sakanya simula ng ilipat na siya dito sa private room palagi ko na siyang kinakausap at hinahalikan pag ako lang ang bantay. Kahit alam kong hindi niya pa rin matutugunan yung bawat halik ko sakanya.
"Bae one week ka ng tulog. Kelan mo planong gumising?"
Hinalikan ko siya sa forehead niya gaya ng palagi niyang ginagawa sakin para kumalma ako pag naasar na ko sakanya.
"Bae imulat mo na yang mata mo para makita mo na yung magandang dyosa ng buhay mo."
Hinalikan ko ulit siya pero sa ilong naman. Namimiss ko na yung tinatawag niya kong dyosa ng buhay niya.
"Bae pag gising mo mahal na mahal pa rin kita. Sobrang mahal kita kaya please idilat mo na yang mata mo gusto ko na makita ang brown mong mata."
This time sa lips na niya ako humalik. Pumikit ako para damhin yung labi niya na.
At
O____________O
Labis akong nagulat ng gantihan niya yung halik ko kaya napamulat na lang ako ng makitang gising na si bae. GISING NA SI BAE!
"Bae?"
Ako na ang kusang bumitaw sa mainit naming halikan.
"W-who a-are y-you?"
Alam ko na yan ang itatanong niya nasabi na yan sa amin ni kuya Zedrick na nagkaron ng temporary amnesia si bae. Pero masakit pa rin pala pag siya mismo ang nakalimot. Durog na durog ang puso ko pero hindi ako dapat panghinaan ng loob dahil alam ko na isip niya lang ang nakalimot hindi ang puso niya.
"Ako si Irish ang girlfriend mo."
Napansin ko ang pagtataka sakanyang mukha.
"G-girlfriend?"
Tumango lang ako sakanya. Ilang saglit lang dumating na din sila tito at tita. Gaya ng reaction ko kanina nagulat din sila kaya nilapitan nila agad si bae.
"Zarell anak."
Niyakap na siya ni tita at ganun din si tito.
"Mama?"
"Oo anak.....*sob* ako nga ang mama mo...salamat sa Diyos at nagising ka din."
Tinawag na din ni tito si kuya Zedrick para matignan kung ano na ang lagay ni bae.
![](https://img.wattpad.com/cover/34736120-288-k662070.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...