Chapter 12

108 5 10
                                    

STACY

"Bati na tayo, wala ng bawian ahh" paalala sa akin ni Chanyeol

Kinwento niya lahat na parang narereport lang. Simula sa pag-alis ko ng cafeteria hanggang sa pagpunta niya sa bahay "Oo na bati na tayo" sabi ko habang nagkukunwaring napipilitan lang

Nagpout na man siya at ang cute niya. Parang gusto kong ikiss "Ano ba yan parang ayaw mong magkabati tayo" sinabi niya yun habang naka-pout

"Nagjojoke lang naman. Labas na tayo" yaya ko sa kanya "Malelate na ako sa next class ko"

Lumipas ang mga araw at linggo at nananatili pa rin kaming bati ni Chanyeol. May mga bagay pa rin na pinag-aawayan namin as normal couples pero hindi na namin pinapalagpas ng 24 hours ang away namin

Ngayon andito ako sa bahay, nag-aayos papuntang school

"Miss Stacy" tawag sa akin ni manang

"Ano yun manang?"

"Si sir Chanyeol po nasa baba na. Sasabay din daw po siya sa breakfast niyo"

"Sige. Malapit na rin akong matapos"

"Sige po"

Bumaba na ako ng hagdan ng maingat kasi naman baka madulas na naman ako. Pagkadating ko ng dining hall nakita ko agad si Chanyeol

Wala sina mama at papa. As usual, may business trip.

"Good Morning" bati niya

"Good morning din" I replied with a smile. Nakaupo siya sa dulo ng table tapos umupo na lang ako sa malapit sa kanya. Para tuloy kaming mag-asawa

JESSIE

"December na pala. Di ko man lang napansin" sabi ni Jamellah. Andito kasi kami sa cafeteria ngayon kasama si Dian, Cara, Yan, Jamellah at ang bestfriend niyang si Mizuki na naka purple ngayon

"Oo nga, noh. Sino ang i-vovote niyong Main Prince and Princesses?" tanong naman ni Cath

"Si Louise" halos sabay-sabay naming sagot

"Sa lalaki?" tanong niya ulit

"Xiumin" "Lay" "Baekhyun" hindi na ako nakisabay iba-iba kasi sila ng bias sa EXO

"Ikaw, Jessie?" nagtinginan naman sila sa akin

"Ewan" simpleng sagot ko. Sula nung naka-usap namin si Chanyeol tungkol sa kanila ni Stacy. Hindi ko na siya naka-usap muli. Hindi ko rin kasi siya bet kaya hindi ko na yun masyadong pinansin basta ngayon okay na sila

Hindi na nga sa amin nakakasabay sina Michelle, Stacy at Louise dahil sa EXO. Okay lang naman yun sa amin. Hindi naman kami galit

Si Hyo Mile naman, andun kasama si Chen. Assistant kasi siya nito kaya walang magagawa si Hyo Mile kundi sumunod sa kanya alang-alang sa scholarship niya

"Yan, kanina ka pa wala sa mood ah" sabi ni Cath

"Wala naman. May problema kasi ako sa research ko"

Hindi na ako nakinig sa kanila. Si Yan, isang Chinese-American. Aliya Li ang English name niya. She's a typical nerd: malaking eyeglasses, manang na pananamit o maluwag na uniform, at mga librong dala-dala

"Ahh. Madali lang naman yun para sayo. I made a research na nung high school and mine is the best" sabi sa amin ni Jamellah

"Diba classmates kayo ni Jessie? So she made one too, right" tanong naman ni Yan

"Yeah, she got the third place in class and Cara was the tenth one"

"Ang galing niyo naman" sabi naman ni Mizuki

[[EXO]] We Are One AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon