Chapter 16

42 4 4
                                    

(a/n: Happy Happy 2015 Everyone. First UD of this year! magdiwang tayo. Kahit medyo late )
***
JESSIE

"Good..sige..bilisan niyo but keep safe...Bye"

"Sino yun?" bungad ko sakanya pagkatapos niyang ibaba ang tawag

"Bakit? Possessive girlfriend ka na ba at lahat sasabihin ko sayo?"

Tinignan ko siya ng masama at tinalikuran siya. Ano ba ang nasa isip niya? Porque mag-kaibigan na kami ehh magkakagusto agad ako sa kanya?

"Eto naman joke lang" sabay hila niya papalapit kaso sa sobrang lakas ng pagkakahila niya, sobra ng nagkalapit ang mukha namin "Yung mag-seserve sa atin yun para sa engrandeng pagsalubong para sa 2015" pagpapaliwanag niya

"Ahh" I said with a cold voice at katahimikan nanaman ang bumalot sa paligid. Andito nga pala kami sa cottage namin samantalang yung iba ay kung anu-ano ang ginagawa

"Suho!" narinig ko naman ang boses ng pinsan kong si Lay. Liningon naman namin siya

"Bakit?" tanong ni Suho

"Pinapatawag ka ni Mama" sabi ni Lay kaya tinignan niya ako at binato ko naman siya ng tingin na nagpapahiwatig na 'Pumunta ka na. Kaya kong mag-isa dito' kaya naman umalis na siya at pinat ang balikat ni Lay bago umalis

Binalik ko naman ang tingin ko sa dagat. Alam kong andiyan pa ang pinsan kasi nararamdaman ko pa pero hindi ko na siya pinansin kasi hindi ko lang talaga pakiramdam na kausapin siya ngayon. Sa halip, binaling ko na lang ang tingin ko sa dagat

"Totohanan na ba yung set-up niyo ng bestfriend ko?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko

Napatingin naman ako sa kanya "Hindi magkaibigan lang kami" depensa ko pero totoo naman magkaibigan na kami nung pandak na yun

Napatawa naman siya ng bahagya at ramdam ko na dahil 'yun sa pinagsasabi ko "Hindi mo na ba talaga ako naalala?" tanong niya sa akin

"Hindi na ata" pero mukha kasi. Basta si Moju at Yul lang ang nalala ko dahil sa lagi na lang akong binabangungot tungkol sa kanila pero mukhang pamilyar kasi yung 'Xing Xing' tsaka mukhang may dalawa pa

"Hindi kasi iba na ang itsura ko sa dati. Dati kasi mataba ako at isa pa hindi Xing xing o Lay ang tawag mo sakin"

"Huh? Ano pala?" na-curious na kasi ako sa mga pinagsasabi niya

"Ako so Ching Ching" dagdag niya kaya may bigla akong naalala

Flashback…

Naglalaro ako dito sa playground ng mansion ni lola. At yung iba andun sa loob kasama sina mama't papa

"Bulaga!~"

"Waaah!"

Napaupo ako kasi may gumulat sa akin pero imbes na tulungan niya ako eh tinawanan niya pa ako

"Bakit mo ako tinatawanan?" naiinis komg tanong

"Wala" sabay hawak sa tiyan niyang pangbuntis at tumawa pa rin "Ikaw yung anak ni tita ganda?"

"Oo ata" maganda naman kasi ang mommy ko

"Ako pala si Xing Xing" pagpapakilala niya

"As in Ring? Yung sa kamay?"

"Hindi, Xing xing" ulit niya

"Dapat sayo TABA-ChingChing" at tumawa ako ng malakas

…end

Simula nun naging magkaibigan kami pero after 1 year nalaman kong sa China na siya nag-aaral. Kaya pala familiar ang mukha ng mama niya

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon