Chapter 23

28 4 1
                                    

[note: hi uleeet~~. Actually matagal ko na 'tong mga to na-draft kaso ineedit ko lang tsaka ang bagal ng net. Plus tinitignan ko kung may nagbabasa ba talaga. Kaya mga silent readers, lumabas kayo~ PARA MAGKAALAMAN NA. Anyways play niyo yung media mamaya.. I don't own it okay?]

JESSIE

"Date ka diyan?!" 

"Please. Kahit ngayon lang, oh" sabi niya "Friendy date lang naman"

Tumayo na ako sa inuuupuan kong bench kanina. Pupunta na ako ng building para sa next class ko. Pero nakabuntot pa rin 'tong pandak na to. Bakit niya ba ako pinipilit na makipag-date sa kanya? Hindi naman ako sanay sa mga ganyan at isa pa hindi nman talaga kami, ah. Sabihin na nating mag-on kami sa harap ng iba pero still, gusto kong makipag-date sa taong gusto ko talaga. Hindi sa katulad niya

"Please" pag-uulit niya

"Sabi ko nga kasing ayoko, diba?" sabi ko

"Ngayon lang naman, eh" medyo mahina na ang boses niya at may halong pagtatampo

"Para san ba?" tanong ko "Wala naman talaga, diba? So bakit pa ako papayag?"

Tumigil muna ako sa paglalakad at ganoon rin siya. Nasa may handrail kami ng hallway dito sa second floor ngayon. Papasok na kasi ako sa next class ko kung saan ay kaklase ko na naman siya

"Ngayon lang naman kasi" sabi niya ng medyo naka-pout "Minsan lang naman tsaka it's just a friendly date. Magkaibigan naman tayo, diba?"

Medyo natahimik ako. Tama naman kasi siya, friendly date lang naman. Bakit ko pa ipinagkakait? Magkaibigan naman kami at hindi naman ata siya gagawa ng bagay na ikasasama ko, diba? Pumayag na lang kaya ako para hindi niya na rin ako kulitin at para matapos na 'tong pakikiusap niya

"Sige na nga" medyo napipilitan kong sagot. Ngumiti naman siya ng malawak na pwede ng ikapunit ng kanyang mukha. Pero tumingin siya sa may parteng sa likod ko ng may halong pagkagulat

Balak ko na sanang lumingon, pero pinigilan niya ako at hinila palapit sa may handrail "Umupo ka" utos niya "Bilis" medyo ma-awtoridad niyang banggit kaya naman ay umupo na ako sa handrail. Pero halos ikasigaw ko na nang bigla na lang din siyang umupo sa tabi ko. Maliit lang ang handrail na iyon kaya masyadong magkalapit na kami

"May tinataguan ba tayo?" tanong ko. Sa lagay kasi namin ay parang nagtatago kami. May harang rin kasing nakasemento sa bawat gilid ng handrail. Para siyang bintana kung titignan

"Wag kang maingay" bulong niya

Hindi ko maipaliwanag o maintindihan man lang ang nararamdaman kong ito. Ang bilis nanaman kasi ng tibok ng puso ko. Dahil ba sa hindi ko malaman kung sino o ano ang dahilan ng pagtatago naming 'to o dahil ba sa magkalapit kami ngayon ni Suho

"Hindi ko kaya Xiumin"  boses ng babae ang naririnig ko. Xiumin? Ha?

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon