Chapter 27

31 5 1
                                    

"Happy Birthday Xiupao" sabay sabay na bati ng lahat kay Xiumin na siyang may kaarawan ngayon. Nasa Special Room ng We Are One Academy nila sinorpresa sa Xiumin para sa kanyang birthday. Ngunit hindi ganoon kasaya sapagkat ay lahat ng kaniyang kaibigan ay may sari-sarili ng girlfriend o nililigawan na kasama sa loob. Samantala siya na pinakamatanda sa lahat ay wala pa rin

Alam niya naman na meron na sa kanyang ipapakasal ngunit hindi niya pa ito kilala dahil sa lagi na lang na naantala ang pagpapakilala sa kanila ng kanyang ama. At gustong-gusto niyang malaman kung sino ang babaeng ipagkakasundo sa kanya dahil sa gusto din niya ditong makiusap na pigilan ang pagpapakasal sa kanilang dalawa. Iyon ay para pumayag na sa relasyon sa kanilang dalawa si Louise na kanyang matagal ng mahal

"Salamat" iyon na lang ang lumabas sa kanyang bibig dahil sa kung anu-ano na naman ang kaniyang iniisip

"Paano ba 'yan? Kainan na!" pasigaw at masayang sabi ni Chen habang inaakbayan si Miles na kanya ng nililigawan kahit na tumanggi ang dalaga dahil sa kanilang estado sa buhay. Ngunit ay nagpumilit pa rin si Chen na manligaw kaya andiyan na sila sa sitwasyon na 'yan

Kumuha na ang iba ng kaniya-kanyang pagkain at inumin. Mistulang pang-bata ang handaan kahit na masyado ng matanda si Xiumin para sa ganoong mga handa. Si Chen kasi ang may ideya ng ganitong handaan. Si D.O naman ang namahala sa pagluluto kasama ng kanyang girlfriend na si Kwinie. Si Suho din ang gumastos ng lahat sa handaang yun at ang iba naman ay tumulong na din sa paghanda

Habang kumakain, napansin ni Suho na medyo iba ang aura ng may kaarawan kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang nililigawan at nilapitan niya na si Xiumin "May problema ka ba?" bungad niya dito ng umupo sa tabi nito

"Wala naman" malungkot nitong sagot "Nakakainggit lang kasi" sabi niya

"Ba't ka naman maiinggit? Saan?" pagtatanong ni Suho

Kinwento na nga niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Isinabi din niya ang kaniyang sitwasyon na ipagkakasundo sa babaeng hindi niya man lang kilala pa at higit sa lahat ang hindi pagdalo ng kaniyang best friend na si Louise. Naintindihan naman ni Suho ang lahat at gusto niya nga ring gumawa ng paraan para makita ni Xiumin si Louise

"Hayaan mo muna 'yan" aniya "Lilipas din ang lahat at mangyayari ang dapat na mangyari. Sa ngayon, ienjoy mo muna ang kaarawan mo. Para naman hindi bad-vibes ang araw na 'to para sa'yo"

Ngumiti na lang ito ng pilit "Thank you sa pa-unawa"

Mabilis na lumipas ang oras dahil sa nag-enjoy lang silang lahat sa loob ng Special room. Kantahan, sayawan, kainan at ang pagbigay nila ng regalo kay Xiumin. Lahat naman iyon ay tinanggap ni Xiumin at nang ibibigay na ni Jessie ang kanyang regalo ay napatingin ang lahat sapagkat ay dalawa ang ipinakita nitong regalo sa kanya. Ang isa ay malaki kung saan ay may laman itong sapatos na galing pa sa ibang bansa. Sa kabilang banda, ang isang maliit na kahon ay ibinigay nito sa kanya

Dahil sa pagtataka, ito na agad ang binuksan ng binata. Hindi niya inaasahan ang kanyang makikita na nasa loob nitong. Naghahalong kaba at saya ang siguradong nararamdaman ni Xiumin nang masaksihan niya ang laman ng kahon na ipinaabot kay Jessie

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon