Zancho
Nagising ako sa mabangong amoy na galing sa kitchen kaya bumangon na ako at nag-ayos ng sarili ko. Tinignan ko muna sa salamin kung gwapings pa rin ako baka kasi may morning glory pa ko nakakahiya naman sa bae ko. Ang saya saya ko lang kasi dati kontento na ko sa pagtanawa sakanya pero ngayon andito siya kasama ko sa iisang bubong. Nakakakilig. I'm so gay!
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa kitchen. Tinakpan ko yung mata niya habang nagluluto siya. Corned beef pala niluluto niya. Yum!
"Goodmorning dyosa ng buhay ko."
"Goodmorning bae. Tamang tama tapos na ko magluto. Upo ka na dyan."
Naghain na siya at katulad kagabi siya uli ang nagsandok para sa akin. Para tuloy kaming mag-asawa pinagsisilbihan niya ko. Ang sweet! Pakasalan ko na kaya siya.
"Uhmm..tataba ako sayo bae ang sarap mo kasi magluto e."
"Ako pa! *smirk*"
"Kaninong kotse gagamitin natin pagpasok yung sayo o yung sakin."
"Mine."
"Okay ikaw mag drive ha?"
"Neknek mo! Ikaw magddrive nuh!"
"Ayy grabe."
"Bakit may angal?!"
"Wala! Ang aga-aga ang sungit mo."
"Trip ko lang batba?"
"Tss. Oo na po."
"Mamaya pala una kana uwi may date kami nung bago kong boyfriend."
OUCH! Ang sakit tagos sa hypothalamus ko.
"So break na kayo ni Ivann?"
"Oo boring kasi siya."
Napatango na lang ako sakanya. Parang gusto kong maglaslas ngayon din mismo. May karapatan din naman akong masaktan diba? Kasi nagmamahal ako yun nga lang hindi niya ko mahal.
Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa school. Kanina niya pa nga tinatanong kung bat tahimik ako ang sinabi ko na lang trip ko lang tumahimik. Tapos binatukan naman niya ko hindi daw siya sanay na tahimik ako.
Pagkahatid ko sakanya pumunta na ko sa building namin sinalubong naman ako ng nakangiting Domeng. Nagkaron na kasi sila ng closure ng ex niya kaya wala daw siyang problema.
"Parekoy goodmorning."
"Goodmorning parekoy. Andyan na ba si Xylene?"
"Oo kanina kapa hinihintay may sasabihin daw siya e."
Pagpasok ko pa lang ng pinto bigla akong binato ng pica sa mukha ni Xylene. Leche napapalibutan ako ng mga sadistang babae.
"Goodmorning babe."
"Ang sadista mo talaga."
"I know right! Birthday ko ngayon hindi mo man lang ako binati."
"Ngayon ko lang alam e. Happy birthday babe."
Totoo naman kasi hindi ko talaga alam edi kung alam ko dapat bumili ako ng itlog para binato ko siya diba?
"Punta kayo sa bahay ni Dom sabay sabay na tayo sa pag-uwi."
"Osige madami ka bang handa?"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With That Bitch (GirlxGirl)
RomanceI'm inlove with that bitch. Yes I'm inlove. I'm inlove with that bitch. Mapapansin din kaya niya ang isang simpleng nilalang na katulad ko? Kung mapansin man niya ko maiinlove din kaya siya sakin? Sa isang babaeng katulad ko na may lihim na pagtingi...