Chapter 17

51 3 2
                                    

JESSIE

Kakapasok ko pa lang ng WAOA. Tapos na kasi ang Christmas break namin at as usual, back to school nanaman

Napansin ko na pinagtitinginan nila ako dito. Ano ba ang nangyayari sa kanila? May dumi ba ako sa mukha? Parang wala naman kasi inayos ko muna ang sarili ko bago bumama ng kotse

"Kala mo kung sino siya. Pa-mysterious pa ehh malandi lang pala!"

Ano ba ang pinagsasabi ng mga tao dito? Bakit ganyan sila ngayon? Feeling ko nga, ako ang pinag-uusapan nila. Pero ano ba namang kalandian ang ginawa ko?

Tumungo na lang ako ng Room 88 sa SI Building kung saan ang first class ko. Pagpasok ko dun, nakita ko lang na may dalawa akong kaklase dito at si Cara at Tao lang naman

Si Cara ay abala sa pagbasa ng libro at si Tao naman ay abala rin sa kakatitig sa kanya

"Jessie!" bati sa akin ni Cara ng mapansin niya ako kaya napatingin na rin si Tao sa akin

Ginalaw ko naman ang kilay ko para batiin din siya pabalik

"Kayo na pala" sabi niya ng medyo natutuwa

"Anong 'kayo na pala'?" tanong ko sa kanya

"Diba kayo na?"

"Napansin mo ba na may mga nakatingin sayo kanina habang patungo ka dito?"

"Oo naman, halos lahat nakatingin sa akin lalo na ang mga babae" sagot ko kay Tao na siyang nagtanong kanina

"Ano relasyon niyo ni Suho?" tanong ulit niya

Dahil ba kay Suho kung bakit sila ay ganun na lang kung makatingin? Ano naman? Hindi naman nakaabot sa kanila ang pagpapanggap namin nun, ahh?

"Wala. Bakit?!"

"Ito oh" sabi ni Cara habang nag-i-scroll sa phone at binigay sa akin

Isang picture. Selfie namin ni Suho sa Boracay. Nung pag-salubong namin sa new year. Humingi kasi siya ng kahit isang picture lang daw

I stared at them, blankly "Hindi kami"

"So what do you mean by that? May caption pa ngang '2015 with her'"

"Then?"

"You're his girlfriend" pag-iinsist ni Tao

"No I'm not" I said casually "Yeah. May selfie na kami but it doesn't mean na kami sa lagay na yan"

"Okay okay" sabi ni Cara

"Ako naman ang magtanong" sabi ko "Ano ang relasyon niyong dalawa?"

"Nililigawan ko siya" deretsahang sagot ni Tao

"Anong?!"

"Basta nililigawan na kita"

"I hate gangsters" simpleng saad ni Cara

"Bakit?" halos sabay naming tanong ni Tao

"Basta"

***

Paglabas ko ng room namin, andami pa ring nakatingin sa akin at yung iba, mukhang pinagbubulungan pa ako

Kung puntahan ko muna si Suho? Para sabihin na tanggalin o i-clear ang lahat ng yun?

Pero baka mas pag-usapan pa kami pag nakita nila kami

"Jessie" tawag sa akin ni---

"Mama? Suho?" magkasama kasi si mama at Suho ngayon. Bakit sila magkasama?

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon