Chapter 48

13 2 0
                                    

JESSIE


"Pero seriously, kayo na ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Jamellah. Nahalata niya ata na minsan ay umiiwas ako kay Suho sa tuwing dumidikit siya sa akin



"Ewan" si Suho na ang sumagot "Basta ang alam ko, nag- 'I love you too na siya sa akin"



Naramdaman kong uminit ang tenga ko lalo na ng naghiyawan sila "Wag niyo siyang pagtripan" seryosong sabi ni Suho sa kanila



"Sorry" halos sabay-sabay na banggit nila. Hinawakan ni Suho ang kamay ko at tumayo kaya napasabay na rin ako sa pagtayo "Guys, una na kami. Ah?"


Sumama na lang ako sa kanya hanggang sa pagsakay sa kotse "Saan tayo pupunta?" tanong ko



"Sa bahay. May ipapakita ako sa'yo" sagot niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay nila




May bagong motor na nakaparada doon. Ito ba ang balak niyang ipakita sa akin? Nakapasok na ang kotse niya at hindi pa kami bumababa. Sinubukan kong buksan ito pero pinigilan niya ako "Bakit?" tanong ko



"Tayo na ba?" tanong niya sa akin



"Para saan pa yung 'I love you too' ko?" I replied. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko nang marinig niya ang sagot ko. Masaya rin ako sa nangyayari sa amin ngayon. Bumaba na siya at siya na rin ang nagbukas ng pinto sa akin. Hindi ako nagkamali sa akala ko kanina, yung motor nga niya ang ipapakita sa akin

"Bago?" tanong ko at umiling siya bilang sagot

"Matagal na 'yan kaso hindi ko naman ginagamit. Pero ginagamit din 'to minsan ng mga kaibigan ko" tumango-tango na lang ako sa mga sinabi niya "Tara, Joyride tayo"

Pumayag na lang din ako sa kagustuhan niya. May dalawang helmet na nakasabit doon, isang malaki at isang maliit. Sinuot niya yung malaki at sa akin naman yung maliit

Tahimik lang kami habang nagda-drive siya, hindi ako nagsasalita dahil sa ayokong mawala ang focus niya sa pagda-drive. At sa isang mall kami tumigil at bumaba

"Sine tayo?" yaya niya at ngumiti ako habang tumango sa kanya

STACY

"Tayo, hindi magdedate?" nakapout niyang tanong sa amin pagkalabas naming ng condo ni Lay. Pero hindi ko siya sinagot at hinila na lang siya papunta sa parking lot

Kotse niya ang sinakyan naming papunta dito kaya yun din ang gagamitin namin. Pero pinasakay ko siya sa shotgun seat na mukhang ikinagulat niya ang ginawa ko at sumakay na rin ako sa driver's seat

Tinignan ko siya at mukhang hindi pa siya nakaka-recover sa ginawa ko. Kaya lumapit ako sa kanya hanggang sa magkalapit na ang mukha naming dalawa na mas lalong ikinagulat niya. Nginitian ko pa siya sabay ng paglapit pa

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon