Chapter 29

26 4 0
                                    

Chapter 29

JESSIE

 

“Aray!” komento niya. Bigla ko kasi siyang pinisil sa pisngi dahil nanggigigil ako sa kanya

“Sorry” sabi ko at itinigil na ang pagpisil dito at pinalitan ito ng paghaplos sa kanyang mukha patungo sa kanyang buhok na nakahiga sa mga hita ko

“Sana ganito na lang tayo lagi” sabi niya nang nakatingin sa mga mata ko. Hindi na lang ako nagsalita at nilapat na lang tingin sa magandang langit

Naramdaman kong umupo siya mula sa pagkakaunan niya sa mga hita ko. Tumayo na siya at naglakad papuntang tabing dagat upang umupo. Tinignan niya ako habang nilalaro niya ang tubig dito at pinaypay niya ako na parang nag-iimbita na pumunta ako doon

“Jessie~” sigaw niya “Tabihan mo ako dito”

Nakangiti naman akong tumakbo papalapit sa kanya. Pero ang ngiting yun ay napawi at ang pagtakbo ko ay biglang tumigil nang makita ko siyang bumagsak na lang bigla

“Suho!” my voice broke when I shouted his name on the top of my lungs while getting near at him, worrying. But before I got near, I saw a girl from the past. Wearing the same thing with her hand, holding the same thing that day

But it wasn’t enough for her to scare me. When I looked beside her, I saw the guy I loved from the past. Patalikod siyang nakahiga sa amin at dahil doon, nakita ko yung tama niya na gawa ng pagputok ng baril

“Bakit ka andito?!” pasigaw kong tanong habang nanlilisik na ang aking mga mata sa pagkakita ko sa kanya. Ngunit binigyan niya lang ako ng blankong tingin at nang tinignan ko ang kanyang mata, ito ay maluha-luha na

“Hindi! Hindi dapat kita nakikita ngayon! Wala ka na! Wala ka na!!!” sigaw “UMALIS KA”

Hinihingal akong nagising sa katotohanan. Panaginip lang pala at sana hindi siya magkatotoo. Ayoko ng maulit ang dati kong kasalanan. Ayoko na makita ang dating ako. Ang babaeng pumatay kay Moju nung bata pa

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin, pangit pa rin ang mga mata. Sadya na lang kasi itong naging cold simula ng pangyayaring iyon ng bata pa ako. Noong araw mismo ng makita ko siyang nakahilata sa sahig. Sana hindi ko na lang hinawakan ang bagay na ‘yun. Edi sana naging okay na ang lahat at hindi na humantong pa sa ganitong sitwasyon

“Moju, sana hindi na kita maalala pa”

Pagkatapos kong gawin ang morning routines ko ay agad na akong lumabas para kumain ng breakfast. Pero sadya talagang mapaglaro ang panahon. Nasa mesa si papa at kumakain na ng agahan. Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko at umupo sa upuan nang hindi siya pinapansin

Hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin. Hindi ko rin maintindihan ang mga nararamdaman ko ngayon. Galit pa rin kasi ako sa kanya dahil sa paglalagay sa akin sa ganitong sitwasyon

“Anak” banggit niya pero hindi ko pa rin siya tinitignan “Hiniwalayan mo pa ba si Suho?”

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon